larawan ni Cervantes ang tampóc. Ang castilang si Don N.
del Puzo, pantás na catúlong ng m~ga mánunulat sa Diario de Manila_,
ang nacacuha ng pangalawang ganting-pálà.
Ng taón ding iyóng 1880, bago pa lamang catatangap ni Rizal ng
sinabi ng ganting-pálà ay náparoon siya sa palacio ng Malacanyang, at
talagang magsasacdal sana cay Primo de Rivera, Gobernador at Capitán
General nitong Filipinas, dahil sa ng isang gabing n~gitngit ng dilím ay
siya'y tinampalasan at sinugatan ng Guardia Civil, sapagca't nagdaan
siyá sa tabí ng isáng bulto_ ay hindî siyá nacapagpugay, at ang bulto
paláng iyón, na hindi niya nakilala, dahil sa cadilimán n~g gabí, ay ang
tenienteng namiminúnó sa isang destacamento; sinugatan siya n~g
waláng anó-anó, na dî man lamang siyá, pinagsabihan n~g anó man.
Hindî niyá nácausap ang Capitán general at hindî siyá nagtamó ng
minímithing pagwawaguí ng catowiran.
Nang ica 6 ng hapon, icawaló n~g Diciembre ng taóng 1880, ay
pinalabás sa Ateneo Municipal n~g Maynila ang isang melodramang
wícang castílà, na ang pamagát ay Junto al Pasig[11], cathâ ni Rizal, na
presidente ng Academia de la Literatura Castellana sa Maynílà ng
panahóng iyón, at música ni Don Blás Echegoyen.
Ang mga nagsilabás sa melodramang iyón ay ang mga sumusunod:
Leónido........Isidro Perez. Cándido........Antonio Fuentes.
Pascual........Aquiles R. de Luzuriaga. Satán..........Julio Llorente.
Angel..........Pedro Carranceja. Coro n~g m~ga diablo Caramihang
estudiante at ang isa sa canila'y si Vicente Elio.
Di maulatang mga pagpupuri ang inihandog cay Rizal ng lubháng
maraming guinoong nanood n~g melodramang iyón.
Sapagca't sa araw-araw ay nilílibac at nilalait n~g isang fraileng
profesor sa Universidad ang m~ga estudiante, hindî nacatiís si Rizal,
ipinagsangaláng niyá ang canyáng m~ga casamahán sa isáng mahigpít
nguni't mapitagang pan~gangatwiran, at ang naguing casaguta'y ang
panunumpâ n~g canyáng catedrático, na cailán ma'y hindi niya
palálabasin si Rizal sa alín mang exámen.
Dahil sa nangyaring iyo'y minagalíng ni Rizal ang pasá España at doón
magpatuloy n~g pag-aaral, at sapagca't sumang-ayon ang canyáng
ama't iná, siya'y lumulan sa vapor na ang tungo'y sa Barcelona, ng ica
3 ng Mayo n~g 1882, na puspós ng pighatî ang cálolwa. ¡Sa Calambâ
[Laguna] ay nilisan niya ang canyang m~ga pinacamumutyang amá,
iná at m~ga capatíd; sa Camilíng ay ang maalab na sinisintang si
Leonor Rivera, magandang dalagang ang larawa'y háwig na háwig sa
matimyás na si Maria Clara sa Noli me Tangere, at saca napalayô siyá
sa pinacaiibig na Bayang Filipinas!
* * * * *
Dumatíng si Rizal sa Barcelona, (España) ng m~ga unang araw ng
Junio ng 1882, at hindî pa halos nacapagpapahingá sa gayóng matagál
na pagdaragat, sinulat na niyá ang unang artículo[12], na pinaglagdaan
niya ng canyáng m~ga damdamin. Pinan~galanan niya ang
artículong_ yaón ng El Amor Patrio[13], may taglay na fechang Junio
ng 1882, at finirmahán niyá n~g pamagát na Laong-Laan, saca
ipinadalá niyá sa Diariong Tagalog[14], at inilathálà sa pámahayagang
itó ng icá 20 ng Agosto n~g 1882.
Pakinggan natin cung anó ang pasiyá n~g isáng castílà, ni D.
Wenceslao E. Retana, na nagpamagát si canyáng mga ilinalathálà sa
mga pámahayagan, ng Desengaños_, tungcól sa kasulatang sinasabi co:
"Marahil ay nacainís ca canyá (cay Rizal) ang Barcelona; marahil ay
nacapamanglaw at nakapágpalungcot sa canyá ang malakíng
pan~gulong bayan ng Cataluña, ng canyáng mámasid na doo'y may
lubós na calayâan ang cálahatlahátang mga mithî, sa pagdidilidiling
doo'y waláng mga inquisidor[15] ang ísip; datapwa't sa Maynila'y
mayroon. Bagá man talastás niyáng totoong caraniwang gamit na,
gayón ma'y guinawâ rin ni Rizal sa isáng pananalitáng malungcót, at
may hawig na isipín, nguni't halos laguing mabanayad, palibhasa'y
mithi ang macatulong ng cahi't dukha n~guni't maalab na pag-anib.
"Tulad sa m~ga hebreo ng una ani Rizal--na inihahandog sa templo
ang m~ga unang bun~ga ng caniláng pag-ibig, camí, dito sa lupa ng
iba, iaálay namin ang m~ga unang pananalitâ sa áming báyang
nababalot ng mga alapáap at ng mga ulap n~g umaga, na hindî
nagmamaliw ang cagandaha't hiwagang anyô at kaligaligaya; nguni't
lálò ng pinacasísinta, samantalang sa canya'y pumapanaw at lumálayô,"
Sa ganáng cay RizaL--ani Retana--ang España'y lupa ng iba; sa ganáng
kanyá'y walâ ng bayang sarili_ (pátria) cung dì ang Filipinas. Hindî
sumasaísip niyà ang _maliit na bayang sarili ("pátria chica") at ang
malaking báyang sarili_ ("pátria grande") na totoong caraniwan na
nitong m~ga hulíng nagdaang taón; ang maliit ay ang báyan, ang
lalawigan ó cung dilî cayá'y ang isáng panig: at ang malaki ay ang
boong nación, sampô ng mga ibáng lupaíng nasásacop, cahi't anóng
pagcalayô-láyò ang kinálalagyan. Ang malakíng bayang sarili, kung sa
isáng filipinong tunay na nakikianib sa España ay walâ n~g iba kung dî
ang lupaíng España, na calakíp ang canyáng mga nasasacop sa
cabilang ibayo n~g dagat, at ang maliit_ ay ang panig. Nguni't cay
Rizal ay waláng maliit ó malaking bayang sarili_, cung dî Bayang sarili;
na sa ganáng canyá'y hindî ang Calambâ, hindî ang m~ga bayang ang
salita'y wikang tagalog, hindî man
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.