sa mga indio--ay
hindi lamang dahil sa ipinalálagay na pawang galing sila sa láhing
matáas, cung di sa pagca't isang paraan upang maicublí ang tacot at ang
malabis na pag-ibig sa sariling catawán. Ang tacot, sa pagca't sa tikís na
pagamís na sa canila'y guinágawâ, ipinalálagay nilang ang mga
mapuputî ay panginoon nilá at siyáng sa canila'y nagmamay-ári; at ang
malabis na sa canilang sarili'y pag-ibig, palibhasa'y caniláng
napagkilala ang caugalian ng mga europeo at napag-unawang dahil sa
capalaluang taglay ng mga ito, ay makikinabang sila cung sila'y
magpakita n~g paimbabáw na pagpapacumbabâ, at gayon ngâ ang
canilang guinágawâ. Caya nga't hindi kinalulugdan cahi't camunti man
ng m~ga indio ang mga europeo: nangagpapacumbaba cung
naháharap sa canila, nguni't pinagtatawanán silá cung nangátatalicod,
linílibac ang caniláng pan~gungusap, at hindi nagpapakita ng cahit
munting tandâ ng paimbabáw na sa canila'y paggálang. Dahil sa hindi
nataróc ng mga castila ang túnay na caisipán ng m~ga indio,
samantalang napagtantong lubós n~g mga indio ang tunay na caisipan
ng mga castila, ipinalálagay ni Rizal na mahina ang pag-iísip ng m~ga
mapuputi cay sa canyang mga cababayan..... Nang siya'y panahong
bata pa, cailan mang marírinig ó mababasa niya ang pagpapalagay ng
mga mapuputi sa canyáng láhi ay napopoot, napúpunô ang canyang
púso ng gálit; ngayo'y hindi na nangyayari sa canya itó; sa pagca't cung
nárirín~gig niyá ang gayón ding mga pagpapalagáy, nagcacasiyá na
lámang siyá sa pagngiti at isinasaalaala niya ang casabiháng francés:
"_tout comprendre, c'est tout pardonner._[5]"
Ang maílab na mithî ni Rizal na mapaunlacán ang canyáng láhî ang
siyáng totoong nacapag-udyóc sa canyá sa pagsusumakit sa pag-aaral
hangáng sa canyáng tamuhín ang lubháng maningníng at maraming
m~ga pangulong ganting pálà n~g colegio, na sino ma'y waláng
nacahiguít.
Dinalá si Rizal n~g canyáng casipagan hangáng sa magsanay sa
escultura[6] n~g waláng nagtutúrò.
Ng panahóng iyó'y gumawâ siyá n~g isáng magandáng larawan ng
Virgeng María, na ang guinamit niyá'y ang matigás na cahoy na
baticulíng at ang ipinag-ukit niya'y isang caraniwang cortaplumas
lámang. Nang makita ng canyáng m~ga maestrong párì ang
cahan~gahangang larawang iyán ay tinanóng nilá siyá cung
macagagawâ namán ng isáng larawan ng mahál na púsò ni Jesús;
napaoo siyá, at hindî nalaon at canyang niyárì at ibinigáy sa nagpagawâ
sa canyá, na totoong kinalugdan ding gaya n~g una.
Nang ica 5 ng Diciembre ng taóng 1875 ay kinathà niya at binasa sa
isáng malakíng cafiestahan sa Ateneo ang isang tulâ, na pinuri n~g
lahát, na ang pamagat ay El Embarque (_Himno á la flota de
Magallanes_.)[7]
Nag-aaral siyá ng icalimáng taón ng bachillerato sa Ateneo Municipal
ng cathain niyá ang isang tulâ na canyáng pinamagatáng: Por la
educación recibe lustre la Pátria_.[8]
N~g bahagyà pa lamang tumutuntong siya sa icalabíng anim na taóng
gulang ay nagtamó siyá ng títulong Bachiller en Artes_.
Nárito ang talaan ng canyáng m~ga pinag-aralan mulâ ng taóng 1877,
at ang mga tinamó niyang calificación_:
1871-1872. Aritmética................ Sobresaliente 1872-1873. Latín unang
taón.......... Sobresaliente 1872-1873. Castellano................
Sobresaliente 1872-1873. Griego.................... Sobresaliente 1873-1874.
Latín, unang taón......... Sobresaliente 1873-1874. Castellano................
Sobresaliente 1873-1874. Griego.................... Sobresaliente 1873-1874.
Geografía Universal....... Sobresaliente 1874-1875. Latín, tercer
curso....... Sobresaliente 1874-1875. Castellano................ Sobresaliente
1874-1875. Griego.................... Sobresaliente 1874-1875. Historia
Universal........ Sobresaliente 1874-1875. Historia n~g España at
Filipinas............................ Sobresaliente 1874-1875. Aritmética at
Algebra..... Sobresaliente 1875-1876. Retórica at Poética.......
Sobresaliente 1875-1876. Francés................... Sobresaliente 1875-1876.
Geometría at Trigonometría........................ Sobresaliente 1875-1876.
Filosofía, unang taón..... Sobresaliente 1876-1877. Filosofía, icalawang
taón................................. Sobresaliente 1876-1877. Mineralogía at
Química.............................. Sobresaliente 1876-1877.
Física.................... Sobresaliente 1876-1877. Botánica at Zoología......
Sobresaliente Bachiller en Artes ng 14 ng Marzo n~g
1877....................... Sobresaliente
* * * * *
Lumipat si Rizal sa Universidad ng Santo Tomás n~g Junio ng 1877, at
doo'y pinag-aralan ang Cosmología metafísica, Teodicea at Historia
n~g Filosofía. Pinasimulan ang pag-aaral ng Medicina (pangagamót)
ng taóng 1878. Canyáng pinag-aralan sa Universidad ang Física,
Química, Historia Natural, Anatomía, Disección, Fisiología, Higiene
privada, Higiene pública, Patología general terapeútica, Operaciones,
Patología médica, Patología quirúrgica, Obstetricia.
Ng taóng 1879 ay nagtatag ang Liceo Artístico-Literario_ sa Maynila
ng isáng certamen upang bigyáng unlác ang sino mang macapagharáp
ng lalong magandáng catháng prosa ó tulâ. Ang bumuboò n~g Jurado[9]
ay pawang mga castílà. Nagharáp si Rizal n~g isáng tuláng Oda_, na
ang pamagát ay A la Juventud Filipina, at bagá man maraming m~ga
castílà at tagalog ang nangagsipagharáp ng canicanilang gawâ, si Rizal
ang nagcamít ng pangulong ganting-pálà.
Nang taóng sumunod, 1880, nagtatag na mulî ang _Liceo
Artístico-Literario ring yaón n~g isa pang certamen_, bilang alaala sa
caarawán ng pagcamatáy ni Cervantes. Pawang mga castílà ang
bumubóò ng Jurado. Si Rizal ang nagtamó n~g pangulong gantíng-pálà,
sapagca't ang cathâ niya'y siyang lalong magandá at mainam sa lahat ng
m~ga catháng iniharáp sa certameng iyón n~g maraming mga
periodistang castílà at mga bantóg na fraile sa carunungang pawang
m~ga castila rin. El Consejo de los Dioses[10] ang cathang iniharáp ni
Rizal, at ang tinangáp niyang pan~gulong ganting-pálà'y isang sinsíng
na guintô, na
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.