ay hindi capara nang
una.
Misterio nang Dios na sucat pagtac-han princesa Leonila,i, nag laman
ang tiyan, ang loob at puso ay di mapalagay sa dagsang sacuna na
cahambal hambal.
Puso,i, nalugami at tatan~gis-tan~gis sa dalauang matá luha,i,
nabalisbis, ang loob ay guló puputoc ang dibdib sa di maulatang signos
na sinapit.
Di icacatulog sa gabi at arao at pinapanimdim ang cahihinatnan, baquit
caya baga yaring capalaran palad na quiquitil nang tan~gan cong
búhay.
Hindi co malirip ang bagay na ito cun ano,t, sinapit nang imbing palad
co, ualang masasabi cahiman at anó cundi ito,i, signos nitong catauan
co.
Paano ang aquin n~gayong calagayan puri co,i, uala na anong
casaysayan, ang libác at pula nang tauo,i, cacamtan di ano pang aquin
na capapacanan.
Icao catauan co caya ay paano n~gayo,i, saan caya aco patutun~go,
mabuhay man baga ang tauo sa mundo cun uala nang puri parang
gamó-gamó.
Ang lalong matinding inaala-ala di co icacain sa toui toui na, cun ito,i,
maalman n~g hari at reina na amá,t, iná co,i, magcacamit dusa.
Sa mundo,i, uala na,t, para cong pinatáy ang nagcalauin~ging
pinagcautan~gan, nasira ang puri,t, parang pinugayan cun matanto ito,i,
capalít ang búhay.
Himalá nang Dios na bigay sa aquin signos co na yata at planetang
linsil, ualang naaalmang daang maguing dahil nang sacunang itong
aquing nararating.
At sa torreng ito,i, mulá nang matira aco,i, ualang sucat gá masasabi na,
cundan~gan n~ga yata signos co,t, planeta caloob sa aquin nang Dios
na Amá.
Cundi noong minsang mamintana aco taóng nagdaraan ang dalua
catauo, isa,i, tumin~galá at naquita aco tumaua,t, n~gumibit ay natoua
aco.
Dili co mataróc matapos isipin ang nangyaring yao,i, sumasapanimdim,
diua ay yaon n~ga,i, siyang naguing dahil pinagmulán nitong sacuna,t,
hilahil.
Dios na Poong co,t, Pan~ginoong Amá calarahin aco,t, iyong ipag-adyá,
sinapit cong ito,i, malaquing pan~gambá titiisin co po cun iyong talagá.
¡Oh Vírgen Maríang Ináng masaclolo! patnubayi aco at ipagtangól mo,
sacuna,t, lingatong niyaring catauan co matiis co rin po,t, ilayó sa
tucsó.
Aco man ay ualang inaala ala sucat pagbayaran na guinauang sala, cun
ito,i, maalman nang hari cong amá buhay co,i, peligro,t, cacamtan co,i,
dusa.
Maguing limang buan itong nacaraan ang bunying princesang tiguib
hapis lumbay, di niya maisip damdam nang catauan cabuntisan niya,i,
halata nang tunay.
Yaong si D. Feliz hari niyang amá at ang reina Inés na casi,t, esposa,
pumanhic sa torre at vinivisita ang canilang anác princesa Leonila.
Ano,i, nang dumating sa torreng tahanan ang hari,t, ang reina,i, tantong
napamaang, cun baquin anila,t, ang princesang mahal di sumasalubong
sa aming pagdatal.
Princesa Leonila,i, hindi macaharap sa amá,t, sa iná matá,i, di isuliáp,
ang tacot at hiya ang dumadagabdab sa dibdib at puso ay hindi
maagnas.
Nang oras ding yao,i, nahalata nila yaong cabuntisán n~g bunying
princesa, naboual sa tindig pareho ang dalua naualan nang loob isip
ala-ala.
Nang mahimasmasang pag saulang isip ang hari,t, ang reina
buman~go,t, nagtindig, ang uica nang amá ¿oh anác cong ibig? ano,t,
gumaua ca nang hindi matouid.
Reinang iná niya nama,i, ang uinica ¿oh anác cong sintang sa puso co,i,
mutyá? baquin baga icao ay nag pacasira puri,i, sinayang mo,t,
uinalang bahala.
Di muna linin~gón caming namuhunan nagcandi candili,t, nag pala
palayao, guinugol ang puyat at malaquing pagál saca ang ganti mo,i,
laso,t, camatayan.
Acong nag aruga,t, nag pasupasuso nagtiis nang hirap sapol pagcatauo,
di mo na dinamdam inala-ala mo puri,i, inin~gatan tiquis cang naglilo.
Macetas ca nami,t, sa matáng aliuan camuc-ha ay rosas sadyáng
caban~guhan, man~ga loob namin at dinadampiohan anomang sacuna,i
lunas ca at cordial.
Saca n~gayo,i, ito ang ganti mo,t, bayad tubo,t, paquinabang sa pagál at
puyat, palamara,t, tacsil anác na dulin~gás anác na souail campón ni
satanás.
Ang bunying princesa,i, naluhod pagdaca na bumabalisbis ang lúha sa
matá, mahal na iná co aco,i, natalaga cabit yaríng búhay n~gayon ay
quitlin na.
Iná,i, pag hinaho,t, sandaling paquin~gan ang ilang catagang sa inyo,i,
tuturan, marapat n~gang aco,i, inyong paratan~gan parusa,i, ilagdá at
may casalanan.
Mahal na iná co ay signos co yata at palad na lihis bucod sa capoua,
ualang nasasabi diua ay himalá n~g Dios na Hari nang Lan~git at lupa.
Unauain ninyo mahal na iná co pinagmulan nitong pagcacaganito,
noong isang arao nanunun~gao aco taóng may nadaan na dalua catauo.
Natin~gala aco,t, nagpanamang titig aco,i, tinauana,t, sa aqui,i,
n~gumibit, di co napiguilan natouang masaquit sa naquitang anyong
anaqui bolislis.
Magmulá na noon ay nagca balisa sa aquing cataua,i, may nababago na,
ito n~ga po iná aquing naguing hanga ualang uala acong masasabing
ibá.
Diua,i, ito,i, signos at planetang linsil na bigay nang Dios caloob sa
aquin, tinatangap co po,t, aquing titiisin sampong yaring búhay ay
inihahayin.
Narin~gig na ninyo mahal na iná co Dios ma,i, sacsihi,i, totoong totoo,
lahat cong casama ay tanon~gin ninyo cun may masasabi cahiman at
sino.
Sa sinabing yaon n~g bunying princesa ang mahal na hari,t, ang mahal
na reina, hindi umiimic linilining
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.