Búhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia | Page 2

Not Available
gumaua doon nang tahanan sa puno nang cahoy Betis ang
pan~galan, na canyang lininis at siya,i, nag lagay m~ga baguing
hagting na sadyang hihigan.
Doo,i, uala siyang munting guinagaua cundi palagui na lamang
nacahiga, oras nang tanghali ay saca bababá ooui sa bahay pagcain ang
sadya.
Cun siya,i, dumating sa canilang bahay ang bati n~g iná,i, saan galing
icao, si Jua,i, ang sagót ay dini po lamang naquipag laró po sa ating
cahangan.
Di naman iimic yaong canyang iná sa uica ni Jua,t, natatalastas na, ito,i,
nag yayabang ¿ano caya baga? ang anác cong ito,i, bucod at caiba.
Nagtataca aco ¡oh Dios sa Lan~git! ang bait isip co ay uulic ulic,
cagagauang ito nang anác cong ibig caguilaguilalas at di co malirip.
Marami rin namang man~ga bata dito sa caapid bahay, na naquiquita

co, itong aquing anác caibang totoo na palaguing uala at di masugo co.
¿Ano caya bagang talaga nang Dios di paquinaban~gan ang anác cong
irog? gayon ma,i, matamis sa puso co,t, loob cun ito ay siyang sa aqui,i,
caloob.
¡Oh Dios na Hari,t, Pan~ginoong Amá! pagcalooban mo ang anác cong
sinta, amponin mo rin po,t, hulugan nang gracia matutong mag silbi sa
magulang niya.
Mulit muling taghoy na inihihibic sa Dios na Amá na Hari sa Lan~git,
cahimanauari ang anác cong ibig bigyan nang liuanag carunun~ga,t,
bait.
Saca cun matapos magtatanao tanao anác na si Juan ay ibig matingnan,
cun hindi maquita,i, mananaog naman hahanaping pilit ang
quinalalagyan.
Sa man~ga cahangan ay titingnan niya ipinag tatanong cundi
naquiquita, ualang macasabi ooui na siya mapanglao ang loob náluha
ang matá.
Cun siya,i, dumating sa canilang bahay puputóc ang dibdib ináng
mapagmahal, ang loob at puso,i, hindi mapalagay sa di pagca quita sa
anác na hirang.
Ano pa,t, sa touing gustong cumain na siyang pag paroong pag haráp sa
iná, ináng nalulumbay cun siya,i, maquita maguiguinhauahan pusong
may balisa.
Saca uiuicaing ¿ano caya ito? saan nangagaling itong aquing bunsó, sa
touing cacain lamang paririto ni anoma,i, hindi paquinaban~gan co.
Matapos cumain guinaua nang iná inaban~gan niya cun saan pupunta,
iná,i, sumusunod na sa huli niya natanto,t, naalman ang tahanang
sadyá.
Naquita ang cahoy na hinahantun~gan sa loob nang puló na pinalinisan,

sadyang may oyayi na tinutulugan sa cahoy na Betis doon nalalagay.
Ang uica nang iná ¡ay Juang anác co! may sadya ca palá na tahanan
dito, ¿ano bagang iyong guinagaua rito ali,t, sino bagang dito,i, casama
mo?
Anong naisip mo,t, nasoc sa acala dito ca nalugmoc anong guinagaua,
talastas mo naman at hindi cailá mahal na amá mo ay palaguing uala.
Nag-iisa aco,t, uala cundi icao dapat casamahin sa gabi at arao, icao
naman bunsó ay sa toui lamang na gustong cumain nonoui sa bahay.
Aco ay paano ¡oh anác cong guilio! nag tataglay aco sacuna,t, hilahil,
mahal na amá mo sa ati,i, uala rin sa sang-lingo,i, minsan lamang cun
dumating.
Saca icao nama,i, di co maasahan palaguing uala ca,t, dito tumatahan,
mabuti n~ga rito,t, icao ay maaluan mula n~gayo,i, icao,i, Tamad na si
Juan.
Di naman sumagót sa man~ga sinambit sa iná,i, ang matá ay di maititig,
ang loob at puso niya,i, may pan~ganib na baca ang iná ay may dalang
galit.
Iniuan na roo,t, noui na ang iná lumalacad siyang náluha ang matá,
¡Jesús co! ang uica bucod at caiba itong aquing anác na iisa isa.
Esposong si Fabio,i, siyang sabihin co caya cun umoui ay nag
mamacatlo, hanap búhay niya na pag jujuego sinasamá siya at
palaguing talo.
Siya ma,i, narating sa canilang bahay cun minsan ay di na naoosisa
man, ang anác na bugtóng na sa puso,i, mahal loob ay balisa,t, ualang
mapuhunan.
Mana,i, isang arao ang uica ni Fabio esposa cong sinta tanong co sa iyo,
¿baquin baga aco,i, touing paririto di co naquiquita ang anác tang
bunsó?

Sintang esposo co sagót ni Sofia di anong gagauin sa Dios talaga, di mo
n~ga talastas at dito,i, uala ca m~ga cagauian nang bunsóng anác ta.
N~gayo,i, ang tauag co ay si Juang Tamad dahil sa ugaling caiba sa
lahat, touing macacain panaog na agad pupunta sa puló sa loob nang
gubat.
Aquing sasabihin at nang matanto mo cabiac nang pusong casi,t,
esposo co, bunsóng anác nata,i, pagcacaalis mo ay palaguing uala,t, di
nasusugo co.
Cung aquing hanapi,t, tingnan sa laroan sa m~ga barcada batang
caramihan, ay hindi calaró uala,t, cung nasaan loob co,i, agad na na
malulupaypay.
Babalic na acong puputóc ang dibdib sa di pagcamalas sa anác tang
ibig, sa daluang matá co luha,i, nabalisbis sa iyo esposo ay inihihibic.
Di co pag aanhin mana,i, isang arao ang loob co,t, puso,i, di na
mapalagay, niyong matanghaling tatapat ang arao oras nang pagcain
dumating na naman.
Nasoc sa isip co,i, aquing susubuquin pinag aban~gan co niyong
macacain, tica nang loob co ay aquing susundin ang pinarorona,i, n~g
aquing malining.
Anác ta,i, nanaog n~g macacain na sumusunod acong
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 20
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.