na sa huli niya,
uala siyang malay at di naquiquita naalman co yaon na tahanan niya.
May cahoy na Betis san~ga,i, malalabay sa loob nang puló na
pinalinisan, sa cahoy na yaon siya ay nag lagay man~ga baguing
hagting parang oyayihan.
Ang sagót ni Fabio ¡oh Jesús na Amá! ano caya,t, gayon ang anác tang
sinta, lulan niring dibdib at nasang talaga papapag-araling capara nang
iba.
Di anong gagauin ay cun siyang bigay sa atin nang Dios na Amáng
Maycapal, ay houag isucal puso,t, calooban lagacan din siya niyong
graciang mahal.
Nagsama ang dalua,t, naparoong tiquis puló ay sinoot at ibig mabatid,
nang si Juan Tamad datna,i, nahihilig himbing nang pagtulog at hilic na
hilic.
Dinulog nang amáng marahang marahan anác niyang bunsó ay canyang
pinucao, guising ca anác co at paquimatyagan acong iyong amá na na
sa ligamgam.
Naguising pagdaca na may dalang tacot tinangnan n~g amá t, ang noo,i,
tinutóp, mag pacahusay ca,t, tumauag sa Dios ualin sa panimdim
sacuna nang loob.
Aco,i, bago lamang na cararating pa pinangalin~gan co ay malayong
sadyá, sa atin ay di co icao naquiquita aquing itinanong sa mutyá mong
iná.
Sumasagót siya luha,i, nabalisbis sa daluang matá perlas ang cauan~gis,
nagulumihanan ang puso co,t, dibdib n~g oras na yao,i, nagdilim ang
isip.
Nang aquing malining pauang maunaua ang sa iyong ináng m~ga sabi,t,
uica, sa daluang matá co,i, umagos ang luha sa laquing hinayang sa
anác cong mutyá.
¿Oh bunsong anác co,i, baquit caya naman cabutóng iná mo,i,
pinababayaan? talastas mo aco na uala sa bahay lagay ang loob co,t,
ang casama,i, icao.
N~gayo,i, sumagót ca,t, n~g maalaman co lulan nang loob mo,t, m~ga
guinugusto, di paquinaban~gan icao nang iná mong lauong nag aruga,t,
nag pasupasuso.
¿Cundi ca mag silbi,t, mag lingcod sa amin ano caya bagang iyong
mararating? búhay ang puhunan n~g iná mong guilio saca n~gayo,i, di
mo siya gagantihin.
Tunghay ang muc-ha mo,t, matá ay isulyáp sagutin mo aco nang nasa
mo,t, han~gad, ang hiya at tacot siyang nag-aalab caya di mangyaring
bibig ay mabigcas.
Yayamang di ca rin sumagót sa aquin malis cana dito,t, moui ca sa atin,
ang calooban mo ay iyong baguhin at sa magulang mo,i, mag silbing
magaling.
At houag ca ritong mag papalumagác sa loob nang pulóng casucalang
gubat, tumatahan dito ay hayop na lahat hindi ang para mong cay
Cristong ovejas.
Di naman sumouay pagdaca,i, sumama Tamad na si Juan sa gusto nang
amá, pagdating sa bahay ang uica sa canya anác co ay dinguin hatol
cong lahat na.
Magpamula n~gayon magbago nang loob at dumalan~gin ca sa Poong
cay Jesús, sa amá,t, iná mo,i, magsilbi nang lubós nang ang aua niya sa
iyo,i, idulot.
Isilid sa loob houag calimutan sa umaga,t, hapon icao ay mag dasal,
pintacasinin mo ang Vírgeng maalam n~g caauaan cang gracia ay
pacamtan.
Houag cang aalis dito,t, pumirme na sa arao at gabi n~g macasama ca,
ang mahal mong iná,i, nag-iisa isa ualang masusugo cun dito,i, uala ca.
Tuloy namang icao ay ibibilí co n~g isang cartillang mapag aralan mo,
di man macapasoc icao sa maestro ay tuturuan ca guilio na iná mo.
Ani Juan Tamad na sagót sa amá lahat ninyong hatol aco,i, tatalima,
susunod sa utos aco po nang iná at saca sa Dios mananalan~gin pa.
Malaqui po amá yaring catouaan sa inyong sinabing aco ay mag aral, at
harin~garin po na aco,i, casihan na matutuhan co gauang cabanalan.
Bumilí ang amá n~g isang cartilla, at si Juan Tamad ay tinuruan na
niyong sarisaring pan~galan nang letra sa A nag pamula,t,
pinaquiquilala.
Ang uica ni Fabio,i, salamat sa Dios at sa hicayat co anác co,i, nasunod,
iyong tuturuan esposa cong irog harin~ga,t, maalman cartilla,i, matalós.
Iiuan co cayo,t, aalis na muna mag hahanap búhay na ating magasta,
icao na anác co,i, maquiquinig baga houag mag susutil sa mahal mong
iná.
Oó po amá co,t, tatalimahin co mag papacasaquit na mag-aral aco,
harin~ga,t, loobin nang Poong si Cristo na maguing Pari rin acong anác
ninyo.
Sa sagót na yao,i, ga mapapan~giti ang amáng si Fabio niyong
talumpati, salitang may daguil at umaaglahi sa man~ga magulang ay
parang tagurí.
Sa casi,t, esposa ay napaalam na tumun~go sa dating paroronan niya,
nang quinabucasan niyong maumaga si Jua,i, uala na at nacaalis na.
Si Sofiang iná,i, di na matahimic mapanglao ang loob puputóc ang
dibdib, inantayan lamang amá,i, nacaalis lumayas na nama,t, sa puló,i,
nagbalic.
Naparoong agad at canyang tiningnan dahilan sa hindi siya mapalagay,
dinatnan ang anác na nagugulaylay sa oyaying baguing na dating
tulugan.
Ang bati nang iná ¡ay bunsóng anác co! baquin naman icao,i, muling
naparito bilin nang amá mo,t, pan~gusap sa iyo houag cang aalis icao,i,
casama co.
Di icao ay dico n~gayon malilin~gil di matuturuan at uala sa atin, di po
cailan~gan yaon cun sa aquin cartilla po iná,i, paua co nang lining.
Unauain ninyo at aquing tuturan
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.