mula n~g canyang lihamin n~g 1882 ang "El Amor Patrio," hangang sa taong 1884, datapowa't hind? siya naglilicat ng pakikipagsulatan sa canyang mga cababayan, lalonglalò na sa mga nag-aaral, at ang mga sulat niya'y binabasa ng lahat ng boong pag-ibig at pangguiguilalás, dahil sa canyang bayaning pagbibigáy ulirán sa pagsintá sa tinubuang lúpá.
Nang 25 ng Junio ng taóng 1884 ay nagtalumpatì si Rizal sa isang piguíng na guinawa sa Madrid, sa pagpapaunlác cay guinoong Juan Luna, bantóg na pintor ilocano, dahil sa pagtatamó ng pangulong "premio" sa "Exposición" n~g canyang balitang "cuadro," na ang pamagat ay "Spoliarium", at cay guinoong Felix Resurreccion Hidalgo, na taga Filipinas din, at mabuti rin namang pintor. Guinawa ang piguíng na iyón sa Restaurant Inglés, pinasimulán ng icasiyam na oras ng gab? at may mga anim na pong táo ang nagsalosalo. Nangulo sa mesa--alinsnnod sa sabi ng "El Imparcial", sa Madrid, n~g ica 26 ng Junio ng 1881--si pintor Luna; nangagsiup? sa dacong canan niya si na se?or Labra, Correa, Nin y Tudó at sa caliwa niya'y si na se?or Moret, Aguilera at Mellado (D. Andrés). Nan~gagsiup? rin doon si na se?or Morayta, Regidor, Azcárraga (D. Manuel de), Araus, Fernández Bremón, Paterno (Alejandro, Antonio at Máximo,) Vigil, del Val, Moya, Cárdenas, Govantes, Rico, Gutiérrez, Abascal, Ansorena, García-Gómez, López Jaena, Más (pintor valenciano), Fernández Labrador (cubano), Rodriguez Correa at iba't iba pang maraming pintor, literato at periodista.
Nagtindig si Rizal at siya ang náunang nanalita; minamasdan siyá n~g lahát; sa caymanguing mukha niya'y umaalab ang ningas ng masilacbóng pagsinta sa tinubuang lúpà, at saca nagsaysay siyá n~g isáng talumpating hind? mapagwari cung alin ang lalong maganda: cung ang cahangahangang pagsintá sa tinubuang lupang numiningning sa talumpating iyón, ó ang cagandagandahang pagcacaany?-any? ng mga salita. Pagsisicapan cong isatagalog ang talumpating iyón; bagaman talastás cong dukha ang aking panític at cúlang ang wica natin sa casaganaan n~g wicang castilàng guinamit ni Rizal sa gayóng pananalita: n~guni't mamalakhín co na cung maipakilala sa bumabasang irog ang cahi't culabóng anino n~g masilacbo't caligaligayang pananalita n~g ating capatid na Martir sa Bagumbayan. Pasisimulan co: "Ma?ga guinoo: Sa paggamit ng pananalita'y hind? nacapag-aalinlangan sa akin ang tacot na baca pakingán ninyo acó n~g boong pag-wawaláng bahálà; naparito cayó't ng inyóng ipanig sa sigabo ng aming mith? ang simbuyó ng mith? ninyóng panghicayat sa cabatáan, caya nga't waláng salang cayo'y matututong magpaumanhín. M~ga panghalinang simoy ng pag-iibigan ang siyáng lumalaganap sa aláng-álang; m~ga ágos ng pagcacapatiran ang siyang lumílipad na nagcacasalusalubong; m~ga calolowang masintahin ang nakíkínig, at dahil dito'y hind? acó nag-aalap-ap sa aking abáng cataohan at hind? namán acó nag-aalap-ap sa cagandahan ng inyong loob. Palibhasa'y mga táo cayóng may púsò, wala cayóng hinahanap cung d? m~ga púsò rin, at buhat sa caitaasang iyang pinamamahayan ng mga damdaming mahál, hind? ninyo hinahálata ang mga walang cabuluháng pan~git na budh?; nalalaganapan ng inyong titig ang cabooan; pinasisiyahan niyá ang naguiguing dahil at inilalatag ninyó ang camáy sa cawan~gis cong nagnanasang makipanig sa inyó sa isá lamang adhica, sa isa lamang mith?: ang dangál ng dakílang ísip, ang ningning n~g tinubuang lúpà. ("Magaling, totoong magaling; pacpacan.")
"Ito nga ang cadahilanan caya cayó'y nan~gagcacapisan ngayón. May mga pan~galan sa historia n~g mga bayang sila lamang ay nagpapakilala na ng isáng nangyari at nagpapaalaala n~g mga pagguiguiliwan at ng m~ga cadakilaan; m~ga pan~galang wangis sa isáng cababalagháng hiwágà na nagháharap sa ating mga matá n~g mga caisipáng caayaaya at caaliw-aliw; mga pangalang ang kinaoowia'y isang pagcacásund?, isang saguísag ng capayapaan, isáng tálì ng pagsisintáhan ng m~ga nación. Nauucol sa m~ga ganitó ang mga pangalan ni Luna at ni Hidalgo: nililiwanagan n~g caniláng mga carangalan ang dalawáng dúlo n~g daigdig: ang Casilanganan at ang Calunuran: ang Espa?a at Filipinas. Sa pagsasalita co n~g dalawáng pan~galang ito'y nakikinikinitá co ang dalawang nagníningning na balantóc na nagmumula capowa sa magcabicábilang dacong iyon at nagcacalicaw, pagdating sa caitaasan, sa udyóc ng pagguiguiliwán ng iisáng pinangalin~gan, at buhat sa caitaasang iya'y papapag-isahín ang "dalawang bayan" sa pamamag-itan n~g walang catapusáng pagcacáisa, "dalawang bayang "magcacambal cahi't papaghiwalayin ng mga dagat at ng calayuan; "dalawang báyang" hind? sibulán nang "m~ga binh? ng paghihiwalay na itinatanim ng m~ga nabubulagang tao at ng caniláng calupitán." Capowa capurihán si Luna't si Hidalgo ng Espa?a't ng Filipinas; sa pagcá't cung ipinan~ganác man silá sa Filipinas ay mangyayari rin namáng maipan~ganác sa Espa?a. Waláng sariling bayan ang cataasan ng ísip; ang cataasan ng isip ay tulad sa ilaw, sa hangin; pag-aari n~g lahát; walang sariling bayang gaya ng alang-alang, gaya ng buhay at gaya n~g Dios. "(Mga pacpacan)"
"Lumilipas na sa Filipinas ang matatandang caugalian; ang maririn~gal na gawa ng canyang mga anác ay hind? na nangyayari lamang sa loob ng sariling bahay; iniiwan na n~g paróparóng silangan ang sariling bahay; sa mga lupaing yao'y ipinakikilala na ang paguumaga ng isáng mahabang araw, sa pamamag-itan n~g maniningning na cúlay at namumulamulang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.