Buntong Hininga | Page 4

Pascual de Leon
katotohana'y
nagbukas
n~g pinto n~g kaligayahan.
Ikaw'y napalayo. Ako'y ilinagak
sa lan~git n~g isang masun~git na
palad
napatulad ako sa kimpal n~g ulap
na walang bituwing
magarang ninikat,
ang kabuhayan ko'y naging isang dagat
na di
matatawid kahit sa pan~garap.
Pinag-aralan kong luman~goy sa sakit
at buong lakas ko ang siyang
ginamit
ang iyong pan~gako sa aking pan~ganib
ay siyang
timbulang kawáy n~g pagibig,
noon ko nalamang ang taglay kong
hapis
ay di magbabawa't singlawak n~g lan~git.
Pinagtiisan kong labanan ang aking
pasanpasang hirap at m~ga
damdamin,
ang kawikaan ko'y ang gabing malalim
na

napakasun~git ay natatapos din.
Ang taglay kong dusa kung ako'y
palarin
ay magiging sayáng hindi magmamaliw.
Walang saglit na di ang iyong pan~gako
ang napapasulat sa aklat n~g
puso,
walang araw na di ang aking pagsuyo
ay sabik sa tuwang
kapintupintuho
kaya't nangyayaring madalas maligo
itong aking
palad sa luhang nunulo.
Isinulit mo pang sa iyong pagdating
ang iyong pan~gako'y sadyang
tutuparin,
ang aking pagasang puyapos n~g dilim
ay kinabakasan
n~g bahagyang aliw,
paano'y umasang iyong tutubusin
ang kunis
n~g buhay sa guhit n~g libing.
Magmula na noo'y naging maliwanag
ang lan~git n~g pusong
nagaalapaap,
ang kurus na aking laging namamalas
sa m~ga
libin~gan n~g nan~gapahamak,
sa aking panin~gin ay naging
watawat
na kulay lungtiang kapan~gapan~garap!
Ikaw'y napabalik, at tayo'y nagkita!
ang lamang palagi nitong alaala'y

ang iyong pan~gakong hindi magbabawa
na n~gayo'y ibig kong
tuparin mo sana,
n~gunit hinding hindi. Ang aking pagasa'y
iyong
ipinako sa kurus n~g dusa.
Sa ganyang paraa'y di kaya manglambot
ang kabuhayan kong
puyapos n~g lungkot?
At sa pagkabigo'y hindi ba himutok
ang sa
damdamin ko'y minsang maglalagos?
Ang mukha n~g araw ay
biglang lumubog
sa likod n~g isang mapanglaw na bundok.
Sulyapan mo n~gayon itong kalagaya't
balisang balisa sa kapighatian,

at hanggang hindi mo binibigyang tibay
ang naging pan~gako sa
dusta kong buhay
ang kaluluwa ko'y magiging larawan
n~g
nakalulumong kurus at libin~gan.
¡ANG REYNA ELENA.....!

Ayu't lumalakad. Magarang magarang
animo'y bituing nahulog sa
lupa,
kung minsa'y nagiging hibang itong diwa
at kung
magkaminsa'y para akong bata,
paano'y hindi ko masukat sa haka

ang nararapat kong ihaing paghan~ga.
Kung kita'y itulad sa dakilang araw
at ako ang lupa, ang lupang
tuntun~gan,
ay masasabi mong ako'y walang galang
at ako ay bihag
niyong gunam-gunam.
Subali't butihin! Ang aking tinuran
ay tibok
at utos n~g katotohanan.
Kung ikaw'y Reyna man sa ganda't ugali,
naman sa pan~garap, ako'y
isang Hari;
kaya't kung sabihi'y tala kang mayumi,
hamog sa umaga,
ban~gong walang pawi,
ikaw ay manalig, manalig kang tan~gi
at
ang nagsasabi'y nabatu-balani.
Hanggang tumataas iyang kalagayan
nama'y naiingit itong kapalaran,

ang gunitain ko ay baka mawalay
sa puso mo't diwa ang aking
pan~galan,
kung magkakagayon, irog ay asahang
sa aki'y babagsak
ang Sangkatauhan.
Sa iyo'y bagay n~ga yaong pagka-Reyna,
pagka't sa ayos mo'y isa
kang Zenobia,
may puso kang Judith, may n~giting Ofelia,
may
diwang de Arco't may samyo kang Portia,
samantalang ako, akong
umaasa'y
isa lamang kawal na lunód sa dusa.
Sa paminsan-minsa'y maanong kuruing
wala nang itagal ang aking
damdamin,
kung magdaramot ka, Reyna kong butihin
at di
mahahabag sa pagkahilahil
ay iyong asahang ang aking paggiliw
ay
magkakalbaryong walang págmamaliw.
=¡Huwag kang manganib...!=
(SAGOT SA LIHAM MO)
I.

Maasahan mo ang aking pag-ibig,
ang buong buhay ko hanggang
mayrong lan~git,
hanggang mayrong araw, tala, gubat, batis
ang
iyong pan~gala'y laging na sa isip.
II.
Huwag kang man~ganib! Di ko malilimot
ang ganda mong iyang sipi
sa kampupot,
ang ban~go at tamis n~g isang pag-irog
ay na sa sa
iyo't hindi mauubos.
III.
Nang matunghayan ko ang padalang liham,
luha ko'y tumulo sa
kapighatian,
paano'y gumuhit sa aking isipan
na: _ang tagumpáy
ko'y iyong kamatayan_.
IV.
Di ko akalaing iyong ikahapis
ang pagtatagumpay n~g ating pag-ibig,

ang m~ga luha mo'y ulan n~g pasakit,
ang kalumbayan mo'y
pagdilim n~g lan~git.
V.
Ang pagtiwala'y tibay n~g pagkasi,
timbulan n~g puso n~g
naruruhagi,
panilo sa m~ga tapat na lalaki,
pag-asa n~g palad na di
mapuputi.
VI.
Huwag mong isiping ako'y magsasawa
sa ating suyuang busog sa
biyaya,
ang iyong larawa'y laging na sa diwa't
ang iyong pan~galan
ay aking dambana.
VII.
Aking natunghayan sa padalang sulat
ang kalungkutan mo't

sinisimpang hirap.
Kay hirap maghintay n~g masayang bukas!
Kay
hirap sabikin n~g isang pan~garap!
VIII.
Magtiis ka irog! Darating ang araw
na ikaw at ako ay magkakapisan,

ang ulap sa ati'y biglang mapaparam
at magliliwanag ang
Sangkatauhan.
IX.
Huwag kang man~ganib! Darating sa atin
ang isang sandaling batis
n~g paggiliw,
diyán matataya ang di magmamaliw
na aking
paglin~gap sa pagkabutihin.
X.
At kung katunayan n~g aking pag-ibig
ang hinihintay mong sa iyo'y
isulit
ay narito akong gaya mong may hapis
at isinusumpa ang
nunun~gong lan~git.
=¡Lihim ng mga titig!...=
Ibig kong hulaan sa silong n~g Lan~git
ang lihim na saklaw niyang
m~ga titig,
isang suliraning nagpapahiwatig,
n~g maraming bagay,
n~g luha't pag-ibig.
Ako'y manghuhula sa bagay na iyan,
pagka't nababasa, sa hugis, sa
galaw
n~g m~ga titig mong halik n~g kundiman
ang ibig sabihin at
pita n~g buhay.
Ikaw'y nagtatapon nang minsa'y pagsuyo,
minsa'y pang-aaba't
minsa'y panibugho,
minsa'y paanyaya sa tibok n~g puso
nang
upang sumamba't sa iyo'y sumamo.
Ang m~ga titig mo'y may saklaw na lihim,
at maraming bagay ang
ibig sabihin,
n~guni't sa palad ko'y isang suliraning


nagkakahulugang ako'y ginigiliw.
¡CHOLENG...!
(Tan~ging sinulat upang
ihandog sa kaarawan mo--
ika 13 n~g
Nov.)
I.
Guhit n~g liwanag, kislap n~g ligaya,
talutot na ginto n~g isang
sampaga,
kalupi n~g buhay, hamog sa umaga,
Bathalang ang awa'y
hindi magbabawa,
kaban n~g kundimang sa nan~gun~gulila'y
halik
n~g biyaya't sugo n~g ginhawa,
timbulan n~g palad sa m~ga parusa,

tinig na mayumi n~g mahinhing maya.
II.
Larawang kalasag sa
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 16
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.