Búhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia | Page 6

Not Available
casi,t, esposo,i, quinagugutuman,
hindi natatanto,i, ilinutong minsan ang m~ga bitoo,i, balat ualang
laman.

Hinan~go sa palloc niyong maluto na saca pa naalman~g man~ga balat
pala, ang uica sa anác ay cun baquin baga man~ga ualang laman ano,t,
nanglimot ca.
Sa dalauang matá luha,i, bumalisbis nalumbay ang loob at siya,i,
tuman~gis, boong acala co at lulan nang dibdib may ma-iuulam ang
esposong ibig.
¡Ay! baquit ca caya naman nagca gayon pumulot nang balat na sa
tauong tapon, sa tubiga,i, di ca palá nag tutuloy bitoong marami doon
naroroon.
Hindi na tumutol sa uica nang iná nag balic na muli na nag madali na,
tumauid nang ilog at hinanap niya ang quinalalagyan bitoong lahat na.
Natagpuan niya yaong caramihan nanglimot na siya,t, lagay na sisidlan,
ano,i, nang mapuno,i, umoui na naman at ang ala ala iná,i, nag-iintay.
Natoua ang loob nang siya,i, dumating ang uica,i, ito n~ga bitoong
magaling, linuto pagdaca,t, caniyang inihayin sa sintang asaua ay
ipinacain.
Sa aua nang Dios at Vírgen María niyong macacain nag tamóng
guinhaua, inulit cay Juan niyong canyang iná baquit sa primero,i, balat
ang dinala.
Ang cay Juang Tamad na ipinag turing iná po,i, di baga yao,i, bitoo rin
di ninyo sinabi at ipinalining bitoong may lama,i, siya cong cucunin.
Ang uica sa canya,i, icao pala naman di naquiquilala bitoong may
laman, lumuti,t, may taquip iyong tatandaan cun icao ay aquing muling
pag utusan.
Cayo po ang tacsil ina,t, hindi aco di liniliuanag cun mag utos cayo, di
dapat sisihin acong anác ninyo ualang casalanan at na sasa inyo.
Sa ganitong pulong at pag uusapan asauang may damdam naquiquinig
naman, nag uica,t, sinabi na may catouiran esposa cong sinta ang anác

tang iyan.
Sagót ni Sofia sa casi,t, esposo sa anác tang iya,i, nag tataca aco, di
naman marunong at ualang estudio cun baquit maalam parang abogado.
Tingnan mo esposo,t, aquing sasabihin nang na sasa pulóng aquing
cacaonin, sulat na cartilla,i, sinaysay sa aquin tanang significa ay
ipinalining.
Di sucat mamangha ang puso mo,t, loob sa canitang anác maalam at
talós, pag quinacasihan niyong Poong Dios daig pa n~ga,t, talo ang
nan~gag estudios.
Salamat sa Dios ang uica nang amá at di man nag aral may sinimpang
ciencia, cahimanauari ay ituto siya sa capayapaan na toua,t, ligaya.
Sa usapang yaon nang canyang magulang hindi umiimic cahit caputoc
man, anopa,t, ang puso,i, tumatangap naman nang galac na toua ayon
sa sinaysay.
Ano,i, nang matapos ang canilang pulong sa amá,t, sa iná ang uica ay
gayon, man~ga loob ninyo,i, houag malingatong at mag hahanap na
mag pamula n~gayon.
Maguing ilang arao siya ay nalis na reino nang Portugal ang canyang
pinunta, ang nasa nang loob at ticang talaga balang hanap buhay
papasucan niya.
Nang dumating doo,i, di rin nag hahanap uala siyang gaua cun hindi
humicap, ang pagcain niya ay sa batóng in~gat doon humihin~gi pag
dating nang oras.
Sa lugar na ualang sucat macaquita siya,i, paroroon bato,i, tatangnan na,
saca sasabihing daling mag handa ca n~g comida,t, aco ay nagugutom
na.
At pagcacatapos siya,i, macacain ang uica sa bató,i, madaling ligpitin,
inaala ala ay baca malining nang capoua tauo na sino ma,t, alin.

Nang maguing sanglingo itong nacaraan pagca tahan niya sa reinong
Portugal, isang hating gabi,i, na catahimican batóng encantado,i,
quinuha,t, tinangnan.
At sinabi niyang icao aquing bató na bigay sa aquin matandang Nuno
co, daluang sacong bigas sa ami,i, dalhin mo para cacainin nang amá,t,
iná co.
Gayon ang pan~gulam ay iyong samahan sundin mong madali,t, huag
cang magculang, nang oras na yaon agad naganapan sinunod nang
batóng canyang casangcapan.
Ano,i, nang maguising ang amá at iná daluang sacong bigas naquita
pagdaca, sa guitna nang bahay at may casama pa na isda at ulam loob
ay nag taca.
Ináng si Sofia ay agad namanglao malaquing totoo dalang
gunamgunam, ang esposong sinta,i, canyang tinauagan aco ang uinica,i,
hindi mapalagay.
Ito,i, saan galing na bigas na ito taglay cong pangamba,i, malaquing
totoo, baca ito,i, dala nang anác tang bunso pinagmulan nito ay ala-ala
co.
Ang paquiramdam co cataua,i, malambót hangan di co ito matanto,t,
matalós, asaua cong sinta sa gusto co,i, sunod nang di alinlan~gan ang
puso co,t, loob.
Icao ay umoui,t, pumasoc sa reino ang man~ga tindaha,i, pauang
libutin mo, na cun may nangyaring anoman at ano hindi masasarhan
ang bibig nang tauo.
Sa sintang esposa si Fabio,i, sumunod umoui sa reino at nag libot libot,
siya ma,i, may roon na dala ring tacot na hindi mauala pan~gambá
nang loob.
Nang ualang maquitang man~ga capulun~gan ni balitang hugong
tungcol sa nacauan, cun dito,i, may roong tindahang naualan hindi

malilihim pilit maaalman.
Lumagay ang loob umahon na siya sa Visadang villa tumun~go
pagdaca, ano,i, nang dumating bati ni Sofia ano ang lacad mo n~gayo,i,
magsabi ca.
Ang sagót ni Fabio esposa cong irog ang bagay na yao,i, ualin mo sa
loob, lahat nang tindahan ay aquing nalibot ualang nanaualan houag
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 20
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.