Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan) | Page 9

Pantaleón S. Lopez
ni Agong Kadiliman ang kanyang makitid na noó; biglang
lumabas sa silid si Lolay niyang asawa at tinanong n~g ganito:
--¿Ano ang nangyayari sa iyo? n~gasab n~g n~gasab si Kadiliman at
hindi pansin ang asawang nagugulumihanan sa kanyang ayos, at
biglang naghimutok si Kadiliman natín, sinabayan pa n~g sabing
_¡Pater Filus Patris!_ ang kahulugan ama, anak ko't m~ga kapatid ang
hinin~ga ko'y nagkakasabid-sabid, muli na namang tumanong si Lolay:
--¿Anong nangyayari sa iyo?
--¡Ay! ... ang mabanayad na tugon ni Kadiliman maputlang maputla.

--¿Bakit?
--Natatanto mo ang sagot ni Kadiliman si Autor. Hito'y gumawa n~g
retrato ko sa teatro, kaya't kung aking pakiramdaman ang m~ga mata
n~g nag sisipanood sa akin ang tin~gin, kaya't hindi ang hindi ko
sasagutin, dahil sa talos mong malapit n~g mag eleccion ó mag halálan
para concejál, ibig kong magprisinta n~g candidatura. Kung
paniwalaan n~g taong kalahatan ang pagpapaliwanag na iyan ni Hitô
pehong-pehong hindi ako ang lalabas kaya't kahit pabalubaluktot mag
iisip ako n~g paraan upang pagulapan ang m~ga matá n~g m~ga
maghahalal.
--Katwá kang tawo ang pakli ni Lolay, dapat mong isipin tayo'y may
labis na kaya sa kabuhayan na minana, ko sa aking amang si Pirong
Botete ¿Bakit mo pá hahan~garin ang panunungkulan?
--Ulol na tawo ito, ang pa-an~gil na sagot ni Kadiliman, hindi iyan
lamang ang mangyayari kundi mawawalan sa akin n~g pagkakatiwalâ
ang lahat.
--¿Bakit, ang sagot ni Lolay na nan~gan~galigid sa dalawang mata ang
luha?
--Magtahan ka, ang sagot ni Kadiliman, at hindi mo dapat maalaman
ang kalihimang ito, sulong, matulog kana, muli na namang
nagbububulong; hindi maubos madili ni Lolay ang ligálig na ito n~g
asawa niyang irog kaya't napilitang nan~gusap n~g: Hito pala lamang
ang may sulat niyan, di bayaan moná baká ka pa matibô, at sinabayan
n~g hatak sa kamay na may pluma tayo na asawa ko; batak-batak
hangang sa kanyang hihigan at saka lamang na tahimik si Lolay, bakit
mag-uumaga na; anopa't nang nakahiga na si Kadiliman, ay satuina't
magigiling ang matá sa paghiga, bigláng nagugulantang na tila na
wawari ni Kadiliman na siya'y binabatak nang m~ga kaluluwa sa
Purgatorio na nagsipagbayad sa kanya bago málibing, at ang isa sa
m~ga kaluluwang ito'y nan~gusap n~g malumanay na waring
nangagaling ang voces sa ilalim n~g lupa ganitô ang sabi n~g kalulwa:
Kadiliman, Kadiliman, magsisi ka n~g iyong sala ¿saan mo dinádalá
ang kwalta n~g m~ga patay bago ibaon? Hwag kang mang-ulol sa

kababayan mo, liwanagin mo sa iyong m~ga kasáma ang bagay na
nasaiyo, n~g matapós masabi n~g kalulwa ang bagay na ito,
napabalikwas si Agong Kadiliman ang isa pa'y umaga na; nagbihis na
madaling madali at tinun~go ang bahay nila Bakokoy,
III.
_¡Ang pakikipagkita ni Kadiliman sa canyang m~ga casama!_
¡Ay Bakokoy! ganito ang unang taghoy ni Kadiliman, na akmang
paiyak, ¡bigyan mo ako n~g kaunting Hiniébra! ¡hindi pa ako
nag-aalmusal! si Bakokoy naman tila n~ga ibig mahabag sa kanyang
maestro n~g mapagmalas ang anyo, na tulad sa corderong maamo,
dahil na si Bakokoy baga man hindi pipe, talagang may ugaling
sacristan kahit tanto niyang likô ang gawa n~g kanyang maestro, amén
na lamang n~g amén, kaya't ganito ang unang tanong n~g ating
Bakokoy: ¿Bakit ano pong nangyari sa iyo? pag hindi ko sila hinamon
n~g away talo ako! sapagka't si Bakokoy ay magaling daw na estocador
natatalastas ninyo ang pasigaw na sabi ni Agong pinatamaan kayo,
¿hermano mayor po ba sa kandila? ang sabad ni Bakokoy sagot ako sa
huli, limang piso pa ang aking contribución; hindi, ang marahang sagot
ni Agong kundi noong palabas n~g ikalawa n~g Mayo n~g taong 1908
di umano'y m~ga han~gal daw kayo kaya n~gayon din tawagin sila
Tarorang Susô, Ponsa Kaligay, at Giday Lasenga n~g matalos nila ang
kanilang gagawin; kumaraykay naman n~g takbo si Bakokoy na
iimbol-imbol ang tiyan pinagtatawag ang kanyang m~ga kasama;
natawá n~g lihim si Agong Kadiliman at sinabi sa kanyang sarili: Ako
ang pinatama-an n~g obra ni Hitô sasabihin ko kina Bakokoy na hindi
ako, kundi silang aking m~ga kasama at sina Tarorang Susô; oo, oo, ito
n~ga ang mabuti, halos walang kalahating oras narito na ang m~ga
tinawag, lugay pa ang buhok ni Tarora at si Ponsa naman hindi na
nakuha ang magtapis, at si Giday naman ay may kalasin~gang humarap
sa pulong, ganito ang unang lantak ni Kadiliman: M~ga kapatid:
Isinasauli ko ang aking tungkol na pagka presidente n~g ating
kapisanan, ang pamagat n~g kanilang kapisanan ay «Pinag-uulapan»;
isinasauli ko ang aking tungkol na pagka secretario, isinasauli ko ang
tungkol kong pagka Tesorero, sa makatuid ang tatlong tungkuling

aking taglay isinasauli ko na dahil sa maraming naiingit; noon naman
ay nakasubok si Tenteng Kamagong na isa din sa m~ga kasapi n~g
samahang, Pinagu-ulapan, sapól ang sikmura at nag-iihit n~g tawa,

nalin~gon-lin~gunan siya ni Lasenga, kaya't tinanong n~g: ¿Bakit
nag-iihit ka n~g tawa? tumugon si Tenteng Kamagong n~g: niloloko
tayo at sinabayan n~g kaskas n~g takbo
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 21
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.