ng ibang bagay cung d? ang canyang icágagaling. Cung magcagayo'y macatutupad tayo n~g alinsunod sa tacda ng Dios na dapat na cauculan ng sangcataohan, na d? ibá cung d? ang cahusayan at capayapaan ng lahát n~g canyáng mga kinapál.
?Cayóng páwang nawalán na n~g mith?in ang calolowa; cayóng nangasugatan sa púso't isa-isang nakita ninyóng nanglagas ang mga pag-asang caaliw-aliw, at cawangis n~g mga cahoy cung panahong tagguináw, ngayóng salát cayó sa bulaclác at gayón din sa mga dáhon, at bagá man nais ninyó ang umibig, n~guni't wala, cayóng másumpong na sa inyo'y carápatdápat; nariyan ang tinubuang lúpà! ?Siya'y inyóng sintahín!
Siya'y inyóng sintahín, ?oh, siyá nga! datapwa't hind? na cawangis sa pagsintá sa tinubuang lúpà ng unang panahóng gumáganap n~g mga mababangís na pagbabanál, na ipinagbabawal at minámasama ng tunay at dalisay na magandáng caugalian at n~g inang Naturaleza[20]; na howag ipagmagalíng ang malíng sigábo ng budh?, n~g pagwawasác at ng calupitán; hind?, "lálong caayaáyang pagbubucáng liway-wáy ang sumisilang sa abót ng tanáw", masasanghaya at mga payapang ilaw, na súgò ng buhay at capayapaan; sa cawacasa'y ang liwayway na tunay ng cacristianuhan, tagapagbalitang pangunahin ng maliligaya at panátag na mga áraw. Catungculan nga natin ang manuntón sa mahirap lacaran, nguni't tahimic at mapagbigay pakinabang sa landas ng Dunong na patun~go sa "Pagcasulong" at mulà riya'y "sa pagcacaisang mith? at hinihing? ni Jesucristo sa gabí ng canyang pagcacasákit."
"Gumawa ng sariling bayan ng sariling bayan cahi't gaano man ang maguing cahalagahan ang siyang lalong masilacbóng nais ni Rizal, n~gunit carapatdapat na sariling bayan...."
At siyang catotohanan ayon sa canyang, m~ga guinawa.
Hind? nag tagal si "Rizal" sa Barcelona. Sumasa Madrid na siya n~g unang araw ng Octubre n~g sinabi ng taóng 1882. Sabay niyáng pinag-aralan ang Medicina at saca ang Filosofía at Letras.
Natapos ang pag-aaral niya ng panggagamot at nagtamó siya ng títulong Licenciado sa Medicina ng ica 21 n~g Junio n~g 1884, at ng 19 ng Junio n~g 1885, araw n~g capanganacan sa canya ay canyang tinamó namán ang títulong pagca Licenciado sa Filosofía at Letras at gayon din ang pagca Doctor sa Medicina. Natutuhan ni Rizal ang m~ga wicang sumusunod: tagalog, castílà, latin, francés, italiano, inglés, alemán, ruso, japonés, holandés, griego, hebreo, àrabe, sanskrito, portugués, catalán, sueco at insíc.
Samantalang nag-aaral si Rizal ay pinagmámasid naman niya ang caugalian at any? ng mga castílà. Nangaling si Rizal sa isáng bayang linúluklucan ng pagbabanalbanalan, n~g d? wastóng mga pananampalataya, ng m~ga paggugol ng salap? upang yumaman at macagumon sa lugód at layaw ang m~ga walang ibang gawa cung d? ang mangdayà sa mga hangal ...; galing si Rizal sa isang bayang sa calolwa't catawan ay may walang hangang capangyarihan ang m~ga fraile, militar, empleado at castílà. Sa Madrid ay nakita niyáng hind? gayón: linílibac ng m~ga librepensador[21] at n~g m~ga aleo[22] ng boong calayàan ang canilang religióng católica apostólica romana at ang canilang iglesia católica-apostólica romana; námasid niyáng maliit na totoo ang capanyarihan doon n~g Gobierno; hind? niya napanood ang acala niyang mangyayáring pagtatálotalo ng m~ga "liberal"[23] at ng mga "clerical"[24]; bagcos pa nga niyang nákitang madalás na naglalámbal at nagcacáisa ang mga "republicano"[25] at ang mga "carlista"[26] upang canilang masunduan ang anó mang ninanais. Nagdamdam si Rizal ng malaking sacláp n~g loob ng canyang pagsumaguin ang walang hadlang na anó mang pagtatamasa ng mga calayàan sa Espa?a, at ang capanyarihang calakilakihan ng mga fraile sa Filipinas, na siyang bumíbigti sa lahing cáymangui. Pinagpilitan niyang makilala ang any? ng mga iba't ibang "partido político"[27] sa Espa?a at napag-unawa niyang hind? carapatdapat purihin ang m~ga europeo tungcól sa bagay na ito. Nakita niyang ang bawa't partido, ang lahat ng partido ay may magaganda at cainam-inamang mga palatuntunan; datapwa't nahiwatigan niyáng baga man may mangisan~gisang nagpapagal sa udyok ng lalong wagás at dalisay na hangád, nguni't hálos ang lahat ay walang pinagsisicapan cung d? ang saríling cagalingan. Samantalang hind? pa nangapapahalál sa matataas na catungculang minimith?, totoong sinusuyò ang m~ga táong manghahalál, at sa canila'y ipinangangacò ang lubhang maraming bagay, at cung macamtan na ang han~gád ay hind? guinaganap ang pangacò at linilimot na tikís ang mga naghalal sa canila. Marami sa m~ga manghahalal na ibinibigay ang caniláng voto, hindi sa táong tunay na may carapatán, cung d? sa nakiusap sa canila n~g hind? nilá mahiyáng canilang pinapanginoon; na hind? ang tunay na may mga nagawang cagalingan ng isang táo sa bayan ang canilang tinitingnan, cung d? cung ang taong iya'y mainam magsasalita, marikít magtalumpatì, magalíng sumúyo ó nacagaganting pálà n~g salap? ó iba pang pagbibiyaya; na ang siyam na po't siyam sa sandaang europeo'y naniniwalà sa mga sinasabi sa canilá n~g mga pamahayagan, na hind? man lamang sinisiyasat cung yao'y totoo ó hind?, cung na sa catwiran ó wala sa catowiran; sa isáng salita: nakita niyáng cawangis din ng mga táong báyan dito ang mga táong báyan doón.
Walang anó mang inilathalà si Rizal na anó mang casulatan,
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.