Búhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia | Page 8

Not Available
halos ang hinin~ga di na magca uli at humihin~gal
na.
Nalugmoc sa lupa sa laqui nang pagod halos ang hinin~ga niya,i,
nan~gan~gapós, sapagca lugami sumilid sa loob ¡Jesús co! ang uica
ilayo sa tucsos.
Itong uicang Jesús nang canyang masambit nasaulang loob luminao
ang isip, sampong catacuta,i, napaui,t, naalis pinto nang libin~gan ay
canyang nabatid.
Nag labas na siya at nag patuluyan tinun~go ang dating bahay na

urun~gan, nang quinabucasan canyang naisipan umalis na roon sa
reinong Portugal.
At noui nang muli sa Visadang villa ang amá,t, ang iná,i, dadalauing
sadyá, ano,i, nang dumating sabihin pa baga ang toua nang loob nang
magulang niya.
Ang uica n~g iná,i, salamat sa iyo lubhang malaqui na man~ga
pag-guilio co, comusta ang búhay ¿oh bunsóng anác co? at saan
nagbuhat pagdating mong ito.
Sagót na tinuran iná co,t, magulang pinangalin~gan co,i, ang reinong
Portugal, cusang naparito,t, cayo,i, dinadalao cabuhayan ninyo,i, ibig
cong maalman.
Lubós yaring toua n~g puso,t, loob co di mo linilimot caming
magulang mo, cacasihin ca rin n~g Poong si Cristo pamamanahin ca
ligaya sa mundo.
Dapua,t, ang iyong minumutyáng amá mulá nang gumaling ang saquít
na dalá, pumirme na rito,t, di umaalis pa cataua,i, mahina,t, di para
nang una.
Ang sagót ni Juan ano pong gagauin diyata,i, cun siyang caloob sa atin,
tibayan ang puso,t, tumauag dalan~gin sa Dios at tayo,i, caaauaan din.
Lumapit sa amá,t, humalíc sa camáy at saca nag-uicang ito ang tinuran,
calagayan ninyo,i, houag ipamanglao tiisin ang hirap Dios ang may
bigáy.
Cahima,t, mahina ang catauan ninyo at cayo po amá,i, di macatrabajo,
dumalan~gin lamang tayo po cay Cristo hindi mauauala ang aua,t,
saclolo.
Ang cacanin ninyo sa gabi at arao amá po ay cayo,i, aquing padadalhán,
caya po naalis nag hahanap buhay maisustento co sa man~ga
magulang.

Di lubhang nalauon doon sa canila siya,i, napaalam sa amá,t, sa iná,
aalis na muli,t, ang nasa co,t, tica ang tutun~guhin co,i, reino nang
España.
Lumuhód sa harap n~g canyang magulang bendición po ninyo aco,i,
pabauonan, ang camáy nang amá,i, iguinauad naman pinahalíc niya at
benendicionan.
At saca sa iná ay siya,i, lumapit hinaguíp ang camáy at tuloy humalíc,
benendicionan di,t, ang uicang sinambit ang paroronan mo naua ay
masapit.
Naglagos na siya,t, tinun~go pagdaca ang talagang nasang reino nang
España, nang dumating doon nagpapasial siya ang loob nang reino,i,
linilibot niya.
Naglilibang siya sa man~ga tindahan at umaamistad sa canino pa man,
palibhasa,i, bagong cararating lamang humahanap siya tutuluyang
bahay.
Ang ugaling dati capagcaraca na cun sa ibang lugar naroroon siya,
dating catamara,i, linilisan muna maalam sumuyo,t, loob ay maganda.
Cun paquiusapan nang alin ma,t, sino tungcól sa anoman na cayang
trabajo, loob ay malinis sa capoua tauo madaling cumita man~ga
amistado.
Di humabang arao pagcatahan niya sa Españang reino,i, may caquilala
na, doon na tumuloy at naguing casera sa arao at gabi ay urun~gang
sadyá.
Ang caserang yao,i, may binatang anác na casama-sama ay ni Juan
Tamad, sa loob nang reino ay pahicap hicap casayahang madla,i, siyang
minamalas.
Cun matapos silang macapag pasial na ooui sa bahay magcasamang
dalua, caibigang ito,i, tantong nagtatacá at di mapacain doon sa canilá.

At sa encantadong bató niyang in~gat laguing humihin~gi pagdating
nang oras, cagagauang ito,i, lihim at di hayág ni sinoma,i, uala na
nacatatatap.
Pumucao sa loob at naala-ala baca nagugutom ang magulang niya,
humin~gi sa bató niyang encantada dalhan nang cacanin ang amá at
iná.
Guinanap pagdaca na hindi naliban n~g oras na yaon man~ga
cahin~gian, natoua ang loob nang canyang magulang sila,i, may
cacanin sa gabi at arao.
At natatanto na n~g magulang niya ang bigas na yao,i, sa anác na dalá,
hindi lamang batid nila,t, natataya anác ay mayroong batóng encantada.
Ang magcaibiga,i, muling sabihin co sa umaga,t, hapon sila ay paseo,
Tamad na si Jua,i, bihasang totoo na ualang trabajo mulang maguing
tauo.
Doon sa canilang man~ga pagsasama nalilibot nila loob nang España,
capag may naranang dalagang maganda ang uica cay Juan ay ibiguin
mo na.
Isasagót nama,i, ang bagay na iyan uala sa loob co,t, di pa
gunam-gunam, ang pagparito co sa Españang bayan di iyan ang hanap
cundi caibigan.
Mana,i, isang arao naparaan sila sa tapat n~g torre n~g bunying
princesa na na sa bintana,t, sila,i, naquiquita ang pinagmamasdan ay
silang dalaua.
Natin~gala naman ni Jua,t, namalas n~ginibitan niya,t, sinusuliap
suliap, princesa Leonila ay napahalac-hac natoua sa anyong nan~gibit
nasuliap.
Ani Juan Tamad ay tingni amigo nataua sa aqui,t, na-iibig aco, tumiguil
na cusa titingna,t, tutun~gó toua nang princesa ay di mamagcano.

Uica nang princesa sa canilang dalua hayo,t, magpatuloy na cayo,i,
malis na sa catouaan co,i, ang aquing hinin~ga nan~gan~gapós halos di
na macataua.
Nalis na n~ga sila na nag madalian at noui na naman sa canilang bahay,
magmula na noon bagama,t, napasial di napaparoon cundi noon
lamang.
Di naman nalauo,t, ang bunying princesa loob ay pumanglao at nagca
balisa, hindi magca uasto loob ala-ala catauan
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 20
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.