Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan) | Page 7

Pantaleón S. Lopez
sindak,
kahit mananawari
huag n~g matupad
ang tanang sinabi
ni Agong na Judas.
_Tutugtog n~g las doce_.

Soledad.--¡Oh! Labin dalawang umpog n~g tanso sa bákal Labis na
n~g isa sa kapan~gakuan n~g Agong na taksil....
Agong.--Soledad kong hirang yayacapin.
Soledad.--Oh, ganid, halimao, lilo at lanuang.
Agong.--Huag kang maguitla sa pananahimik pagka't ito'y nukál sa
ating pag-ibig pag-ibig na hindi

Soledad.--Ah, lahing alamid.
Agong.--Hindi magagatol ang aking nais.
Soledad.--Sumasamo akong iyo n~g talikdan ang lahat n~g nasa.
Agong.--Di mahahadlan~gan
Soledad.--Dapat mong isipin iyong kagagawan at mayrong
infierno.
Agong.--Mangyaring pakingan.
MÚSICA N.o 4
Agong.--Pag-ibig ko'y di maampat
sa iyo irog kong Soledad
sukdang ang buhay ko'y mautás.
Pagsinta
ko'y di kukupas.
Soledad.--Dapat mong igalang.
Pag-ibig ko'y paano naman
Agong.--Pagsintá mo'y di ko alam
pag-ibig kong mabubuhay
pag-ibig mo'y di ko alam
pagsintá ko'y
mabubuhay
saksi kong pagkalalaki.
Soledad.--Ito'y walang kailan~gan
kung sa pag-ibig mamatay
pagka't aking sinumpaan
irog ko siya
habang buhay.
Ito'y walang kailan~gan
ito'y walang kailan~gan

kung sa pag-ibig mamatay
kung sa pag-ibig mamatay
Agong.--Pagsinta ko kung maapi
pagsintá ko kung maapi
Saksi ko ang pagkalalaki
At di ko n~gani
masasabi,
ang buhay mong mapuputi.

Soledad.--Ito'y walang kailan~gan (2 huli)
kung sa pag-ibig mamatay (2 huli)
Agong.--Pagsinta ko kung maapi
saksi ko ang pagkalalaki (2 huli)
di ko n~gani masasabi
ang buhay
mong mapuputi.
Soledad.--Huag kang lubhang pan~gahás
sapagka't araw ay kung sumikat
pag may kulog at kidlat

nagkukulimlim agad.
SALITAAN
Agong.--Pakatantoin mong sa tangapi't hindi sa oras na ito'y hindi
makikimi itong aking puso.
Soledad.--Ikaw'y namamali at di matutupad ang lahat mong
mithi.
_Susun~gaw sa bintana si Vico_.
Agong.--Ang sabing mataas huag ipan~gahás ang lahat kong nais pilit
matutupad.
Soledad.--Matutupad mo n~ga't ani mo'y malakás ang m~ga bisig mo;
¡lalaking ...!
Vico.--¡Pan~gahás!
Agong.--Sa n~gayon n~gayon din iyong tatangapin ang lahat
kong
impok nanasang pag-guiliw, at hindi ang hindi anyong yayacapin.
Soledad.--¿Iyong pipilitin?
Agong.--Oo, oo, oo.
Soledad.--¡Ah lahi kang taksil!

Ang lahat n~g ito ay iyong asahan
masusunod mo n~ga kung ako ay
patay
Dudukutin ang punyal n~guni't kung hindi
ang kasasapitan
dito ay babaha _anyong sasaksakin, biglang
lalabas
si Ludovico pipigilin ang kamay ni
Soledad_.
Vico.--Isalong ang punyal.
¡Itago ang punyal baca madun~gisan!
Sayang ang punyal mo na magkakadun~gis
pumatay sa isang gaya
nitong ganid
mabuti pa ang hayop hindi nangagahis
gaya nitong
tigre, hantik sa limatik.
Sayang nitong aking m~ga pagtatapat
n~g pakikisama sa gaya mong
oslak
sayang ang n~galan mong sa baya'y natanyag
ang kapurihan
ko'y di mo na nilin~gap.
Ano pa't ang ukol marapat na gawin
sa isang gaya mo, ang huag
batiin
pagka't kawan~gis ka n~g hayop na kambing
kahit anong
damo ay ibig lamunin.
¡Huag matigagali ikaw ay man~gusap
matapang sa musmos, duag sa
malakas
ibig mong mag-apô sa pipe at bulag
duag, dun~go, kimi, sa
nakákasukat.
Agong.--Huag palabisin ang pananalita at n~g di sa dugo dito ay
bumaha.
Vico.--¿Ano ang tinuran?
Agong.--Ikaw ay gumawa _dudukot n~g punyal_.
Vico.--Ikaw pa ang matapang ...
Agong.--Wala kang hiya. _Lalabas na biglang bigla si Bacocoy at si
Pedro_.
Ang dalawa.--Ikaw ang lalong walang hiya _sasakalin si Agong n~g

dalawa maglalabasan ang m~ga obrero may m~ga dalang garrote_.
Agong.--Bakokoy ¿bakit ka nakapan~gusap?
Bakokoy.--Bakokoy, isip mo yata ako'y pipe, kaya pala ibig na ibig
mong makisama sa akin dahil sa ako'y pipe, kawikaan mo'y kahit
anong gawin mo'y masusunod mo ang ... pag-aapô-apoan, mula
n~gayon iwala mo na sa isip mo ang pang-uulol at nahahalata ka na.
Agong.--Pedro, tio Pedro huag mo akong sakalin.
Pedro.--Tatawagin mo pa akong tio Pedro ganyan pala ang ugali mo,
wala kang ibig úlulin kundi ang pinakikinaban~gan. Hoy tignan mo,
dahil sa iyong kasamaan kita ay kina-aawaan, pagka't anong magagawa
ko talaga n~g palang masama ka.
Juan.--Maraming kuntil butil ¿lalantakan ko na po? _aambaan n~g
hampas n~g garrote_.
Vico.--Huag, huag at marurumihan ang inyong dan~gal na
sumakit sa
gaya niyan, ang marapat na gawin dayukdukin sa hapis at saka bayaan.
Pedro.--Kung gayon alsa tayong lahat. _Babalaan at waring

mag-aalisan_.
Agong.--¿Saan kayo magsisiparoon?
Bakokoy.--Huag mo na kaming habulin n~g hindi ka mapahamak.
_Lalabas si María may dalang ilaw_.
Maria.--¿Sinong pan~gahas iyan?
Agong.--Ako Maria.
Maria.--Ah, ikaw pala, n~gayon ka lamang namin nakilala kaya pala
ibig na ibig mong ikaw ay susundin, ¿ha? taksil, baliw, talipandás,
balawis, ganid, halimaw, lilo; sukab, ulupong at ... ¿Ano pa ba ang
masamang na sa diccionario, para maitumbas ko sa sama n~g tawong

iyan? ¡Wala na! Husto na, kaya ... Bakokoy, Pedro, Juan. Handa kayo.
_waring aambaan n~g tatlo
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 21
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.