Búhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia | Page 4

Not Available
linalamán noo,t, m~ga cahulugan,
yaong letrang =C=, iná,i, caharian nang Dios na Amáng
macapangyarihan.

Yaong letrang =a=, na munting casunod angeles na madlang catoto
nang Dios, sa coro ay pauang nag pupuring lubós sa Amáng lumic-ha
nitong sangsinucob.
Yaong letrang =r=, bilang pacaitlo si Maríang Vírgeng Ináng masaclolo,
Reinang tinatanghál nitong boong Mundo sacdalan nang tanang ovejas
ni Cristo.
Yaong letrang =t=, ay ang cahulugan tribunal nang Dios talarong
timban~gan, masama,t, magaling doon matitingnan ang juicio nang
Dios pagdating nang arao.
Yaong letrang =i=, cahulugang dala Imperio at bayan nang Dios na
Amá, ang lahat nang banál doon naquiquita na nan~gag pupuring
touang ualang hanga.
Yaong letrang =ll=, ay ang cahulugan iná po ay dinguin at aquing
tuturan, ang Dios na Amá,i, caya nagpalagay gloria,t, infierno na pag
pipilian.
Ang tauo sa mundong inapó ni Eva anomang ibiguin pahintulot niya,
cun caya nag lagay ay laang talaga sucat pag palagyan pagdating nang
ora.
At ang letrang =a=, bilang catapusán cahulugan naman ay inyong
paquingan, pagdating nang arao na tayo,i, hucumán mayama,t, mahirap
paparehong tunay.
Sa Dios ay uala na malaqui,t, muntic at ualang marunong ualang
ignorantes, uala namang Papa,t, ualang Cardenales paparehong lahat
pagdating nang guhit.
Narin~gig na ninyo lahat cong binaybay di na dapat yata na aco,i,
mag-aral, hindi macasagót iná,i, natiguilan at pauang totoo ang man~ga
sinaysay.
Ani Juang Tamad umoui na cayo sa bahay iná po,t, doo,i, ualang tauo,
houag pag pilitan na paalsin dito at dito po nama,i, ualang basag-ulo.

Ang iná ni Juan tantong nagtataca sa man~ga sinaysay tungcol sa
cartilla, ganitong cabata,t, di nag-aaral pa ano,t, naalaman tanang
significa.
Anhin co ang letra,t, siya,i, tinuruan caya naquilala ang man~ga
pan~galan, ay baquit naalman dalang cahulugan sulat na cartilla
quinapapalagyan.
Sa ganitong ito ay pahat pang pahat sasampuo pang taón dinadalang
edad, natutuhan itong casaysayang lahat biyaya nang Dios na sa
caniya,i, lagac.
At saca umalis canyang iniuan na habang lumalacad náluha ang matá,
aco ay paano uala ang asaua saca ang anác co ay di macasama.
Yaring catauan co caya ay paano na caaua aua ang calagayan co, ¡oh
Vírgen Maríang Ináng masaclolo matiis co rin po ang hirap na ito!
Itong aquing anác na iisang tunay dapat casamahin sa gabi at arao,
touing magugutom siya,i, saca lamang na naparirito,t, pagcain ang
pacay.
Macapangyarihan na iisang Dios lauitan nang aua ang palad cong capós,
alalayan mo po mahina cong loob na houag din nauang madaig nang
tucsó.
Bugtong niyang anác na si Juang Tamad na nasa sa puló sa loob nang
gubat, ang canyang cartilla,i, laguing hauac hauac binabasa niya at
buclat nang buclat.
Ang pagbasa niyang inuulit ulit ¡oh Dios na Haring aquing iniibig,
hulugan mo aco nang biyayang bait at biyayang graciang ualang
caholilip!
Saca isusunod hulugan mo aco nang biyayang aua sa pagca higa co,
ipanatag mo po yaring catauan co sa ligayang lubos ilayó sa tucsó.
Macapangyarihang Amáng maauain bigyan mo po aco nang aquing

cacanin, sa pagca higa co,i, idulot sa aquin iinuming tubig naman ay
gayon din.
Cun siya,i, iníp na niyong pagca higa sa canyang oyayi siya ay bababá,
sa pag mamadali nagcacandadapa pupunta sa iná,t, mag papacabuya.
At cun macatapos siya,i, macacain aalis na muli puló,i, tutun~guhin,
hihiga pagdaca sa oyaying baguing matutulog siya nang himbing na
himbing.
Ano,i, nang dumating yaong canyang amá agad itinanong sa esposang
sinta, ang bunsóng anác co,i, nasasaan baga baquin uala rito,i, di co
naquiquita.
Sa casi,t, esposang isinagót naman nang macaalis cang quinaumagahan,
macaban~gon aco,i, uala,t, cun nasaan at nag balic pala sa dating
tahanan.
¿Ano caya Dios? ang uica ni Fabio gayon ang ugali nang anac cong
bunsó, marami rin naman na naquiquita co, caiba at tamad di tumahan
dito.
Sagót ni Sofia ay mabuti naman at doon ay uala na macacaauay, cun
palaguing sama sa man~ga laroan ay macacausap nang sino,t, alin man.
Caya houag mo nang piliting hanapin ang tamad na tauo,i, anhin man at
anhin, sintang esposo co,i, pamanhic at hilíng aguantahin mo na,t,
talaga sa atin.
Hindi na tumutol nang anoman siya sinunod ang hilíng nang casi,t,
esposa, mag mula na noon silang mag-asaua lumagay ang loob di na
alintana.
Sa touing darating na gustong cumain ni anoma,i, uala silang sasabihin,
pinapara nilang uala sa panimdim panatag ang loob sa Dios ay hayin.
Ito namang anác ay di nag tatanong at anoma,i, uala na inioon~goy, sa
canyang tahana,i, laguing naroroon sa oyaying baguing humiga,t,

buman~gon.
Mana,i, isang gabi na catahimican sa oyayi niya ay nagugulaylay,
himbing nang pag tulog siya,i, linapitan nang isang matanda,t, cagyat
na pinucao.
Juan ang uinica icao ay gumising at aco sa iyo ay may sasabihin, nag
ban~gon pagdaca ang sagót ay baquin ano po ang gusto ibig cong
malining.
Tinatatap quita caya naparito at cucumustahin ang calagayan mo,
mahaba nang arao pagtahan mo dito di nag caca pulong icao man at
aco.
Nuno
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 20
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.