gaya ng buhay at gaya n~g Dios. "(Mga pacpacan)"
"Lumilipas na sa Filipinas ang matatandang caugalian; ang maririn~gal
na gawa ng canyang mga anác ay hindî na nangyayari lamang sa loob
ng sariling bahay; iniiwan na n~g paróparóng silangan ang sariling
bahay; sa mga lupaing yao'y ipinakikilala na ang paguumaga ng isáng
mahabang araw, sa pamamag-itan n~g maniningning na cúlay at
namumulamulang pagbubucang liwayway, at ang láhing iyóng
nagugulaylay sa boong gabí n~g historia, samantalang lumiliuanag ang
araw sa ibá't ibáng lupaín, mulî ngayóng gumiguising na kumíkinig sa
untóg ng electricidad na sa canyá'y gumibíc sa pakikipanayám sa m~ga
bayang calunuran, at "hinihingî ang ilaw, ang buhay ang civilizacióng"
ng una'y caniláng minana na pinapagtibay ang waláng catapusáng
m~ga lagdâ ng hindî naglilicat na pag-gulong n~g panahón, n~g mga
pagcacáiba't iba, ng di nagmamaliw na paghahalihali, ng pagsúlong."
"Ito'y nalalaman ninyóng magalíng at ipinagdádan~gal na ninyó; cayó
ang may gawâ ng cagandahan n~g m~ga brillante ng coronang taglay
sa ulo ng Filipinas; ang Filipinas ang nagbigay n~g mga bató, ang
Europa ang kumikil at ng numingníng. At pinanonood nating lahát ng
boong pagdiriwáng; cayo'y ang inyong yárì; cami'y ang nin~gas, ang
lacás, ang m~ga batóng aming bigay. "(Mainam na totoo.)"
"Ininóm nilá roón ang calugodlugod na talinghágà n~g Naturaleza;
Naturalezang dakílà at cakilakilabot sa canyang pagwawasác, sa
canyang paglacad na waláng humpáy, sa canyang hindî mapaglírip na
lacás. Naturalezang matimyás, payápà at malungcot sa canyang m~ga
pagsasaysay na hindî naglílicat at hindî nagbabago; inililimbag n~g
Naturalezang ito ang canyáng tatác sa lahát ng canyáng linalalang at
ibinunga. Tagláy ng canyáng mga anác ang tatac na iyán saán man silá
pumaroón. Cung hindî pacasiyasatin ninyó ang caniláng m~ga ásal, ang
caniláng m~ga gawâ, at cahi't babahagyâ man ang pagcakilala ninyó sa
báyang iyón, makikita ninyóng na sa lahát na parang siyang bumubuò
n~g canyáng dúnong, gaya n~g calolowang siyang namamatnugot sa
lahát, cawangis n~g nagpapagaláw sa isáng máquina, túlad sa anyóng
pangúlo, caparis n~g unang cagamitán. Hindî mangyayaring hindî
sumilang ang talagang canyang dinaramdam, hindî mangyayaring
siya'y maguing isáng bágay at ibáng bágay ang gawín; sa dacong
ibabaw cung bagá man nagcacáiba, malicmátà lámang. Sa "Spoliarium",
sa licuran n~g pinturang iyang hindî pipí ay nariringig ang caguluhan
ng maraming tao, ang sigawan ng m~ga alipin, ang taguintin~gan n~g
mga baluti't sandata ng m~ga bangcáy, ang hagulhulan n~g
pan~gun~gulila, ang mga híguing ng dalangin, na napagwawari ang
anyô at catotohanang tulad sa pagcaringíg sa dagundóng n~g culóg sa
guitnâ n~g malacás na ingay ng malaking agos ng tubig na
bumabagsác mulâ sa mataas, ó ang pangin~giníg na nacalalaguim at
cagulatgulat ng lindól. Ang Naturalezang namamaguitnà sa
pagcacaroon ng mga bagay na iyon ay siya ríng namamaguitnà sa
pincel na lumálagdâ n~g pintura. Bilang capalít nito'y tumítiboc sa
cuadro ni Hidalgo ang isang totoong dalisay, pagpapakilalang lubós ng
calungcutan, ng cagandahan at cahinaang pawang ipinahamac ng
mabangís na lacás; at gayón, palibhasa'y inianác si Hidalgo sa silong ng
maningning na azúl ng langit sa Filipinas, sa pagpapalayaw n~g
mahinhing hihip ng amihang galing sa mga caragatan doon, sa guitnâ
n~g catahimican ng doo'y mga dagatan, sa hiwagang caaliw-aliw n~g
canyang mga capatagang lúpà at carikitdikitang pagcacaayos ng
canyang m~ga bundóc at n~g mga bundóc na nagcacatanitanicalâ.
"Cayâ na cay Luna ang mga lilim, ang m~ga pagcacalabánlaban, ang
mga naghihin~galong liwanag, ang talinghágà at ang cakilakilabot,
bílang alingawn~gáw n~g madidilím na sigwá sa lupaíng mainit, n~g
mga kidlát at ng mauugong na pagbugá n~g canyáng mga volcán; cayâ
cay Hidalgo'y pawang liwanag, m~ga culay, pagcacabagay-bagay,
damdamin, aliwalas, cawangis n~g Filipinas sa mga gabíng may bwan,
sa canyáng mga araw na tahimic, sa m~ga naaabot doon ng tanáw, na
pawang umaakit sa pagdidilidili at doo'y iníuugoy ang waláng
catapusán. At ang dalawá, cahi't lubháng nagcacáiba, sa anyô man
lamang, ay nagcacáisa cung ganáp na liliningin; cawan~gis namán ng
pagcacaisá ng ating m~ga púsong lahát, bagá man totoong
nangagcacáiba: ang dalawáng itó, sa caniláng pagpapaaninaw, sa
pamamag-itan n~g caniláng "paleta," ng carikitdikitang sicat n~g araw
ng trópico[28], guinágawâ niláng mga sínag ng dî maulátang
capurihang canilang inililiguid sa canilang sariling bayan; isinasaysay
ng dalawa ang tunay na calagayan n~g aming buhay sa pagsasamahan,
sa asal na guinagamit at sa natutungcol sa pamamahala ng calacarán
n~g bayan; ang cataohang pinapagtitiis n~g mabibigat na dalahin; ang
cataohang hindi natutubos, ang catowiran at ang mithing nakikitungáli
ng mahigpit sa mga di "wastong caisipán," _sa maling
pananampalataya at sa mga licong cagagawán, "sa pagca't ang mga
damdamin at ang mga pasiya ay nacapaglalag-os sa lálong macacapal
na cuta"; sa pagca't sa lahát ng m~ga hadláng ay may napumumulusán,
pawang nan~ganganinag, at cung hindî sila magcapluma, cung dî sila
tulungan ng limbagan, hindî lamang maghahandog ng panglibang sa
paningin ang canilang paleta at m~ga pincel, cung dî naman
maguiguing mananalumpating totoong marikit manalitâ."
Cung itinuturo n~g iná sa canyáng anác ang canyáng sariling
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.