Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan) | Page 8

Pantaleón S. Lopez
si Agong_. Susunod ka sa bawa't ipag-utos
namin. Sapagka't kami ang madalas sangkalanin n~g iyong pagka
lanuang dahil sa mabuti kang manghin~gi n~g contribución, ganitong
gawin mo, isasahod ang caliwang camay, sapagka't ikaw ang malimit
umapi sa kababayan mo, ganitong gawin mo, _isusuntoc ang canan_
ipagpalagay mong ako ang bayan _Luluhod si María sa harap ni
Agong_.
Lodovico.--Kilanlin ang apô ayaw makisama
kung hindi sa pawang mauulol niya
mag mula sa n~gayon idilat ang
mata
pagka't daig nito ang m~ga bívora.
Ating pamangkaan matingkalang bilin
n~g bantog na Rizal tumubos
sa atin
kailan man anya at walang alipin
walang manglulupig
walang mananaksil.
WAKÁS.

P.S. Lopez.
KUNG SINONG
="APÔ-APÔ"=
KASAYSAYAN
MAYNILA
Limbagan nina Fajardo at Kasama
Daang Carriedo Blg. 101, Sta. Cruz
=1908.=
=Sa aking Bayan=

Sa dawag n~g pait, noong kadiliman
pinilit pinigâ sa papel makintal

tanáng pag-ibig kong, di bun~gán~gâ lamang
pag-giliw sa dibdib,
doon bumubukal.
Bagá man at kapós sa dunong ay sahól
kapahatáng ito'y hindi
iu-urong
kahi ma't sa dugo'y piliting luman~goy
pagsisikapan ding
ipatanto n~gayon.
Panahon naman din n~g pagsisiwálat
n~g matandang sakit na sa
pusong sugat.
¡Gaya n~g pagtakip! mapanglaw na ulap
sa m~ga
bituin, anak n~g liwanag.
¡Ilaw ang hin~gî ko! upang matanglawan
ang napatatan~gay, sa
apô-apôan
at kung hindi ito ang gawing tuntunan
ilagay sa limot
yaong Kasarinlan.
Ang alin mang bayan, ang alin mang hulô,
ang alin mang pook, pag
may Apô-apô
ay hindi uunlad, may magandang pusô,
ang santong
matuid palagi n~g likô.
Pagkathâ ko nito bumabasang giliw,
hindi ko na náis ang ako'y
purihin
kapamanhikan ko't mataos na lambing
kung babasahin mo,
ikaw'y magsalamin.
Dahil sa alám kong panitik ay básal
kung isulat ko pa'y
sumasalagalsál
kaya't balang letra'y mayrong kalabûan:
bahálang
puntero n~g babasang pahám.
¡Bayan ko'y malasin! ang pagsusumakit
n~g bawâ at pahat sa iyo'y
ninibig
sukdang salsal, pulpól ang aking panitik
di
nag-alinlan~gang sa pula'y mabulid.
=Pantaleon S. Lopez.=
_Calle Narciso No. 59 (Pandacan.)_

I.
_Kung sinong Apô-Apô._
Nang unang sábado n~g Mayo taón 1908 mayroong nangyaring
nakalalagim sa pusong dalisay, sa isá sa m~ga bayang sakop n~g
Kamaynilaan. May pinalabás na dulâ na di iba't ito'y ang: «Apô-Apô»
pamagat n~g zarzuelang iyon. Alay n~g may kathâ sa sariling bayan,
obrang walang tinutukoy kundi lumiwanag ang punô n~g dilím na
pinaguulapan, dito'y may Apô-Apôang nanood sa nasabing palabás;
ito'y isáng tawong pinakahari n~g kadiliman kaya't ang kanyang
pan~galan ay: Agong kadiliman; isáng tawong kalaban n~g liwanag,
isang tawong kalaban n~g kanyang pinakikinaban~gan, isang malimit
gumahasâ n~g katwiran, hindi matangkad, hindi pandak ay kulang sa
sukat: hindi katandâan n~guni't maputî an~g anit n~g ulo. Sa ganito'y
bahalang magkurô ang irog na bumabasa, kung gaano ang buti't sama
ni Kadiliman. Ating pagmasdan ang nangyari sa loob n~g dulaan
samantalang itinatanghal ang «Apô-Apô:» N~g sumapit ang escena na
pinipilit papilmáhan ang isang kasulatan upang ito'y ihalal sa
pagpupunô dahil sa itong laging panaginip ni Agong na siya ang punô
sa lahat, na ayaw pilmahan ni Totong n~galan n~g ayaw pumilma sa
obra, walang isinásagot kundi ganitó:
«Ang laya n~g tawo'y dapat mong igalang
pumili n~g ibig kanyang
maibigan
yaong casiquismo'y dapat mong ilagan
sa pagka at siyang
sa iyo'y papatay.»
Nang ito'y madinig ni Kadiliman na binangit ni Totong ang kanyang
sugat, waring nag dilim ang m~ga panin~gin, na alinsan~ganan at
sinabayan nang tindig na waring sumusuling na banak, siya'y napuná
n~g isang filosopito na sa kanya'y nakapansin, kaya't tinanong n~g
ganito:--¿Bakit namumula ka?--Naiinitan ako ang sagot.--¿Sa daming
tawong nandito n~gayon, ikaw lamang ang naiinitan?--Masamang obra
iyan, ang pagigíl na sabad ni Agong Kadiliman, anyong pa-alis na
hinihimas ang anít niyang tuktok.--Hintay ka muna ang paampat na
sabi n~g kausap.--Hwag mo akong pigilin at ako ang pinatatamaan n~g
obrang iyan, ang paan~gíl na sagot ni Kadiliman.--Halika ang

pabanayad na salita n~g filosopito_; ipalilinaw ko sa iyo ang _Teatro,
Dulaan diumano, anáng m~ga manánagalog; ang Teatro. Ayon sa sabi
nang bantog na poetang si Ciceron «salamin anyang mapaná-nalaminan
n~g pag-uugali» kung ikaw ay talagang pan~git at kung talaga kang
ganoon. ¿Bakit ang salamin ang kagagalitan mo? gayon din naman.
Kung itong talaga mong gawa: ¿Bakit ang obrang iyo ang kagagalitan,
at hindi ang sarili mo? Kaya't kung ipinalagay mong ikaw ang
namimilit paboto, at ibig gumahis sa layâ n~g tawo, bagohin mo na't
kahabag-habag ka lamang. Sa madinig ni Kadiliman ang salitang ito ni
filosopito umin~gos at sinabayan n~g alis, kahit hindi pa natatapos ang
palabás, natawa n~g lihim si filosopito, sinabi sa sariling marahil ikaw
ang Casique sa bayang itó.
II.
Ang pag-owi sa bahay ni Kadiliman.
Dumadagundong n~g pag akyat sa bahay niyang sarili si Kadiliman, at
siyang dahil n~g ikinagulat n~g kanyang asawa na waring na

aalinpun~gatan, si Kadiliman ay ku-kumpas-kumpas, lakad n~g lakad
sa loob n~g bahay, at manakâ nakang nagbubuntong hinin~ga kasabay
ang salitang ¡gaganti ako! at sasabayan n~g upo sa mésa at pipigilan
ang pluma, isasaw-saw sa tintero, si Lolay namang kanyang asawa ay
nakasubok at namamanghâ n~g labis sa kay Kadiliman, at sa kanyang
sarili ay binuka sa bibig ang salitang: ¡na u-ulol yata itong aking asawa!
tutop na
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 21
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.