Buhay at Mga Ginawa ni Dr. Jose Rizal | Page 9

Pascual H. Poblete
wícà at ng
maunáwà ang canyáng m~ga catowáan, ang canyáng m~ga
kinacailangan ó ang canyáng m~ga pighatî; itinuturò namán ng España
sa Filipinas, sa canyáng pagcainá ang canyáng sariling wícà; "cahi man
hinahádlangan niyáng m~ga bahagyâ na ang abo't n~g paningín at
napacapandác ang pag-íisip," na sa canilang malabis na pagsusumicap
na sumapanatag sila sa panahóng casalucuyang tinatawid, ay "_hindi
nila mátanaw ang panahóng darating_ at hindî pinagtitimbangtimbang
ang maguiguing bunga n~g canilang guinagawâ;" mga sisiwang payát,
"masasamáng ásal at m~ga pang-akit sa casamâang ásal", na waláng
ibáng iniimbot cung dî ang inisín ang lahát n~g damdaming dalisay, at
sa caniláng pagpapasamâ ng púsò n~g mga bayan, "ay itinatanim nilá
sa mga bayang iyán ang m~ga binhî n~g m~ga pagcacaalit at ng sa
panahong darating ay anihin ang bun~ga, ang lasong haláman, ang
camatayan bagá ng m~ga ipan~gán~ganác pang mga tao."
"Nguni't ¡limutin natin ang m~ga capangitang ásal na iyán!
¡Capayapaan sa mga patáy, sapagca't páwang m~ga patáy na ngâ;
hindî na silá humihingâ, at sila'y kinacain na n~g mga u-od! ¡Howag
nating tawaguin ang pag-aalaala sa canilá; howag nating dalhin dito sa
guitnâ ng ating m~ga casayahan ang canilang cabahúan! "Sa
cagalingang palad ay lalong marami ang mga capatid; ang

cagandaha't camahalan ng loob ay pawang mga catutúbò sa sílong
n~g lan~git ng España: sa bagay na ito'y cayóng lahát ay m~ga sacsíng
maliliwanag." Nangagcaisa cayó sa pagsagót; nangagsitulong cayó, at
gumawâ cayó marahil ng lalong malakí cung mayroon pa sana cayong
magagawâ. Umupô cayó sa pakikisalamúhà sa aming pagsasalosalo, at
sa inyòng pagbìbigay unlac sa maririlag na mga anác ng Filipinas ay
pinauunlacan namán ninyo ang España; sapagca't lubos na talastas
ninyóng lahat, na hindî ang dagat Atlántico ang hanggahan n~g España;
hindî rin namán ang dagat Cantábrico at ang dagat
Mediterráneo--casirâang dangal ngang tunay cung macahadláng ang
tubig sa canyáng cadakilâan, sa canyáng isipan.--Narorooon ang
España cung saan ipinararamdam ang canyáng pangpaguinhawang akit,
at cahi't maalís man sacálì ang canyáng bandera, matitira rin ang sa
canya'y pag-aalaalang hindî matatapos, hindî magmamaliw, ANO ANG
MAGAGAWA NG CAPIRASONG DAMIT NA MAPULÁ AT
MARILAW; ANONG MAGAGAWA NG MGA FUSIL AT NG MGA
CAÑON SA BAYANG HINDI SIBULAN NG PAGSINTA AT
PAGGUILIW; SA BAYANG HINDI NANGAGCACAYACAP ANG
MGA MITHI, HINDI NANGAGCACAISA ANG PALATUNTUNAN
NG ADHICA, HINDI NANGAGCACASANG-AYON ANG MGA
PASIYA NG ISIP..? (Mahabang m~ga pacpacan.)
Si Luna't si Hidalgo'y tunay n~gang inyó at tunay rin namang amin;
sila'y inyóng sinisinta, at sa canila'y napapanood namin ang
magagandang mga pag-asa, m~ga mahahalagang ulirán. Ang mga
cabataang filipinong na sa Europa, na cailan may masigabo ang loob, at
ilán pang mga taong nananatili ang mga púsò sa pagcabátà, palibhasa'y
laguing gumagawâ ng m~ga cagalin~gang dalisay sa udyóc ng
canilang malilinis na budhî, nangaghandog cay Luna ng isáng corona,
mahinhing alay, tunay ngang maliit cung isusumag sa maalab naming
nais, nguni't siyáng lalong cúsà at siya namang lalong maláyà sa lahát
n~g pag-aalay na guinawâ hanga n~gayón.
Datapwa't hindî pa nasisiyahan ang Filipinas n~g pagkilalang utang na
loob sa canyáng maririlág na m~ga anác, at sa pagcaibig niyáng
maipakilalang ganáp ang m~ga caisipang umuulic sa canyáng budhî,
ang mga damdaming sa puso'y umaawas, at ang mga salitáng

tumatacas sa m~ga lábì, naparito tayong lahát sa piguìng na itó upang
papag-isahin ang ating hángad, upang bigyang catuparan ang
pagyayacapang iyán ng DALAWANG LAHING nangagsisintahan at
nangagiibigan, na nan~gagcacaisang may apat na raang taon na sa
caasalan, sa pagpapanayam, at sa pamamayan, UPANG
MANGYARING SA PANAHONG DARATING NA ANG
DALAWANG LAHING IYA'Y MAGUING ISA LAMANG NACION
SA BUDHI, sa canícanilang m~ga catungculan, sa canicanilang pitháyà,
sa canicanilang m~ga taglay na biyáyà. (Pacpacan.)
¡Ipinagdíriwang co[29] ang ating m~ga artistang si Luna at si Hidalgo,
capuriháng dalisay at wagás n~g DALAWANG BAYAN!
¡Ipinagdiriwang co ang m~ga táong sa canila'y tumulong upang sila'y
macatagál sa lubháng mahirap na pagsalunga sa landás n~g Arte!
¡Ipinagdiriwang co, at ng uliranin ng cabataang filipino, na
"inaasahang mahál ng AKING SARILING BAYAN[30] ang gayóng
mga cagandagandahang mga halimbáwà at ng ang ináng España_[31],
na mapagsicap at mapagmalasákit sa icagágaling ng canyáng m~ga
lalawigan, "pagdaca'y gawín ang mga pagbabagong utos na malaon ng
panahóng pinag-íisip"; may daan na ng araro at ang lupa'y hindî cutad.
¡At îpinagdíriwang co, sa cawacasán, ang ililigaya niyong mga
magulang na sa canilang pan~gungulila sa guiliw niláng m~ga anác,
mulâ sa lubhang malayong lupaing caniláng tinátahana'y sinusundan ng
titig, na basâ n~g lúhà at ng púsong tumítibóc na naglálagos sa m~ga
dagat at sa calayuan, at "inihahayin sa altar ng icagagalîng n~g lahát
ang mga matimyas na caaliwang totoong nagsasalat pagdating sa
dacong calunuran n~g buhay", mahahalagá't m~ga bugtóng na bulaclác
sa panahóng tagguináw na sumisilang sa mga pampan~gin n~g
libin~gan!--(Masilacbóng mga pacpacan; masigabong m~ga pagpupuri
sa nagtalumpatî.)
Sumunod na nangag talumpatì si López Jaena [na pinintasán ng dî
cawásà ang mga fraile], si Govantes, Cárdenas, Del Val, iláng mga
filipino,
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 60
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.