umaawit n~g lihim at hayag,
isang
kandong kandong n~g m~ga bagabag,
isang nasasabik uminom,
lumasap
sa saro n~g buhay n~g tuwa, n~g galak,
isang binabayo
n~g m~ga pahirap,
isang umiibig sa iyó n~g ganap.
=Si Puring...!=
Sabihin na ninyong ako'y nan~gan~garap
ó nananaginip sa
Sangmaliwanag
ay di babawiin itong pag-uulat
sa isang dalagang
may magandang palad.
May tikas-bayani at tindig Sultana,
may hinhing kaagaw n~g m~ga
sampaga,
may samyong kundimang hindi magbabawa
datnan ma't
panawan n~g gabi't umaga.
Ang matáng katalo n~g mayuming tala'y
sapat nang bumihis sa
pusong naluha,
ang n~giting animo'y kaban n~g biyaya'y
makaliligaya sa m~ga kawawa.
Si _José Vendido'y_ subukang buhayi't
sa diwatang ito'y pilit na
gigiliw,
paano'y may gandang batis n~g tulain,
paano'y may
yuming aklat n~g damdamin.
=¡NOON=...!
Noon, ikaw'y aking minamalasmalas
sa pusod n~g gayong tahimik na
gubat,
ang iyong larawan noo'y nasisinag
sa linaw n~g batis na awit
n~g palad.
Ikaw'y namimili n~g batong mainam
at nilalaro mo ang m~ga
halaman,
sa damdam ko baga'y ang bawa't hawakan
n~g m~ga
kamay mo'y nagtataglay buhay.
Yaong "makahiyang" mahinhi't mayumi
n~g iyong hawaka'y hindi
man nan~gimi,
paano'y may galing ang iyong daliri't
ang m~ga
kamay mo'y banal, tan~ging tan~gi.
Sa puso'y tumubo ang isang paghan~ga,
naguhit sa pitak ang isang
diwata,
aywan ko kung ikaw! At tila ikaw n~ga!
Subali't Mayumi,
¿ikaw'y maaawa?
Magsabi ang aklat na iyong binasa
kundi ang buhay ko'y siniklot n~g
dusa,
magsabi ang gubat kung hindi natayang
ang tulog kong
puso'y iyong binalisa.
Mayumi, buhayin ang yumaong araw
sa tabi n~g batis at lilim n~g
parang,
kung magunita na'y dapat mong malamang
naririto akong
tigib kalumbayan.
=Bagong Taon=...
Hindi ko matalos kung ang aking puso'y
Magbabagong taón sa
pagkasiphayo,
Ako'y naririto't ikaw ay malayo
Na animo'y buwang
sa aki'y nagtago.
Inaasahan ko n~g buong pagasa
Na ikaw sa aki'y sadyang lumimot na,
Kung magkakagayo'y iyong makikita
Ang maputlang bangkay sa
gitna n~g dusa.
Ako, sakali mang iniwan sa hirap
Ay nagsasaya rin kahit sa
pan~garap,
Sapagka't nais ko na iyong mamalas
Na ako'y marunong
magdalá n~g palad.
At sa pagpasok n~ga n~g bagong taon mo
Ay pawang ligaya ang
hinahan~gad ko
Na iyong tamuhin sa buhay na ito
Kahit pan~garap
daw ang lahat sa mundo.
KUNDIMAN NG PUSO
¡...............!
Pan~galang sing-ban~go n~g m~ga sampaga,
laman n~g tulain,
hamog sa umaga,
awitan n~g ibong kahalihalina,
bulong n~g
batisang badha n~g ligaya.
Sa aki'y sukat na ang ikaw'y mamalas,
upang magkadiwa ang aking panulat,
sa aki'y sukat na ang ban~go
mong in~gat
upang ikabuhay n~g imbi kong palad.
Ikaw ang may
sala! Bulaang makata
ang hindi sa iyo'y mahibang na kusa,
bulaang
damdamin ang di magtiwala
sa ganda mong iyan, n~g lahat n~g nasa.
Yamang ginulo mo ang aking isipan
at naging n~giti ka sa aking
kundiman,
bayaan mo n~gayong sa iyo'y ialay
ang buong palad
kong tan~ging iyo lamang.
Napakatagal nang ikaw'y natatago
sa
pitak n~g aking lumuluhang puso,
ang iyong larawa'y talang walang
labo
at siyang handugan n~g aking pagsuyo.
Kung nagbabasa ka'y
tapunan n~g malay
ang kabuhayan kong walang kasayahan,
kung
masasamid ka'y iyo nang asahan
na ikaw ang aking laging
gunamgunam.
Sa paminsanminsa'y tapunan n~g titig
ang isang
makatang hibang sa pagibig,
bago ka mahiga'y tumin~gin sa lan~git
at mababakas mong ako'y umaawit.
=¡ALA-ALA....!=
Huwág mong isiping kita'y linilimot,
huwag mong asahang ang aking
pag-irog
ay wala't kupas na
sa kimkim mong ganda,
huwag, aking kasi.
Walang pagkatapos
ang tibok n~g pusong napabubusabos.
Ikaw'y nagmalaki! Ako'y di binati
at parang hindi na kakilalang
tan~gi,
ganyan n~gang talaga
ang taong maganda,
mapagmalakihin
sapagka't may uri
na lubhang mataas kay sa isang Hari.
Ako'y linimot mo. Kahit magkakita'y
hindi man n~gitian, gayong
kakilala,
hindi ba't diwata
ikaw nitong diwa?
Hindi ba't batisan ikaw n~g
pag-asa
at ikaw'y may ban~gong sipi sa sampaga?
Tapunan n~g malas ang masayang araw
na ako'y busabos niyang
kagandahang
pumukaw na muli
sa aking kudyapi,
doo'y mababakas ang isang
larawang
ako'y nakaluhod at nananambitan.
Iyan ang larawan n~g isang makata
na uhaw na uhaw sa kimkim
mong awa,
Iyan ang umawit
sa lahat n~g sakit
na taglay n~g pusong laging
lumuluha
at sabik na sabik sa iyong kalin~ga.
N~gayo'y naririto't muling umaawit
ang iyong makatang inapi't
hinapis,
habang inaapi'y
lalong lumalaki
sa dilag mong iyan, ang aking
pag-ibig
pagka't ang puso ko'y singlawak n~g lan~git.
=Saksi=...!
I.
Ikaw nga'y dapat kong mahalin nang labis
at ukulang tan~gi n~g
aking pagibig,
pagka't natunayang ikaw'y isang lan~git
na di
dadalawin n~g m~ga pan~ganib.
II.
Nananalig akong napakadalisay
n~g iyong pag-ibig sa ating suyuan,
kaya't ang puso ko'y nagpapakatibay
hanggang sa sumapit ang
dakilang araw.
III.
Pagaaralan ko, hanggang makakaya
na ikaw'y malagak sa tuwa't
ginhawa,
pagiin~gatan kong huwag kang magdusa
kung na sa sa
akin ang iyong ligaya.
IV.
Kaya't aking irog: Ikaw'y pumanatag;
at kung sakali mang tayo'y
mabagabag
ay huwag magtaká sa Sangmaliwanag
pagka't ang
lan~git ma'y nagaalapaap..!
=Kundiman=...!
Dalagang butihin: Huwag kang human~ga
kung iyong makitang ang
mata'y may luha,
ang kabuhayan ko'y hindi maapula
sa ikatatamo
n~g tan~ging biyaya.
Ang luha sa mata'y laging bumabalong,
ang aking damdamin ay
linilingatong,
ang kulay n~g madla'y malamlam na hapon,
ang ayos
n~g lahat ay parang kabaong.
Sa aking paghiga'y laging nakikita
ang iyong larawan, dakilang
dalaga
ikaw'y maniwalang ako'y umaasa
na di aabutin ako n~g
umaga.
Kaya't kung sakaling ikaw'y may paglin~gap
kung may pagtin~gin ka
sa imbi kong palad,
ay mangyari mo n~gang iligtas sa hirap
ang
kabuhayan kong sawa sa pan~garap.
=Ang iyong pangako=
_Sa iyo, Pitiminí_.
Bago ka umalis at naglakbay baya'y
may naging pan~gakong sa aki'y
iniwan
pan~gakong sa aki'y naging bagong araw
na nikat sa gitna
n~g katanghalian,
paano'y pan~gakong sa
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.