Buntong Hininga | Page 6

Pascual de Leon

Di ko tinatakhan ang palad n~g tao
sapagka't ang lahat ay mayrong
Kalbaryo
kung ang aking puso'y iyong _Paraiso_,
ang iyong
pag-ibig ay aking _Infierno_.
¡Kamanyang...!
I.
Ang hapong malamlam ay naging tadhana
n~g bagong panahon sa
aklat n~g diwa,
ang gabing madilim na di nagsasawa
sa
pagmamaramot sa m~ga biyaya
ay naging umagang sa aking akala'y

batbat n~g bulaklak na lubhang sagana,
ang buwang mayuming
ayaw magmagara
ay naging dalagang kaagáw n~g tala.
II.
Ang m~ga aliw-iw n~g palalong tubig
sa kabuhayan ko'y naging
m~ga tinig
n~g lalong mapalad sa silong n~g lan~git,
ang kulay
n~g hirap na namimiyapis
ay biglang nagmaliw na di ko malirip,

ang mundo kong batbat n~g luha at sakit
ay naging mundo na n~g
Haring makisig
ó isang palásyong malayo sa hapis.
III.

Ang tikóm na labi n~g m~ga sampaga'y
namukád na bigla't naglabing
ligaya,
ang dilim at ulap n~g aking pagasa'y
naging bagong araw na
di magbabawa,
ang kukó n~g hirap at, ban~gis n~g dusa'y
naging
m~ga hamog sa dapit umaga,
ang guhit at ulos n~g m~ga parusa'y

naging m~ga n~giti n~g bagong Ofelia.
IV.
Huwag kang magtaka, dalagang mayumi
sakaling sabihing sa aki'y
napawi
ang tinik n~g dusa't m~ga dalamhati,
sapagka't sa n~gayo'y
aking napaglimi
na iyong pagsilang nang buong lwalhati
ang m~ga
nabagong nadama't nasuri,
ang m~ga nakita't nabakas sa labi'y

tanda n~g paghan~ga't sa iyo'y pagbati.
V.
At n~gayo'y araw mo! Darakilang araw
ang siyang sumaksi sa iyong
pagsilang,
at yamang ganito'y aking katungkulang
ikaw ay suubin
n~g aking kundiman
bagama't, alam kong ang awit n~g buhay
ay
awit n~g m~ga naaaping tunay
bagama't talos kong ang "lira" kong
tan~gan
ay hamak na "kurus" sa isang libin~gan.
VI.
Walang kailan~gan! At tila n~ga dapat
na ika'w batiin n~g aking
panulat:
Dakilang dalaga, ang Sangmaliwanag
ay busog sa silo at
m~ga bagabag,
tayo'y isinilang upang makilamas
sa n~gitn~git n~g
dilim at sigwa n~g palad,
matapos batii'y iyong isahagap
na ang
buhay natin ay isang pan~garap.
Ang abaniko mo...
(_Sa isang bulaklak._)
Parang isang pilas n~g lan~git na bughaw
ang namamalas ko kung
ikaw'y magpaypay,
parang isang "mundo, ang pinagagalaw
n~g

napakaputi't nilalik mong kamay.
Iyan ang pamaymay na iyong ginamit
nang ako'y daran~gin n~g dila
n~g init,
diyan napasama ang patak n~g pawis,
diyan napalipat ang
pisn~gi n~g lan~git.
Anopa't sa aki'y naging malikmata
ang buhay kong iyong binigyang
biyaya,
nalimot kong minsang ang tao sa lupa
ay may kamataya't
sariling tadhana.
Ang sun~git n~g gabi, sa aki'y napawi
at bagong umaga ang siyang
naghari,
ang damdam ko baga'y pawang nanaghili
sa akin ang m~ga
taong mapagsurí.
Subukang igawad ang Sangkatauhan
at hindi sasaya itong kabuhayan,

n~guni't kung ang iyong "abanikong tan~gan,
patay ma'y
baban~go't ikaw'y aawitan.
Sa aki'y sukat na ang ikaw'y mamalas
upang ang lan~git ko'y
mawalan n~g ulap,
ang iyong pamaypay kung siya mong hawak,

ako'y dinaraíg n~g m~ga pan~garap.
Kung ikaw'y umibig
(_Sa aking Reyna._)
Huwag nang sabihing ang tan~ging Julieta
n~g isang Romeo'y batis
n~g ligaya,
huwag nang banggitin ang isang Ofelia't
hindi
mapapantay sa irog kong Reyna.
Subukang buhayin ang lima mang Venus
at di maiinggit ako sa
pagluhog,
tinatawanan ko si Marteng umirog
sa isang babaeng
lumitaw sa agos.
Ang pulá n~g labi, ang puti n~g bisig,
ang kinis n~g noong wari'y
walang hapis,
ang lahat n~g samyo sa silong n~g lan~git
ay

isinangla mo kung ikaw'y umibig.
Ang lahat sa iyo'y kulay n~g ligaya,
ang lahat sa aki'y n~giti n~g
sampaga,
kung magkakapisan ang ating pag-asa
ay magiging
mundong walang bahid dusa.
Hindi mo pansin na ako'y lalaki,
hindi mo naisip na ikaw'y babae,

paano'y talagang kung ikaw'y kumasi
sa tapat na sinta'y
nagpapakabuti.
Gabing maliwanag at batbat n~g tala,
maligayang Edeng bahay n~g
biyaya,
iyan ang larawang hindi magtitila
n~g iyong pag-ibig sa
balat n~g lupa.
Ang buhay n~g tao'y hindi panaginip,
ang mundo'y di mundo n~g
hirap at sakit,
aking mapapasan ang bigat n~g lan~git
kung
sasabihin kong: _Kung ikaw'y umibig_.
Tag-ulan...
May nan~gagsasabing masama ang ulan,
may nan~gagagalit sa lusak
na daan,
ako ang tanun~gi't... aking isasaysay
na ang tan~ging
_gloria'y_ ang pagtatampisaw.
Ang m~ga halama'y nan~gananariwa
sa patak n~g ulang hindi
nagtitila,
ang aking pagkasing ibig mamayapa
kung ganyang
tagula'y nagbabagong diwa.
Walang kailan~gang sa aki'y magtago
ang mukha n~g araw na di ko
makuro,
sa aki'y sukat na ang iya'y maglaho
upang pasayahin ang
kimkim kong puso.
Walang kailan~gang sa Sangmaliwanag
ay laging maghari ang dilim
at ulap,
ang patak n~g ulan sa imbi kong palad
ay ban~gong
masansang na di man~gun~gupas.

Kung may mag-uulat na sa kalan~gitan
ay may unos, baha, at patak
n~g ulan,
ay kunin na ako't hindi mamamanglaw
pagka't masasama
sa kawal n~g banal.
Ang patak n~g ulan ay awa n~g lan~git,
lihim na biyaya sa m~ga
ninibig,
laman n~g panulat sa m~ga pag-awit,
sariwang bulaklak sa
pitak n~g isip.
Kung ang tan~ging Musa'y may tampo sa akin
at ayaw sumunod sa
aking paggiliw,
ang patak n~g ula'y sukat ang malasin
upang ang
_lira_ ko'y sumuyo't sumaliw.
Kung sakasakaling ako'y maging bangkay
at saka ilagak sa isang
mapanglaw
na labi n~g libing... mangyaring ang ula'y
bayaang
tumagos sa aking katawán.
II.
PAGSISISI......
(TULANG MAY ANIM NA BAHAGI.)
_ I.--Nasilaw sa dilím.
II.--Ang hamak na palad.
III.--Gayon man,
gayon ma'y...
IV.--Ang panghihinayang...
V.--Kung ikaw'y binata...

VI.--Sa abó baban~gon..._
¡PAGSISISI.....!
Sa iyo
=_Nasilaw sa dilim_=...
I.
Anang m~ga tao: _Ang m~ga makata'y
Sadyang isinilang upang
magsiluha._
Nang una'y ayokong dito'y maniwala
Subali't sa
n~gayo'y nakita kong tama.

Ang luha n~g tao ay may m~ga dahil,
May luhang nagmula sa
pagkahilahil,
May sa pagkaapi sa isang giniliw,
May sa pagkalayo
sa
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 16
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.