sa pagca't sa tikís na pagamís na sa canila'y guinágawa, ipinalálagay nilang ang mga mapuput? ay panginoon nilá at siyáng sa canila'y nagmamay-ári; at ang malabis na sa canilang sarili'y pag-ibig, palibhasa'y caniláng napagkilala ang caugalian ng mga europeo at napag-unawang dahil sa capalaluang taglay ng mga ito, ay makikinabang sila cung sila'y magpakita n~g paimbabáw na pagpapacumbaba, at gayon nga ang canilang guinágawa. Caya nga't hindi kinalulugdan cahi't camunti man ng m~ga indio ang mga europeo: nangagpapacumbaba cung naháharap sa canila, nguni't pinagtatawanán silá cung nangátatalicod, linílibac ang caniláng pan~gungusap, at hindi nagpapakita ng cahit munting tanda ng paimbabáw na sa canila'y paggálang. Dahil sa hindi nataróc ng mga castila ang túnay na caisipán ng m~ga indio, samantalang napagtantong lubós n~g mga indio ang tunay na caisipan ng mga castila, ipinalálagay ni Rizal na mahina ang pag-iísip ng m~ga mapuputi cay sa canyang mga cababayan..... Nang siya'y panahong bata pa, cailan mang marírinig ó mababasa niya ang pagpapalagay ng mga mapuputi sa canyáng láhi ay napopoot, napúpun? ang canyang púso ng gálit; ngayo'y hindi na nangyayari sa canya itó; sa pagca't cung nárirín~gig niyá ang gayón ding mga pagpapalagáy, nagcacasiyá na lámang siyá sa pagngiti at isinasaalaala niya ang casabiháng francés: "_tout comprendre, c'est tout pardonner._[5]"
Ang maílab na mith? ni Rizal na mapaunlacán ang canyáng láh? ang siyáng totoong nacapag-udyóc sa canyá sa pagsusumakit sa pag-aaral hangáng sa canyáng tamuhín ang lubháng maningníng at maraming m~ga pangulong ganting pálà n~g colegio, na sino ma'y waláng nacahiguít.
Dinalá si Rizal n~g canyáng casipagan hangáng sa magsanay sa escultura[6] n~g waláng nagtutúrò.
Ng panahóng iyó'y gumawa siyá n~g isáng magandáng larawan ng Virgeng María, na ang guinamit niyá'y ang matigás na cahoy na baticulíng at ang ipinag-ukit niya'y isang caraniwang cortaplumas lámang. Nang makita ng canyáng m~ga maestrong párì ang cahan~gahangang larawang iyán ay tinanóng nilá siyá cung macagagawa namán ng isáng larawan ng mahál na púsò ni Jesús; napaoo siyá, at hind? nalaon at canyang niyárì at ibinigáy sa nagpagawa sa canyá, na totoong kinalugdan ding gaya n~g una.
Nang ica 5 ng Diciembre ng taóng 1875 ay kinathà niya at binasa sa isáng malakíng cafiestahan sa Ateneo ang isang tula, na pinuri n~g lahát, na ang pamagat ay El Embarque (_Himno á la flota de Magallanes_.)[7]
Nag-aaral siyá ng icalimáng taón ng bachillerato sa Ateneo Municipal ng cathain niyá ang isang tula na canyáng pinamagatáng: Por la educación recibe lustre la Pátria_.[8]
N~g bahagyà pa lamang tumutuntong siya sa icalabíng anim na taóng gulang ay nagtamó siyá ng títulong Bachiller en Artes_.
Nárito ang talaan ng canyáng m~ga pinag-aralan mula ng taóng 1877, at ang mga tinamó niyang calificación_:
1871-1872. Aritmética................ Sobresaliente 1872-1873. Latín unang taón.......... Sobresaliente 1872-1873. Castellano................ Sobresaliente 1872-1873. Griego.................... Sobresaliente 1873-1874. Latín, unang taón......... Sobresaliente 1873-1874. Castellano................ Sobresaliente 1873-1874. Griego.................... Sobresaliente 1873-1874. Geografía Universal....... Sobresaliente 1874-1875. Latín, tercer curso....... Sobresaliente 1874-1875. Castellano................ Sobresaliente 1874-1875. Griego.................... Sobresaliente 1874-1875. Historia Universal........ Sobresaliente 1874-1875. Historia n~g Espa?a at Filipinas............................ Sobresaliente 1874-1875. Aritmética at Algebra..... Sobresaliente 1875-1876. Retórica at Poética....... Sobresaliente 1875-1876. Francés................... Sobresaliente 1875-1876. Geometría at Trigonometría........................ Sobresaliente 1875-1876. Filosofía, unang taón..... Sobresaliente 1876-1877. Filosofía, icalawang taón................................. Sobresaliente 1876-1877. Mineralogía at Química.............................. Sobresaliente 1876-1877. Física.................... Sobresaliente 1876-1877. Botánica at Zoología...... Sobresaliente Bachiller en Artes ng 14 ng Marzo n~g 1877....................... Sobresaliente
* * * * *
Lumipat si Rizal sa Universidad ng Santo Tomás n~g Junio ng 1877, at doo'y pinag-aralan ang Cosmología metafísica, Teodicea at Historia n~g Filosofía. Pinasimulan ang pag-aaral ng Medicina (pangagamót) ng taóng 1878. Canyáng pinag-aralan sa Universidad ang Física, Química, Historia Natural, Anatomía, Disección, Fisiología, Higiene privada, Higiene pública, Patología general terapeútica, Operaciones, Patología médica, Patología quirúrgica, Obstetricia.
Ng taóng 1879 ay nagtatag ang Liceo Artístico-Literario_ sa Maynila ng isáng certamen upang bigyáng unlác ang sino mang macapagharáp ng lalong magandáng catháng prosa ó tula. Ang bumuboò n~g Jurado[9] ay pawang mga castílà. Nagharáp si Rizal n~g isáng tuláng Oda_, na ang pamagát ay A la Juventud Filipina, at bagá man maraming m~ga castílà at tagalog ang nangagsipagharáp ng canicanilang gawa, si Rizal ang nagcamít ng pangulong ganting-pálà.
Nang taóng sumunod, 1880, nagtatag na mul? ang _Liceo Artístico-Literario ring yaón n~g isa pang certamen_, bilang alaala sa caarawán ng pagcamatáy ni Cervantes. Pawang mga castílà ang bumubóò ng Jurado. Si Rizal ang nagtamó n~g pangulong gantíng-pálà, sapagca't ang catha niya'y siyang lalong magandá at mainam sa lahat ng m~ga catháng iniharáp sa certameng iyón n~g maraming mga periodistang castílà at mga bantóg na fraile sa carunungang pawang m~ga castila rin. El Consejo de los Dioses[10] ang cathang iniharáp ni Rizal, at ang tinangáp niyang pan~gulong ganting-pálà'y isang sinsíng na guint?, na larawan ni Cervantes ang tampóc. Ang castilang si Don N. del Puzo, pantás na catúlong ng m~ga mánunulat sa Diario de Manila_, ang nacacuha ng pangalawang ganting-pálà.
Ng taón ding iyóng 1880, bago pa lamang catatangap ni Rizal ng sinabi ng ganting-pálà ay náparoon siya
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.