sa palacio ng Malacanyang, at talagang magsasacdal sana cay Primo de Rivera, Gobernador at Capitán General nitong Filipinas, dahil sa ng isang gabing n~gitngit ng dilím ay siya'y tinampalasan at sinugatan ng Guardia Civil, sapagca't nagdaan siyá sa tabí ng isáng bulto_ ay hind? siyá nacapagpugay, at ang bulto paláng iyón, na hindi niya nakilala, dahil sa cadilimán n~g gabí, ay ang tenienteng namiminúnó sa isang destacamento; sinugatan siya n~g waláng anó-anó, na d? man lamang siyá, pinagsabihan n~g anó man. Hind? niyá nácausap ang Capitán general at hind? siyá nagtamó ng minímithing pagwawaguí ng catowiran.
Nang ica 6 ng hapon, icawaló n~g Diciembre ng taóng 1880, ay pinalabás sa Ateneo Municipal n~g Maynila ang isang melodramang wícang castílà, na ang pamagát ay Junto al Pasig[11], catha ni Rizal, na presidente ng Academia de la Literatura Castellana sa Maynílà ng panahóng iyón, at música ni Don Blás Echegoyen.
Ang mga nagsilabás sa melodramang iyón ay ang mga sumusunod:
Leónido........Isidro Perez. Cándido........Antonio Fuentes. Pascual........Aquiles R. de Luzuriaga. Satán..........Julio Llorente. Angel..........Pedro Carranceja. Coro n~g m~ga diablo Caramihang estudiante at ang isa sa canila'y si Vicente Elio.
Di maulatang mga pagpupuri ang inihandog cay Rizal ng lubháng maraming guinoong nanood n~g melodramang iyón.
Sapagca't sa araw-araw ay nilílibac at nilalait n~g isang fraileng profesor sa Universidad ang m~ga estudiante, hind? nacatiís si Rizal, ipinagsangaláng niyá ang canyáng m~ga casamahán sa isáng mahigpít nguni't mapitagang pan~gangatwiran, at ang naguing casaguta'y ang panunumpa n~g canyáng catedrático, na cailán ma'y hindi niya palálabasin si Rizal sa alín mang exámen.
Dahil sa nangyaring iyo'y minagalíng ni Rizal ang pasá Espa?a at doón magpatuloy n~g pag-aaral, at sapagca't sumang-ayon ang canyáng ama't iná, siya'y lumulan sa vapor na ang tungo'y sa Barcelona, ng ica 3 ng Mayo n~g 1882, na puspós ng pighat? ang cálolwa. ?Sa Calamba [Laguna] ay nilisan niya ang canyang m~ga pinacamumutyang amá, iná at m~ga capatíd; sa Camilíng ay ang maalab na sinisintang si Leonor Rivera, magandang dalagang ang larawa'y háwig na háwig sa matimyás na si Maria Clara sa Noli me Tangere, at saca napalay? siyá sa pinacaiibig na Bayang Filipinas!
* * * * *
Dumatíng si Rizal sa Barcelona, (Espa?a) ng m~ga unang araw ng Junio ng 1882, at hind? pa halos nacapagpapahingá sa gayóng matagál na pagdaragat, sinulat na niyá ang unang artículo[12], na pinaglagdaan niya ng canyáng m~ga damdamin. Pinan~galanan niya ang artículong_ yaón ng El Amor Patrio[13], may taglay na fechang Junio ng 1882, at finirmahán niyá n~g pamagát na Laong-Laan, saca ipinadalá niyá sa Diariong Tagalog[14], at inilathálà sa pámahayagang itó ng icá 20 ng Agosto n~g 1882.
Pakinggan natin cung anó ang pasiyá n~g isáng castílà, ni D. Wenceslao E. Retana, na nagpamagát si canyáng mga ilinalathálà sa mga pámahayagan, ng Desenga?os_, tungcól sa kasulatang sinasabi co:
"Marahil ay nacainís ca canyá (cay Rizal) ang Barcelona; marahil ay nacapamanglaw at nakapágpalungcot sa canyá ang malakíng pan~gulong bayan ng Catalu?a, ng canyáng mámasid na doo'y may lubós na calayaan ang cálahatlahátang mga mith?, sa pagdidilidiling doo'y waláng mga inquisidor[15] ang ísip; datapwa't sa Maynila'y mayroon. Bagá man talastás niyáng totoong caraniwang gamit na, gayón ma'y guinawa rin ni Rizal sa isáng pananalitáng malungcót, at may hawig na isipín, nguni't halos laguing mabanayad, palibhasa'y mithi ang macatulong ng cahi't dukha n~guni't maalab na pag-anib. "Tulad sa m~ga hebreo ng una ani Rizal--na inihahandog sa templo ang m~ga unang bun~ga ng caniláng pag-ibig, camí, dito sa lupa ng iba, iaálay namin ang m~ga unang pananalita sa áming báyang nababalot ng mga alapáap at ng mga ulap n~g umaga, na hind? nagmamaliw ang cagandaha't hiwagang any? at kaligaligaya; nguni't lálò ng pinacasísinta, samantalang sa canya'y pumapanaw at lumálay?," Sa ganáng cay RizaL--ani Retana--ang Espa?a'y lupa ng iba; sa ganáng kanyá'y wala ng bayang sarili_ (pátria) cung dì ang Filipinas. Hind? sumasaísip niyà ang _maliit na bayang sarili ("pátria chica") at ang malaking báyang sarili_ ("pátria grande") na totoong caraniwan na nitong m~ga hulíng nagdaang taón; ang maliit ay ang báyan, ang lalawigan ó cung dil? cayá'y ang isáng panig: at ang malaki ay ang boong nación, samp? ng mga ibáng lupaíng nasásacop, cahi't anóng pagcalay?-láyò ang kinálalagyan. Ang malakíng bayang sarili, kung sa isáng filipinong tunay na nakikianib sa Espa?a ay wala n~g iba kung d? ang lupaíng Espa?a, na calakíp ang canyáng mga nasasacop sa cabilang ibayo n~g dagat, at ang maliit_ ay ang panig. Nguni't cay Rizal ay waláng maliit ó malaking bayang sarili_, cung d? Bayang sarili; na sa ganáng canyá'y hind? ang Calamba, hind? ang m~ga bayang ang salita'y wikang tagalog, hind? man lamang ang pul? ng Lusóng, cung d? ang capisanan n~g mga pulóng nátuclasan ni Magallanes. Hind? lamang ito: sa ganáng cay Rizal, ang Espa?a'y hind? inang bayan; ito'y marahil ay sa mestizong castílà, sa m~ga may dugóng castílà; datapwa't hind? sa táong may dugóng dalisay ng tagá casilanganan ...
"Hind? malimutan niyá, ang sariling
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.