峘
Buhay at Mga Ginawa ni Dr. Jose Rizal, by
Pascual H. Poblete This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.org
Title: Buhay at Mga Ginawa ni Dr. Jose Rizal
Author: Pascual H. Poblete
Release Date: April 29, 2006 [EBook #18282]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK BUHAY AT MGA GINAWA ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and the Online Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net Special thanks to Elmer Nocheseda for providing the material for this project. Para sa pagpapahalaga ng Panitikang Pilipino.
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g. This work forms part of the Tagalog translation of Noli Me Tangere (1909) by Pascual Poblete which is being presented separately in this edition.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit. Ang kathang ito ni Pascual Poblete ay pasimula sa isinalin na Noli Me Tangere (1909) sa Tagalog na ibinukod sa edisyong ito.]
BUHAY AT M~GA GINAW?
NI
DR. JOSé RIZAL
NA SINULAT
NI
PASCUAL H. POBLETE
José Protasio Rizal Mercado
Maicling casaysan nang canyang buhay
Ipinanganac si Gat Jose Protasio Rizal Mercado, sa báyan ng Calamba, sacóp ng lalawigang Laguna, n~g ikalabing siyam n~g Junio ng taóng sanglibo walóng dáan animnapo't isá.
Si G. Francisco Rizal Mercado ang canyáng amá at si G. Teodora Alonso at Quintos ang canyáng iná.
Ipinanganac si G. Francisco Rizal Mercado at Alejandra ng taóng 1811, sa Binyáng, Laguna, at namatáy sa Maynila ng ica 5 ng Enero ng 1898, at si G. Teodora Alonso ay ipinan~ganac sa Meisic, sacóp ng Tundó, Maynila, ng taóng 1825 at nabubuhay hanga n~gayón (8 ng Junio ng 1909). Si G. Francisco Mercado ay nag-aral at marunong ng wicang castila at wicang latín, at si G. Teodora Alonso ay nag-aral sa colegio ng Santa Rosa at marunong ng wicang castila.
Ang naguíng mga anác ng mag-asawang ito'y si na guinoong Saturnina, Paciano, Narcisa, Olimpia, Lucía, María, Concepción, Jose, Josefa, Trinidad at Soledad.
Bininyagan si Jose Rizal ng araw ng sábado, icadalawampo't dalawa ng Junio ng 1861. Si G. Rufino Collantes, páring clérigo at cura-párroco sa bayang Calamba ang sa canyá'y nagbinyag, at si G. Pedro Casa?as, páring clérigo at tub? sa Calamba, ang sa canyá'y nag-anác sa binyág. Capowa namatáy na ang dalawang páring itó.
Pinangalanang Jose, dahil sa ang iná ng Doctor Rizal ay namimintacasi sa Patriarca San José, at ang pangalawang pangalang Protasio ay dahil sa caarawán n~g Santong itó, alinsunod sa calendario, ng siyá'y ipanganác.
Hindi dating tagláy ng amá at n~g m~ga capatíd n~g amá ng ating Doctor ang apellidong Rizal. Pinasimulaang guinamit ang apellidong Rizal n~g mag-aral ang batang si Jose, upang siyá'y macaligtas sa mahigpit na pag uusig ng m~ga fraile sa mga nag-aapellidong Mercado.
Wicang castila ang apellidong Rizal, na ang cahulugán sa wicang tagalog ay ang muling pag-supang ó pag-ulbós n~g pinutol na halaman ó damó. May isá pang cahulugán; ang lupang may pananím na anó mang damóng pacain sa m~ga háyop.
Pagdatíng sa icatlóng taón ng gulang ng musmós na si Jose Rizal ay tinuruan na siyá ng canyáng amá't iná n~g pagbasa. Napagkilala ng madla ang cagalingan niyáng tumula ng wawalóng taón pa lamang ang canyáng gulang, dahil sa isáng marikít na tuláng canyáng kinat-hà, na tinakhán ng lahát n~g mga manunulang tagalog sa lalawigang Silan~gan.[1]
[Larawan: =G. Francisco Rizal Mercado= Ama ng Dr. Jose Rizal. Imp de M. Fernández, Paz 447, Sta. Cruz.]
Sa pagcakilala ng amá't iná ni Jose Rizal n~g catalasan ng isip at malaking hilig n~g caniláng anác na itó sa pag-aaral, caniláng dinalá siya sa Maynila, itinirá sa isang bahay sa daang Cabildo, loob n~g Maynila; at ipinasoc n~g taóng 1871 sa Ateneo Municipal, na pinangangasiwaan n~g mga páring jesuita.
Nakilala ni Jose Rizal sa bahay ni pari Burgos si na pare Dandan, Lara at Mendoza na pawang dinakip at ipinatapon sa Marianas n~g gobierno n~g Espa?a, at gayon din si parì Gomez at si pari Zamora, na ipinabitay n~g Gobierno ring iyong casama si párì Burgos, na ang naguing sangcala'y ang panghihimagsic ng mga manggagawa sa Arsenal ng Tan~guay n~g 1872. Sumasabudhì n~g madla ang mga calupitáng dito'y guinágawa ng mga panahóng iyón. Ipinabilángo, ipinatapon ó ipinabitay bawa't filipinong numiningning dahil sa tálas n~g isip at sa pagsasangalang sa mga catwiran n~g lupang kináguisnan. Ang mga nangyaring itó'y nalimbag sa damdamin n~g batang si Jose Rizal.
Lumipat itó ng pagtirá sa Ateneo Municipal at ng naroon na'y tila mandín lálo pang náragdagan ang canyáng sipag sa pag-aaral at cabaitang puspós ng ugalì. Ang naguing maestro niyá'y ang mga jesuitang si parì Cándido Bech at si parì Francisco Sánchez.
Cung
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.