cang malungcot.
Man~ga calumbayan ni Sofiang sinta nang matanto yaong sabi nang
asaua, nasaulang muli para nang dati ca anác niya lamang siyang
ala-ala.
N~gayo,i, sanglingo nang nacaalis dito di pa bumabalic na guilio na
aco, saan cayang lugar yaon napatun~go baquin di hanapin sintang
asaua co.
Ang sagót ni Fabio,i, houag cang manimdim cun hindi narating aquing
hahanapin, di baga,i, nang malis paalam sa atin mag hahanap búhay
cacainin natin.
Totoo n~ga yaon sangayonan quita mag hahanap búhay nang paalam
siya, una,i, ang pag guilio saca ang isa pa maalman ang bigas cun saan
quinuha.
Hindi na natuloy si Fabio,i, naghanap cagyát sa darating ang canilang
anác, nan~gag comustahan saca siniyasat cun sinong nagdala daluang
sacong bigas.
Aco po ang sagót mahal na iná co ang siyang nag utos nag padala rito,
at ala-ala co,i, magugutom cayo pinag hanapan po ang ibinili co.
Anác co,i, cun caya hindi mapalagay loob co,i, palagui na may
gunamgunam, at hindi mauala pag aalinlan~gan pinag mulan nito,i,
ibig cong maalman.
Diyata,i, cun gayong pinag hanapan mo malaqui ang toua nang puso,t,
loob co, anong colocacion tanong co sa iyo ang pinapasucan ay anong
trabajo.
Iná po,i, bala na na nacacayanan na iniuupa nang sino,t, alin man,
pinapasucan co,t, macaquita lamang maiisustento sa man~ga magulang.
Sa iyong tinuran oh bunsó cong sinta tinangap cong toua,i, ualang
macapara, caming nag aruga,i, inaala-ala cacasihin ca rin nang Dios na
Amá.
Aalis na muli,t, ang pag hahanap co iná,i, matitiguil cun tumahan dito,
pinuntahan niya,i, Portugal ding reino,t, marami na roon siyang
amistado.
Ito,i, sabi lamang sa canyang magulang na siya ay doo,i, mag hahanap
buhay, bago,i, ualang gaua cung hindi mag pasial sa man~ga amistad
naquiqui paglibang.
Cun caya marami siyang caquilala dahil sa ugaling ipinaquiquita,
sinomang mag utos sinusunod niya houag lamang hindi niya nacacaya.
Cun siya,i, pacanin nang alin ma,t, sino ay hindi cumai,t, ayao na totoo,
uiuicain nila,i, icao ay paano panagót na lamang ay busóg pa aco.
Siya ay mayroong naguing caibigan na casama sama sa gabi at arao,
saan man paroo,i, di naghihiualay parang magcapatid ang
pagsasamahan.
Caibigang ito,i, taga Babilonia capoua binatang pareho ang dalua, caya
naroroo,i, layás sa canila ang sabi,t, pahayag tumampo sa amá.
Mana,i, isang arao sila,i, may naranan na maraming tauo,t, mayroong
baysanan, sila ay pumanhic ibig na matingnan ang novio at novia na
bagong quinasal.
Palibhasa,i, dati at caugalian na tungcól casam ento ay mayroong boda,
ang nan~garoroon ay niyaya sila at pinacacain magcasamang dalua.
N~gala,i, Feliciano niyong caibigan pagdaca,i, dumulóg na cumain
naman, si Juan ay hindi,t, totoong naayao siya rao ay busóg ang sagót
sa tanan.
At nang macacain ay napaalam na sila,i, nag pupulong sa paglacad nila,
ani Feliciano aco,i, nag tatacá caibigang Juan cung baquit gayon ca.
Umaga,t, tanghali maguing sa hapunan di co naquiquita na cumain icao,
icao baga,i, santong ualang cagutuman sa iyo ay aco,i, nag
cacamamanghan.
Caibigang Sanoy aco,i, hindi santo naguing ugali na capagca bata co,
pagdating nang oras ang guinagaua co iinom nang tubig ay busóg na
aco.
¡Jesús! ang uinica niyong caibigan namamaang aco sa iyong tinuran,
¿sino caya baga sa mundong ibabao sa tubig na lamang tauo,i,
mabubuhay?
Ang sagót ni Juan aco n~ga amigo sa pag inom lamang nabubuhay aco,
magaling pa icao ani Feliciano ualang cagastahan at daig mo aco.
Bago,i, hindi gayo,t, ang paraan niya cusang nahiualay sa canyang
casama, at sa batóng in~gat niyang encantada doon humihin~gi nang
pagcain niya.
Hahanap nang lugar mabuting tayuan na uala sinomang sucat
macamalay, at cun matapos na,i, babalic na naman sa cay Felicianong
canyang caibigan.
Ganitong palagui guinagaua niya hindi natatanto nang canyang casama,
sa laqui nang hili siya ay gumaya nainom na lamang cung nagugutom
na.
Ang quinahinatna,i, siya,i, nagcasaquit cataua,i, humina,t, naratay sa
baníg, sa canya ay uala sinomang nalapit na tumin~gin baga at mag
malasaquit.
Sa bahay na canya na tinutuluyan hindi naman siya pinaquiquialman,
maliban cay Juang canyang caibigan ang napaparoo,t, siya,i, dinadalao.
Ang saquit na yao,i, iquinamatáy na sa mundo,i, pumanao ang canyang
hinin~ga, mapanaghiliin ay di sucat palá at di cagalin~gan ang
naguiguing bun~ga.
At nang mamatáy na ay uala sino man na tauong nalapit bilang
maquialam, palibhasa,i, uala na camag-anacan maliban cay Juang
canyang caibigan.
Pinasán ni Juan bangcáy ay dinalá yaong cementerio ay tinun~go niya,
at pagdating doon ay humucay siya inabot nang dilím di nalilibing pa.
Nang oras na yaon ay may cadilimán linapitan siya,t, pinag sungabanan,
sa laqui nang canyang man~ga catacutan nag tacbo pagdaca,t, bangcáy
ay iniuan.
Naualan nang loob isip ala-ala sigla nang malaquing catacutang dala,
palibhasa,i, dilím ay hindi maquita pinto nang libin~gan na lalabsan
niya.
Cun caya malaqui dalang catacutan na sa loob niya,t, laguing gunam
gunam, sumungab sa canyang marami,t, cabanan ay man~ga caloloua
nang naroong patáy.
Ang boong acala,i, na sa huli niya cabang nag sisungab hinahabol siya,
sa quinatatacbo,i,
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.