ipinamamanglaw n~g batang si Jose Rizal ang nakita niyáng pag-amis sa catwiran ng canyang m~ga caláhì ay lalo ng dinaramdam niyá, ang mga sabihanan n~g mga fraileng madalás niyang marinig sa Ateneo Municipal na di umano'y mataas ang caisipan n~g táong culay maputi cay sa táong culay caymanguí, madiláw, abóabó ó maitím, bagay na pinagpilitan niyáng siyasatin mula noon, cung totoo n~ga, sapagca't inaacála niyáng lihís sa catowiran ang gayóng pagpapalagáy. Napagtalastas n~g madla ang ganitóng paghahacahácà ni Jose Rizal, dahil sa isáng casulatang inilathalà n~g pantás na si Herr Ferdinand Blumentritt sa icasampung tomo ng Internationales Archiv fiur Ethnographie, ng 1897, na ganitó ang saysay:
"Sinabi ni Rizal, na maliit pa siya'y malaki n~g totoo ang canyang pagdaramdam, dahil sa nakikita niyang sa canya'y pagpapawalang halagá ng m~ga castilà, dáhil lámang sa siya'y indio_[2] Magbuhat niyao'y pinagsicapan niyang pacasiyasatin cung alín ang catwíran ó cadahilanang pinagsasandigan ng m~ga castila at n~g lahat n~g mga táong may mapuputing balát upang ipalagáy nilang sila'y matatáas ang ísip cay sa mga táong cawangis din nila ang any?, at taglay ang cáya upang dumúnong at magtamó n~g capangyarihang gaya rin nilá.
"Ipinalálagay ng m~ga tagá Europang silá ang pan~ginoon ng bóong daigdig: sa acalà nila'y silá ang tanging nagtataglay ng pagsúlong sa dúnong at sa mga magagandang caugalian, at silá lamang ang tángì at dalisay na liping homo sapiens,[3] samantalang ipinalálagay nilang ang m~ga ibang lahi ay mababa ang pagiísip, ang guinagamit na wica'y dukha at walang caya upang macuha ang dunong ng mga taga Europa, ano pa't ang m~ga lahing may culay caymangui, itím, diláw ó abo-abó ay isá sa pascacaiba't ibang any? ng homo brutus._[4]
"Nang magcágayo'y itinátanong ni Rizal sa sarili; ?totoo n~ga caya ang m~ga pinatitibayan nilang ito? Ang tanóng na ito ang totoong laguing sumasaísip niya mula pa sa panahong siya'y nag-aaral, at di lamang sa canya cung di naman sa mga cápowà niyáng nag-aaral na mga taga Europa. Hindi nalao't canyang nápagmasid sa colegio na walang pinagcacaibhan ng pag-iisip n~g isa't isá, [sa macatowid baga'y ng pag-iisip ng táong maputi ang balát at ng táong caymangui.] Caraniwang lubha ang pagcacápantay ng m~ga puti at n~g m~ga indio:_ sa isa't isang panig ay may nakikitang m~ga tamád at masisipag, mápag-sákit sa pag-aaral at matamarin sa pag-aaral, matálas ang pag-iísip at mapuról ang pag-iísip; sa cawacasan ... wala siyang nakikitang ikinahíhiguit ng mga mapuputíng nag-aaral at gayon din ng m~ga may cúlay caymangui. Pinagsiyasat niya ang mga dunong na nauucol sa m~ga láhi; natotowa siyá pagca nangyayaring dahil sa isang paláisipang may cahirapang ibiníbigay n~g profesor ay hind? mátuclasang gawín ng canyang mga casamahang mapuput?, at sila'y nan~gagsisilapit sa canyá upang canyáng gawín cung papaano. Canyang pinagdidilidili at itinututol ang lahat n~g itó, hindi dáhil sa isáng pagtatagumpay niyang sarili, cung di dahil sa isáng pagtatagumpay n~g canyáng mga cababayan. Dahil dito'y sa colegio nga nagpasimula ang canyáng paniniwálang nagcácapantay ang ísip at cáya ng mga europeo at ng m~ga indio sa paggawa n~g ano mang bagay. At sa lahat ng ito'y napagtalacayan niyang magcacapantay ang catutubong isip n~g europeo at n~g indio.
"Ang unang pinacabúnga ng napagtalacayang itó ay ang pagcapagbalac ni Rizal, na cung mapag-unawa sana ng canyang mga cababayan, na cawangis ng canyáng pagcaunawa, ang pagcacapantaypantay na iyan, ito'y maguiguing isang paraan upang maipailanglang ang dunong ng mga filipino. Dumatíng siya sa paniniwalang matáas ang pag-iisip sa pag-aaral ng m~ga tagalog cay sa m~ga castila (ang iláng mga castilang n~g panahóng yao'y canyáng nakilala;) at canyáng sinsasabi n~g boong galác ang cadahilana't dumatíng siyá sa ganitong paniniwala. Sa ganito'y canyáng sinasabi:--Sa m~ga colegio sa amin ay isinásaysay na lahát sa wicang castila, catutubong wica ng mga castila, at wicang hindi namin kilalá; caya nga't dahil dito'y kinakailangan naming magpumilit ng higuit cay sa canilá sa pagpiga ng pag-iísip, upang maunawà at maisaysáy ang isang bágay: at sa pagca't gaya n~ga ng sinabi co na, na walang nakikitang ipinagcacaibang anó man ng mga castilà at n~g m~ga indio sa mga colegio, at yamang gayo'y matáas ang pag-iísip namin cay sa canilá.--May pagmamasid pa siyáng guinawa, na sa canyá'y nagdagdag ng pag-aalinlangan sa dating tagláy na niyá, tungcol sa cataasan ng pag-iísip n~g mga castila. Guinawa niya ang pagmamasíd, tungcol sa inaacála ng mga castilang silá'y may carapatán sa lalong malalakíng paggalang at pagpapacumbaba ng mga indio, sapagca't naniniwála ang mga itóng ang mga mapuputì, dahil lamang sa sila'y maputi, ay pawang ipinan~ganác sa isáng lúpang lalong magalíng cay sa lúpa ng m~ga indio. Napagtanto ng panahóng iyón ni Rizal, na ang paggalang at pagpapacumbabang iyón ng m~ga indio_ sa castila--sa pagca't siyang itinuro ng m~ga castila sa mga indio--ay hindi lamang dahil sa ipinalálagay na pawang galing sila sa láhing matáas, cung di sa pagca't isang paraan upang maicublí ang tacot at ang malabis na pag-ibig sa sariling catawán. Ang tacot,
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.