Búhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia | Page 5

Not Available
po,i, malaqui tinangap cong toua tinatatap ninyo calagayang abá,
maraming salamat Dios ang mag pala pagcalooban din tayo nang
biyaya.
Sa matandang sagót dito sa cay Juan pagtahan mo dito,i, nag-iisa
lamang, icao,i, bibigyan co,t, pagcacalooban isang batóng munting
perlas ang cabagay.
Iniabot niya cay Juan ang bató at pinag bilinang ang uica,i, ganito,
pacaiin~gatan at mamahalin mo houag masasabi sa alin ma,t, sino.
At ang batóng iya,i, ang virtud na dala anomang hin~gin mo,i, agad
bibigyan ca, pacamamahali,t, in~gatan mo siya houag masasabi sa ama
mo,t, iná.
Tumangap nang touang hindi ano lamang pag papasalamat niya,i,
ualang hangan, nuno po,i, sa inyong caloob at bigay ano cayang aquing
igaganti naman.
Sagót nang matanda,i, houag cang manimdim at anoma,i, houag may
alalahanin, anopa,t, ang aquing muli,t, muling bilin dati mong ugali
houag babaguhin.
At halos dagdagan pag tauag sa Dios pa pag-alabin mo puso sa

pag-irog, pag papalain ca,t, gagantihing lubós loualhating gloriang
ualang pagcatapos.
Saca napaalam matanda,i, nalis na at si Juang Tamad iniuan na niya, sa
canyang oyayi nahilig pagdaca cartilla,i, tinangna,t, canyang binabasa.
Uala siyang tahan nang quinabubuclat fojas nang cartilla,i, nababasang
lahat, na ang sinasambit sa canya,i, igauad nang Dios na Amá yaong
graciang uagás.
Saca yaong tatlong cabanalang lubós na dapat sunurin nang tauong
cristianos, inuulit ulit na uicang mataós na manampalataya,t, manalig sa
Dios.
At yaong icatlo ay pacaibiguin ang Amáng Maycapal sambahi,t,
purihin, ang capoua tauo,i, sintahi,t, ibiguin para nang pag-ibig sa
sariling atin.
Salit salit itong canyang binabasa touing bubuclatin sulat na cartilla,
naguing ganting pála ay binigyan siya batóng encantadong lubhang
mahalaga.
Mahabang panahóng canyang in~gat-in~gat ni sinoma,i, uala na na
cacamatyag, bilin nang matanda,i, canyang guinaganáp pag mamahal
niya,i, ualang macatulad.
Nang siya,i, mabigyan niyong Nuno niya batóng encantadong perlas
ang capara, isang arao n~gani na icacain na sa bató,i, humin~gi nang
isang comida.
At uinica niyang icao aquing bató na bigay sa aquin matandang Nuno
co, icao ay mag handa n~g putahing husto na aquing cacani,t,
nagugutom aco.
Ualang liuag liuag lumabas na agad ang isang lamesa,t, casangcapang
lahat, sari saring lutong man~ga masasarap nacaliligaya sa matáng
mamalas.

Dumulóg na siya at agad cumain man~ga catouaa,i, di sucat sabihin,
saca nang matapos ang ipinag turing icao aquing bató ligpitin n~gayon
din.
Nasunod na lahat man~ga cahilin~gan lamesa at lahat agad nang
naparam, pag papasalamat niya,i, ualang hangan sa matandang Nunong
sa canya,i, nagbigáy.
At di na umuli na humin~gi siya tiniticman lamang batóng encantada,
ang nasoc sa loob inaala-ala baca mamalayan nang magulang niya.
Sa capan~gilagan na baca malining ang ugaling dati ang guinagaua rin,
sa touing tanghaling oras nang pagcain ay ualang pag sala,t, siya ay
darating.
Yaong canyang amá,i, dinatnan nang damdam hindi macaalis na mag
hanap búhay, guilio niyang iná loob ay mapanglao ualang macacain ala
alang tunay.
Juan ang uinica niyong canyang iná icao baga bunsó ay paano baga,
amá mo,i, may saquít ay saan cucuha nang ating cacanin cundi mag
hanap ca.
Sumagót si Juan oó po Iná co houag pong manimdim ang bahala,i, aco,
hindi mauaualan nang cacanin tayo humin~gi po lamang sa Poong cay
Cristo.
Totoo n~ga yaon ang uica nang iná at tayo,i, sa Dios lubós umaasa,
dapua,t, cun hindi mag tatrabajo ca di ca rin bibigyan cun nacaugmoc
ca.
Umuling sumagót sa iná si Juan di n~ga po bibigyan cun hindi maalam,
cun ang ating loob manalig na tunay humin~gi ma,t, di man ay
caaauaan.
Cahulugan iná nang ipinagturing tauo,i, cailangang sa Dios ay hin~gin,
bago mag trabajo,i, dapat manalan~gin humin~gi nang aua,t, nang
maquinabang din.

Houag pong manimdim mahal na iná co di po mauauala ang aua ni
Cristo, malacás po lamang yaring catauan co ay mag tatrabajo,t,
macaquita aco.
Salamat cun gayon dapat n~gang asahan palibhasa,i, uala cundi icao
lamang, quita mona itong ating calagayan na ualang di uala at
cahambal hambal.
Doon sa tubigan icao,i, pumaroon cahima,t, bitoo,i, manglimot ca roon,
lacad nang madali,t, houag malalauon at ang iyong amá,i, lubhang
nagugutom.
Naparoon siya at hindi sumouay tuloy nag dala pa nang sadyang
sisidlan n~g siya,i, sumapit sa catubiganan may ilog na isang canyang
tatauirán.
Tumiguil na roo,t, di tumauid siya doon manglilimot ang nasang talaga,
linibot ang ilog nag mamalas siya n~g man~ga bitoo ay di macaquita.
Di nalauong oras cagyat sa sisipót ang man~ga bitoo na dala nang agos,
natoua,t, ang uica,i, salamat sa Dios may madadala na sa ináng
nag-utos.
Hindi natatanto niya,t, naaalman ang bitoong yaon ualang man~ga
laman, na tapon nang tauong man~ga balat laman ay siyang sinaguip
isina sisidlan.
Yumao na siya,t, lacad ay matulin ang toua nang loob di sucat sabihin,
sa pag mamadali halos na liparin ang canilang bahay agad nang
marating.
Ano,i, n~g dumating maquita nang iná ang toua nang loob ualang
macapara, salamat ang uica,t, macacacain na may maiuulam may saquít
mong amá.
Sa pag mamadali ni Sofia naman ang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 20
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.