Buntong Hininga | Page 5

Pascual de Leon
m~ga pasakit,
tulay n~g lwalhating patun~go sa
lan~git,
halamang magarang sa paligid-ligid
ay m~ga bulaklak na
kaakitakit,
bundok na palaging sa libis ay batis
na maiinuman n~g
budhing malinis,
dagat na payapang katapat n~g lan~git
na minsa'y
magban~gong kapan~gapan~ganib.
III.
Sultana n~g Pasig, mahinhing Makiling,
sa ganda'y reyna nang dapat
pan~garapin,
isang Sinukuang anang salaysayi'y
babaing bumihag
sa libong damdamin,
usok n~g kamanyang na di magmamaliw,

Lan~git na masaya at Buwang butihin,
Olimpong mayaman sa m~ga
awitin,
buhay na badhaan n~g isang paggiliw.
IV.
Tahimik na lan~git na nan~gan~ganinag
ang lamang biyayang tugon
sa pan~garap,
m~ga kayamanang hindi matitinag,
sampagang sa
ban~go'y tulang walang kupas,
talang nagsasayang may mayuming

sinag,
aklat na talaan n~g aliw n~g palad,
dahon n~g kaluping
yaong nasusulat
ay kadakilaan n~g damdaming in~gat.
V.
Tingkad n~g pagasa, tuhog n~g kampupot,
kudyapi n~g palad, tamis
n~g pagirog,
watawat na sipi sa lalong matayog
na kaligayahang
hindi mauubos,
haligi n~g buhay na di matutupok
n~g apoy n~g
samang dito'y nagsianod,
bathala n~g gandang kung siyang magutos

sa matatakuti'y mawawalang takot.
VI.
Iyan ang si Choleng na sadyang mayumi't
laman n~g panulat na
kahilihili,
iyan ang larawang aking binabati
at isang dalagang hiyas
nitong Lahi,
iyan ang diwatang ang paguugali'y
mayamang talaan
n~g saya't lwalhati,
iyan ang sampagang ang samyo, ang uri'y

pawang kapalarang walang pagkapawi.
VII.
At n~gayo'y araw mo! N~guni't ano kaya
ang maiaalay sa isang
himala?
Walang wala Choleng! Hindi m~ga tula,
ni hindi
pan~garap sa gitna n~g tuwa,
kundi m~ga mithing: _buhay_, _lakás_,
_tyaga_,
ang sa talaan mo ay man~gapatala,
iyan ang mabuting
kalasag na handa
upang sapitin mo ang inaadhika.
VIII.
Basahin pa Choleng sa aklat n~g buhay
ang tingkad n~g aking
dalan~ging dalisay;
"Buhay mo'y maglayag sa kaligayahang

pan~garap n~g lahat sa Sangkatauhan.
Isang pagtatapat: Sa lupang
ibabaw
ang palad n~g madla ay isang digmaan,
ang iyong paglakad
ay pakain~gata't
ang buhay n~g tao'y panaginip lamang.
TINDING...

Magsabi ang Lan~git kundi ikaw'y talang
Nagbigay sa akin n~g
tuwa't biyaya,
Magsabi ang lahat kung hindi diwata
Ikaw n~g lalo
mang pihikang makata.
Ikaw'y maniwalang ang musmos kong puso'y
Natuto sa iyong
huma~ga't sumamo,
Sisihin ang iyong dikit na nagturo
Sa
kabuhayan ko, n~g pamimintuho.
At sino sa iyo ang hindi hahan~ga?
Ikaw'y paralumang batis n~g
biyaya,
Pakpak n~g pan~garap at Reyna n~g awa.
Ang dilim n~g gabi sa aki'y natapos,
N~gumiti sa tangkay ang m~ga
kampupot,
Gayon ma'y narito't puso ko'y busabos.
Noo'y isang hapon...
(Kay......................)
Noo'y isáng hapon! Ikaw'y nakadun~gaw
At waring inip na sa lagay
n~g araw,
Ang ayos mo noon ay nakalarawan
Sa puso kong itong
tigíb kalumbayan.
Anománg gawin ko'y hindi na mapawi
Ang naging anyo mong
pagkayumi-yumi,
¡Itóng aking pusong nagdadalamhati'y
Tinuruan
mo pang umibig na tan~gi!
Kung nang unang dako'y hindi ko nasabi
Sa iyo ang aking tunay na
pagkasi
Ay pagka't ang aking puso ay napipi
Sa haráp n~g dikít na
kawiliwili.
Sa n~gayo'y naritó at iyong busabos
Ang aking panulat at aking
pag-irog;
Ang aking panitik: walang pagkapagod,
Ang aking
pag-ibig: walang pagkatapos.
Kung pan~garapin ko ang lamlam n~g araw
At nagíng anyo mo sa
pagkakadun~gaw
Ay minsang sumagi sa aking isipang
"¿Ikaw

kaya'y aking magíng Paraluman?"
Daglian...
(Sa iyo rin...)
Kung sa iyong pag-iisá
O sa iyong pagbabasá
Ay may
matutunghayan ka
Na tunay na sumisintá,
Yaón ay wala nang ibá

Kungdi akong nagbabatá.
Akin na n~gang naiulat
sa iyo, ang aking palad,
N~guni't ang aking
panulat
Ay di makapagsisiwalat
N~g _layon_ ko at _pan~garap_.

Kakambal ko kaya'y hirap?
Tinding: ikaw'y maniwala
Na ang aking puso't diwa
Sa iyo'y sangla
kong pawa;
Ang puso ko'y humahan~ga,
N~guni't umíd itong dila,

Ito kaya'y malikmata?
Ang may pagsintang malabis
Ay umid at nahahapis,
Ligaya na
n~gang masilip
Yaong kanyang nilalan~git,
¿Tubsin mo kaya sa
sakit
Ang pagkasi kong malinis?
Unang damdamin!
(Sa iyo.....)
I.
Bathala n~g ganda! Hindi kailan~gang
sa aki'y magtaka sakaling
alayan
n~g paos na tinig n~g aking kundiman,
pagka't alam mo
nang diwata kang tunay.
II.
Ikaw ang pumukaw sa aking panulat
upang maawit ko ang yumi
mong in~gat,
ikaw ang sa aking kalupi n~g palad
ay unang nagtitik
n~g isang pan~garap.

III.
Ipagpatawad mong sa iyo'y sabihing
ikaw ang bathalang pumukaw sa
akin,
ikaw ang nagbukas sa aking damdamin
n~g lihim at unang
pinto n~g paggiliw.
IV.
Kundi kasalanan ang gawang tuman~gis
ay ibilang mo nang kita'y
iniibig
at kung ang luhog ko'y iyong ikagalit
ay ibibilang kong
isang panaginip.
¡INFIERNO....!
Tinatakhan mo ba ang aking pag-irog?
Dinaramdam mo ba ang aking
paglimot?
Huwag kang mamangha't di mo masusubok
ang
kadalisayan n~g aking pagluhog.
Sa aki'y di sukat ang m~ga babae,
sa aki'y di sukat ang iyong pagkasi,

ako'y inianak sa pagkaduhagi
kaya't magagawa ang minamabuti.
Ako'y malilimot kung siya mong nais
at pakasumpain sa silong n~g
lan~git,
ikaw'y may laya pang sa iba'y umibig
pagka't may ganda
kang hiraman n~g awit.
Subali't alaming... ikaw'y masasayang
kung mahihilig ka sa ibang
kandun~gan,
sapagka't ang ating nan~gagdaang araw
ay di
malalanta sa iyong isipan!
Ang lahat sa lupa'y iyong mahahamak
at maaari kang magbago n~g
palad,
n~guni't susundan ka sa iyong paglakad
n~g isang anino n~g
ating lumipas.
Iyong magagawa ang ako'y limutin
at matitiis ko ang pagkahilahil,

iyo mang isangla ang iyong paggiliw
sa ibang binata'y... di ko
daramdamin!

Kung tunay mang _lan~git_ ang iyong pagkasi'y
isang _Infierno_
ring aking masasabi,
bihira sa m~ga magandang babae
ang di
salawaha't taksil sa lalaki.
Limutin mo ako kung siya mong nasa't
saka pa umibig sa ibang
binata,
ang pagtataksil mo'y di ko iluluha
pagka't ang babae'y taong
mahiwaga.
Ang paglilihim mo'y aking kamatayan,
ang ginagawa mo'y parusa
n~g buhay,
kundi ka tutupad sa bilin ko't aral
ay ako'y walin na sa
iyong isipan.
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 16
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.