Buhay at Mga Ginawa ni Dr. Jose Rizal | Page 5

Pascual H. Poblete
lamang ang pulô ng Lusóng, cung dî
ang capisanan n~g mga pulóng nátuclasan ni Magallanes. Hindî

lamang ito: sa ganáng cay Rizal, ang España'y hindî inang bayan; ito'y
marahil ay sa mestizong castílà, sa m~ga may dugóng castílà; datapwa't
hindî sa táong may dugóng dalisay ng tagá casilanganan ...
"Hindî malimutan niyá, ang sariling lúpà:--"Naroroon [ang sabi ni
Rizal] ang mga unang gunitaing nangyari ng panahong camusmusan,
masayáng hadang[16] kilalá lamang n~g cabataan sapagca't doo'y
natutulog ang boong isang panahong nacaraan na [_ang bayang may
casarinlan] at na-aaninagnagan ang panahóng dárating [ang
catubusan ng lahi sa pamamag-itan n~g pag-aaral]; sapagca't sa
canyáng m~ga cagubátan at sa canyáng m~ga damuhán, sa bawa't
cáhoy, sa bawa't bulaclac, namamasdán ninyóng naúukit ang alaala sa
alín man táong inyóng guiniguiliw, na gaya rin ng canyáng hinin~gá sa
hanging may taglay na bangó, na gaya n~g canyáng awit sa lagaslás
n~g mga batis, na gaya ng canyáng n~gitî sa bahaghari n~g lan~git ó
n~g canyang mga buntóng-hiningá sa hindî mapagwáring daíng n~g
hangin sa gabí ..."--Ang ganitóng m~ga pananalita'y talagang cay Rizal;
ilála sa macahulugán, sa may tinutucoy ang mga pananalitáng may
hímig ng hiwágà, ito ngâ ang anyô ng canyáng pagsulat, ang canyáng
caugalian, at halos waláng makikitang bagay na prosa[17] ó tulâ na
canyáng kinathâ na hindî itó ang námamasid; na ang bawa't may ísip,
cahi't caraniwan lámang ang tálas ay agád mapagwawárì sa m~ga súlat
ni Rizal, ang mga caisipán sa pamamayang naghaharì sa budhî ng
lubhang mairuguíng yaón sa kinaguisnang lúpà--"¡Hindî nacácatcat
cailán man (aní Rizal) ang pagsintá sa kinamulatang lúpà, pagcâ ang
pagsintáng ito'y nacapasoc sa pusò: sapagca't talagang tagláy na niyá
ang tatác ng Langit na siyáng ikinapaguiguing waláng catapusán at
pagcawaláng pagcasírà."--At isinunod pagdaca ang ganitóng m~ga sabi,
na anaki ibig niyang palacsín ang loob at itaimtím sa púsò ng mga
táong pinagtatalaghán n~g casulatang iyón ang pag-íbig sa
kinamulatang lúpà:--"Cailán ma'y casabiháng ang pagsinta ang siyáng
lalong macapangyarihang nag-uudyoc ng mga cagagawang lalong
dakilà; cung gayo'y talastasíng sa lahát ng mga pagsinta, ang sa
kinaguisnang bayan ang siyang nagbunga n~g mga gawáng lalong
malalakí, lalong m~ga bayani at lalong waláng casíng dalisay. Basahin
ninyó ang Historia" ... Pagcatapos na maisaysay sa iláng pangcát na
totoong mataós at macatwiran ang pananalitâ, upang patotohanang sa

buhay na ito'y pawang madalíng lumípas ang lahát: sinabi naman niyá,
ang nangyayari pag laganap ng sigáw na ¡ang kinamulatang lupa'y
sumasapanganib! ang sarisaring pagpapacahirap at paghahayin n~g
buhay na kinacailangang gawín.... Datapwa't ¡hindi cailan~gan!
¡Ipinagsangaláng ang nagbigáy búhay; ¡gumanáp n~g isang
catungculan! Si Codro ó si Leónidas,[18], ang cahi't sino man, ¡ang
kinaguisnang baya'y matututong sa canyá'y mag-alaala!_
"At parang naguguniguni na niya ang sa kanya'y mangyayari, isinulat
ni Rizal ang ganito: "Magháyin ang ibá ng canyáng cabatáan; ibinigay
namán ng ibá sa sariling bayan ang m~ga ningning ng canyang mataas
na pag-iísip at ang ibá namá'y nagbúhos ng canyáng dugo; namatáy
ang lahàt at nagpamana sa kinaguisnang bayan n~g lubháng malakíng
cayamanan: ang calayaan at ang caran~galan. ¿At anó naman ang
guinawâ sa canilá ng tinubuang lúpà? Tinatangisan silá at inihaharap
n~g boong calakhán n~g loob sa sangcataohan; sa panahóng sasapit at
sa canyáng mga anác, upang mapagcunang uliran_".--Si Rizal ay isang
manunulat na sa anyó'y hindî tumutucoy, n~guni't cung wawarîing
magalíng ay lubháng mapagpatungcol n~g sinásalitâ; at cung ilalim pa
ang pagsisiyasat sa lahat ng canyáng mga sinulat, hindî lamang
náaaninag ang canyang tan~ging budhî, cung dî hinuhulàan namán niyá
ang canyáng gágawin at ang sa canyá'y mangyayari. At para manding
tagláy niyá ang isang catungculang sa canyá'y ipinagcatiwalà n~g Dios
upang ganapín sa ibabaw n~g lúpâ, cayá't pagca tiguíb ang calolowa
niya n~g caisipán ni Tolstoi ay nang-aakit siya sa capayapàan, at cung
nag-aalab naman sa canyá ang m~ga mithîin ni Napoleón ay iniuudyóc
namán niyá sa canyáng m~ga cababayan ang pakikibaca, at
wináwacasán n~g ganitóng pananalitâ:
"¡Oh kinaguisnang lúpà!... Mulâ cay Jesucristong puspós n~g ganap na
pagsintá, na naparito sa mundo sa icagagaling n~g sangcataohan, at
nagpacamatay dahil sa sangcataohang iyan, sa pan~galan ng cautusan
ng canyáng tinubuang bayan, magpahangang sa lálong m~ga hindî
kilaláng nangamatáy dahil sa m~ga revolución[19] n~g mga panahong
ito, gaáno carami, ¡ay! ang m~ga nagcahirap at namatay sa iyong
pangalang kinamcám n~g m~ga ibá! ¡Gaano carami ang ipinahámac
"ng pagtataním ng galit", n~g casakimán ó n~g cahan~galan, na n~g

nalalagot na ang hininga'y hinandugán ca ng pagpupuri at sa iyo'y
minithi ang lahát ng bagay na cagandahang palad.
Magandá at dakílà ngâ ang tinubuang lúpà, pagcâ ang canyáng mga
anác sa sigaw n~g pagbabaca ay nangagdudumali sa pagsasanggalang,
sa dating lupain ng caniláng magugulang; mabangis at palálò pagca
mulà sa carurucan ng canyáng trono'y napapanood na tumatacas ang
tagaibang lúpa sa udyóc n~g malakíng tácot sa pagcakita sa bayáning
hucbó ng canyáng m~ga anác, nguni't pagca nagpapatayan_ ang
canyáng mga anác, palibhasa'y nangagcacabahabahagui sa
nagcacalabánlabáng mga pulutóng;
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 60
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.