pagbubucang liwayway, at ang láhing iyóng nagugulaylay sa boong gabí n~g historia, samantalang lumiliuanag ang araw sa ibá't ibáng lupaín, mul? ngayóng gumiguising na kumíkinig sa untóg ng electricidad na sa canyá'y gumibíc sa pakikipanayám sa m~ga bayang calunuran, at "hinihing? ang ilaw, ang buhay ang civilizacióng" ng una'y caniláng minana na pinapagtibay ang waláng catapusáng m~ga lagda ng hind? naglilicat na pag-gulong n~g panahón, n~g mga pagcacáiba't iba, ng di nagmamaliw na paghahalihali, ng pagsúlong."
"Ito'y nalalaman ninyóng magalíng at ipinagdádan~gal na ninyó; cayó ang may gawa ng cagandahan n~g m~ga brillante ng coronang taglay sa ulo ng Filipinas; ang Filipinas ang nagbigay n~g mga bató, ang Europa ang kumikil at ng numingníng. At pinanonood nating lahát ng boong pagdiriwáng; cayo'y ang inyong yárì; cami'y ang nin~gas, ang lacás, ang m~ga batóng aming bigay. "(Mainam na totoo.)"
"Ininóm nilá roón ang calugodlugod na talinghágà n~g Naturaleza; Naturalezang dakílà at cakilakilabot sa canyang pagwawasác, sa canyang paglacad na waláng humpáy, sa canyang hind? mapaglírip na lacás. Naturalezang matimyás, payápà at malungcot sa canyang m~ga pagsasaysay na hind? naglílicat at hind? nagbabago; inililimbag n~g Naturalezang ito ang canyáng tatác sa lahát ng canyáng linalalang at ibinunga. Tagláy ng canyáng mga anác ang tatac na iyán saán man silá pumaroón. Cung hind? pacasiyasatin ninyó ang caniláng m~ga ásal, ang caniláng m~ga gawa, at cahi't babahagya man ang pagcakilala ninyó sa báyang iyón, makikita ninyóng na sa lahát na parang siyang bumubuò n~g canyáng dúnong, gaya n~g calolowang siyang namamatnugot sa lahát, cawangis n~g nagpapagaláw sa isáng máquina, túlad sa anyóng pangúlo, caparis n~g unang cagamitán. Hind? mangyayaring hind? sumilang ang talagang canyang dinaramdam, hind? mangyayaring siya'y maguing isáng bágay at ibáng bágay ang gawín; sa dacong ibabaw cung bagá man nagcacáiba, malicmátà lámang. Sa "Spoliarium", sa licuran n~g pinturang iyang hind? pipí ay nariringig ang caguluhan ng maraming tao, ang sigawan ng m~ga alipin, ang taguintin~gan n~g mga baluti't sandata ng m~ga bangcáy, ang hagulhulan n~g pan~gun~gulila, ang mga híguing ng dalangin, na napagwawari ang any? at catotohanang tulad sa pagcaringíg sa dagundóng n~g culóg sa guitna n~g malacás na ingay ng malaking agos ng tubig na bumabagsác mula sa mataas, ó ang pangin~giníg na nacalalaguim at cagulatgulat ng lindól. Ang Naturalezang namamaguitnà sa pagcacaroon ng mga bagay na iyon ay siya ríng namamaguitnà sa pincel na lumálagda n~g pintura. Bilang capalít nito'y tumítiboc sa cuadro ni Hidalgo ang isang totoong dalisay, pagpapakilalang lubós ng calungcutan, ng cagandahan at cahinaang pawang ipinahamac ng mabangís na lacás; at gayón, palibhasa'y inianác si Hidalgo sa silong ng maningning na azúl ng langit sa Filipinas, sa pagpapalayaw n~g mahinhing hihip ng amihang galing sa mga caragatan doon, sa guitna n~g catahimican ng doo'y mga dagatan, sa hiwagang caaliw-aliw n~g canyang mga capatagang lúpà at carikitdikitang pagcacaayos ng canyang m~ga bundóc at n~g mga bundóc na nagcacatanitanicala.
"Caya na cay Luna ang mga lilim, ang m~ga pagcacalabánlaban, ang mga naghihin~galong liwanag, ang talinghágà at ang cakilakilabot, bílang alingawn~gáw n~g madidilím na sigwá sa lupaíng mainit, n~g mga kidlát at ng mauugong na pagbugá n~g canyáng mga volcán; caya cay Hidalgo'y pawang liwanag, m~ga culay, pagcacabagay-bagay, damdamin, aliwalas, cawangis n~g Filipinas sa mga gabíng may bwan, sa canyáng mga araw na tahimic, sa m~ga naaabot doon ng tanáw, na pawang umaakit sa pagdidilidili at doo'y iníuugoy ang waláng catapusán. At ang dalawá, cahi't lubháng nagcacáiba, sa any? man lamang, ay nagcacáisa cung ganáp na liliningin; cawan~gis namán ng pagcacaisá ng ating m~ga púsong lahát, bagá man totoong nangagcacáiba: ang dalawáng itó, sa caniláng pagpapaaninaw, sa pamamag-itan n~g caniláng "paleta," ng carikitdikitang sicat n~g araw ng trópico[28], guinágawa niláng mga sínag ng d? maulátang capurihang canilang inililiguid sa canilang sariling bayan; isinasaysay ng dalawa ang tunay na calagayan n~g aming buhay sa pagsasamahan, sa asal na guinagamit at sa natutungcol sa pamamahala ng calacarán n~g bayan; ang cataohang pinapagtitiis n~g mabibigat na dalahin; ang cataohang hindi natutubos, ang catowiran at ang mithing nakikitungáli ng mahigpit sa mga di "wastong caisipán," _sa maling pananampalataya at sa mga licong cagagawán, "sa pagca't ang mga damdamin at ang mga pasiya ay nacapaglalag-os sa lálong macacapal na cuta"; sa pagca't sa lahát ng m~ga hadláng ay may napumumulusán, pawang nan~ganganinag, at cung hind? sila magcapluma, cung d? sila tulungan ng limbagan, hind? lamang maghahandog ng panglibang sa paningin ang canilang paleta at m~ga pincel, cung d? naman maguiguing mananalumpating totoong marikit manalita."
Cung itinuturo n~g iná sa canyáng anác ang canyáng sariling wícà at ng maunáwà ang canyáng m~ga catowáan, ang canyáng m~ga kinacailangan ó ang canyáng m~ga pighat?; itinuturò namán ng Espa?a sa Filipinas, sa canyáng pagcainá ang canyáng sariling wícà; "cahi man hinahádlangan niyáng m~ga bahagya na ang abo't n~g paningín at napacapandác ang pag-íisip," na sa canilang malabis na pagsusumicap na sumapanatag sila sa panahóng casalucuyang tinatawid, ay "_hindi nila mátanaw ang panahóng
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.