siyam na po't siyam sa sandaang europeo'y
naniniwalà sa mga sinasabi sa canilá n~g mga pamahayagan, na hindî
man lamang sinisiyasat cung yao'y totoo ó hindî, cung na sa catwiran ó
walâ sa catowiran; sa isáng salitâ: nakita niyáng cawangis din ng mga
táong báyan dito ang mga táong báyan doón.
Walang anó mang inilathalà si Rizal na anó mang casulatan, mula n~g
canyang lihamin n~g 1882 ang "El Amor Patrio," hangang sa taong
1884, datapowa't hindî siya naglilicat ng pakikipagsulatan sa canyang
mga cababayan, lalonglalò na sa mga nag-aaral, at ang mga sulat
niya'y binabasa ng lahat ng boong pag-ibig at pangguiguilalás, dahil sa
canyang bayaning pagbibigáy ulirán sa pagsintá sa tinubuang lúpá.
Nang 25 ng Junio ng taóng 1884 ay nagtalumpatì si Rizal sa isang
piguíng na guinawa sa Madrid, sa pagpapaunlác cay guinoong Juan
Luna, bantóg na pintor ilocano, dahil sa pagtatamó ng pangulong
"premio" sa "Exposición" n~g canyang balitang "cuadro," na ang
pamagat ay "Spoliarium", at cay guinoong Felix Resurreccion Hidalgo,
na taga Filipinas din, at mabuti rin namang pintor. Guinawâ ang
piguíng na iyón sa Restaurant Inglés, pinasimulán ng icasiyam na oras
ng gabî at may mga anim na pong táo ang nagsalosalo. Nangulo sa
mesa--alinsnnod sa sabi ng "El Imparcial", sa Madrid, n~g ica 26 ng
Junio ng 1881--si pintor Luna; nangagsiupô sa dacong canan niya si na
señor Labra, Correa, Nin y Tudó at sa caliwa niya'y si na señor Moret,
Aguilera at Mellado (D. Andrés). Nan~gagsiupô rin doon si na señor
Morayta, Regidor, Azcárraga (D. Manuel de), Araus, Fernández
Bremón, Paterno (Alejandro, Antonio at Máximo,) Vigil, del Val,
Moya, Cárdenas, Govantes, Rico, Gutiérrez, Abascal, Ansorena,
García-Gómez, López Jaena, Más (pintor valenciano), Fernández
Labrador (cubano), Rodriguez Correa at iba't iba pang maraming pintor,
literato at periodista.
Nagtindig si Rizal at siya ang náunang nanalitâ; minamasdan siyá n~g
lahát; sa caymanguing mukhâ niya'y umaalab ang ningas ng
masilacbóng pagsinta sa tinubuang lúpà, at sacâ nagsaysay siyá n~g
isáng talumpating hindî mapagwari cung alin ang lalong maganda:
cung ang cahangahangang pagsintá sa tinubuang lupang numiningning
sa talumpating iyón, ó ang cagandagandahang pagcacaanyô-anyô ng
mga salitâ. Pagsisicapan cong isatagalog ang talumpating iyón;
bagaman talastás cong dukhâ ang aking panític at cúlang ang wica natin
sa casaganaan n~g wicang castilàng guinamit ni Rizal sa gayóng
pananalitâ: n~guni't mamalakhín co na cung maipakilala sa
bumabasang irog ang cahi't culabóng anino n~g masilacbo't
caligaligayang pananalitâ n~g ating capatid na Martir sa Bagumbayan.
Pasisimulan co: "Mañga guinoo: Sa paggamit ng pananalita'y hindî
nacapag-aalinlangan sa akin ang tacot na bacâ pakingán ninyo acó n~g
boong pag-wawaláng bahálà; naparito cayó't ng inyóng ipanig sa
sigabo ng aming mithî ang simbuyó ng mithî ninyóng panghicayat sa
cabatáan, cayâ nga't waláng salang cayo'y matututong magpaumanhín.
M~ga panghalinang simoy ng pag-iibigan ang siyáng lumalaganap sa
aláng-álang; m~ga ágos ng pagcacapatiran ang siyang lumílipad na
nagcacasalusalubong; m~ga calolowang masintahin ang nakíkínig, at
dahil dito'y hindî acó nag-aalap-ap sa aking abáng cataohan at hindî
namán acó nag-aalap-ap sa cagandahan ng inyong loob. Palibhasa'y
mga táo cayóng may púsò, walâ cayóng hinahanap cung dî m~ga púsò
rin, at buhat sa caitaasang iyang pinamamahayan ng mga damdaming
mahál, hindî ninyo hinahálatâ ang mga walang cabuluháng pan~git na
budhî; nalalaganapan ng inyong titig ang cabooan; pinasisiyahan niyá
ang naguiguing dahil at inilalatag ninyó ang camáy sa cawan~gis cong
nagnanasang makipanig sa inyó sa isá lamang adhicâ, sa isa lamang
mithî: ang dangál ng dakílang ísip, ang ningning n~g tinubuang lúpà.
("Magaling, totoong magaling; pacpacan.")
"Ito nga ang cadahilanan cayâ cayó'y nan~gagcacapisan ngayón. May
mga pan~galan sa historia n~g mga bayang sila lamang ay
nagpapakilala na ng isáng nangyari at nagpapaalaala n~g mga
pagguiguiliwan at ng m~ga cadakilaan; m~ga pan~galang wangis sa
isáng cababalagháng hiwágà na nagháharap sa ating mga matá n~g
mga caisipáng caayaaya at caaliw-aliw; mga pangalang ang
kinaoowia'y isang pagcacásundô, isang saguísag ng capayapâan, isáng
tálì ng pagsisintáhan ng m~ga nación. Nauucol sa m~ga ganitó ang
mga pangalan ni Luna at ni Hidalgo: nililiwanagan n~g caniláng mga
carangalan ang dalawáng dúlo n~g daigdig: ang Casilanganan at ang
Calunuran: ang España at Filipinas. Sa pagsasalitâ co n~g dalawáng
pan~galang ito'y nakikinikinitá co ang dalawang nagníningning na
balantóc na nagmumula capowa sa magcabicábilang dacong iyon at
nagcacalicaw, pagdating sa caitaasan, sa udyóc ng pagguiguiliwán ng
iisáng pinangalin~gan, at buhat sa caitaasang iya'y papapag-isahín ang
"dalawang bayan" sa pamamag-itan n~g walang catapusáng pagcacáisa,
"dalawang bayang "magcacambal cahi't papaghiwalayin ng mga dagat
at ng calayuan; "dalawang báyang" hindî sibulán nang "m~ga binhî ng
paghihiwalay na itinatanim ng m~ga nabubulagang tao at ng caniláng
calupitán." Capowa capurihán si Luna't si Hidalgo ng España't ng
Filipinas; sa pagcá't cung ipinan~ganác man silá sa Filipinas ay
mangyayari rin namáng maipan~ganác sa España. Waláng sariling
bayan ang cataasan ng ísip; ang cataasan ng isip ay tulad sa ilaw, sa
hangin; pag-aari n~g lahát; walang sariling bayang gaya ng
alang-alang,
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.