lúpà:--"Naroroon [ang sabi ni Rizal] ang mga unang gunitaing nangyari ng panahong camusmusan, masayáng hadang[16] kilalá lamang n~g cabataan sapagca't doo'y natutulog ang boong isang panahong nacaraan na [_ang bayang may casarinlan] at na-aaninagnagan ang panahóng dárating [ang catubusan ng lahi sa pamamag-itan n~g pag-aaral]; sapagca't sa canyáng m~ga cagubátan at sa canyáng m~ga damuhán, sa bawa't cáhoy, sa bawa't bulaclac, namamasdán ninyóng naúukit ang alaala sa alín man táong inyóng guiniguiliw, na gaya rin ng canyáng hinin~gá sa hanging may taglay na bangó, na gaya n~g canyáng awit sa lagaslás n~g mga batis, na gaya ng canyáng n~git? sa bahaghari n~g lan~git ó n~g canyang mga buntóng-hiningá sa hind? mapagwáring daíng n~g hangin sa gabí ..."--Ang ganitóng m~ga pananalita'y talagang cay Rizal; ilála sa macahulugán, sa may tinutucoy ang mga pananalitáng may hímig ng hiwágà, ito nga ang any? ng canyáng pagsulat, ang canyáng caugalian, at halos waláng makikitang bagay na prosa[17] ó tula na canyáng kinatha na hind? itó ang námamasid; na ang bawa't may ísip, cahi't caraniwan lámang ang tálas ay agád mapagwawárì sa m~ga súlat ni Rizal, ang mga caisipán sa pamamayang naghaharì sa budh? ng lubhang mairuguíng yaón sa kinaguisnang lúpà--"?Hind? nacácatcat cailán man (aní Rizal) ang pagsintá sa kinamulatang lúpà, pagca ang pagsintáng ito'y nacapasoc sa pusò: sapagca't talagang tagláy na niyá ang tatác ng Langit na siyáng ikinapaguiguing waláng catapusán at pagcawaláng pagcasírà."--At isinunod pagdaca ang ganitóng m~ga sabi, na anaki ibig niyang palacsín ang loob at itaimtím sa púsò ng mga táong pinagtatalaghán n~g casulatang iyón ang pag-íbig sa kinamulatang lúpà:--"Cailán ma'y casabiháng ang pagsinta ang siyáng lalong macapangyarihang nag-uudyoc ng mga cagagawang lalong dakilà; cung gayo'y talastasíng sa lahát ng mga pagsinta, ang sa kinaguisnang bayan ang siyang nagbunga n~g mga gawáng lalong malalakí, lalong m~ga bayani at lalong waláng casíng dalisay. Basahin ninyó ang Historia" ... Pagcatapos na maisaysay sa iláng pangcát na totoong mataós at macatwiran ang pananalita, upang patotohanang sa buhay na ito'y pawang madalíng lumípas ang lahát: sinabi naman niyá, ang nangyayari pag laganap ng sigáw na ?ang kinamulatang lupa'y sumasapanganib! ang sarisaring pagpapacahirap at paghahayin n~g buhay na kinacailangang gawín.... Datapwa't ?hindi cailan~gan! ?Ipinagsangaláng ang nagbigáy búhay; ?gumanáp n~g isang catungculan! Si Codro ó si Leónidas,[18], ang cahi't sino man, ?ang kinaguisnang baya'y matututong sa canyá'y mag-alaala!_
"At parang naguguniguni na niya ang sa kanya'y mangyayari, isinulat ni Rizal ang ganito: "Magháyin ang ibá ng canyáng cabatáan; ibinigay namán ng ibá sa sariling bayan ang m~ga ningning ng canyang mataas na pag-iísip at ang ibá namá'y nagbúhos ng canyáng dugo; namatáy ang lahàt at nagpamana sa kinaguisnang bayan n~g lubháng malakíng cayamanan: ang calayaan at ang caran~galan. ?At anó naman ang guinawa sa canilá ng tinubuang lúpà? Tinatangisan silá at inihaharap n~g boong calakhán n~g loob sa sangcataohan; sa panahóng sasapit at sa canyáng mga anác, upang mapagcunang uliran_".--Si Rizal ay isang manunulat na sa anyó'y hind? tumutucoy, n~guni't cung wawar?ing magalíng ay lubháng mapagpatungcol n~g sinásalita; at cung ilalim pa ang pagsisiyasat sa lahat ng canyáng mga sinulat, hind? lamang náaaninag ang canyang tan~ging budh?, cung d? hinuhulàan namán niyá ang canyáng gágawin at ang sa canyá'y mangyayari. At para manding tagláy niyá ang isang catungculang sa canyá'y ipinagcatiwalà n~g Dios upang ganapín sa ibabaw n~g lúpa, cayá't pagca tiguíb ang calolowa niya n~g caisipán ni Tolstoi ay nang-aakit siya sa capayapàan, at cung nag-aalab naman sa canyá ang m~ga mith?in ni Napoleón ay iniuudyóc namán niyá sa canyáng m~ga cababayan ang pakikibaca, at wináwacasán n~g ganitóng pananalita:
"?Oh kinaguisnang lúpà!... Mula cay Jesucristong puspós n~g ganap na pagsintá, na naparito sa mundo sa icagagaling n~g sangcataohan, at nagpacamatay dahil sa sangcataohang iyan, sa pan~galan ng cautusan ng canyáng tinubuang bayan, magpahangang sa lálong m~ga hind? kilaláng nangamatáy dahil sa m~ga revolución[19] n~g mga panahong ito, gaáno carami, ?ay! ang m~ga nagcahirap at namatay sa iyong pangalang kinamcám n~g m~ga ibá! ?Gaano carami ang ipinahámac "ng pagtataním ng galit", n~g casakimán ó n~g cahan~galan, na n~g nalalagot na ang hininga'y hinandugán ca ng pagpupuri at sa iyo'y minithi ang lahát ng bagay na cagandahang palad.
Magandá at dakílà nga ang tinubuang lúpà, pagca ang canyáng mga anác sa sigaw n~g pagbabaca ay nangagdudumali sa pagsasanggalang, sa dating lupain ng caniláng magugulang; mabangis at palálò pagca mulà sa carurucan ng canyáng trono'y napapanood na tumatacas ang tagaibang lúpa sa udyóc n~g malakíng tácot sa pagcakita sa bayáning hucbó ng canyáng m~ga anác, nguni't pagca nagpapatayan_ ang canyáng mga anác, palibhasa'y nangagcacabahabahagui sa nagcacalabánlabáng mga pulutóng; pagca ipinagwawasacan ang mga halamanan, ang mga bayan at ang m~ga ciudad ng poot at pagtataniman; pagcacágayo'y sa canyáng cahihiyan ay pinupunit ang balabal at itinatapon ang cetro at nagdaramit ng maitim na lucsa sa canyáng mga anác na namatáy.
Pacasintahín n~ga natin siyá magpacailán man, anó man ang ating cahinatnan, at howag tayong humangad
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.