poonin sambahin
towina.
At sa pagbalik ko ako'y hihiwalay
hindi ko na nais ang pakisamahan
at pagkagaling ko doon sa Kalasiao
sa inyong lahat na, ay mag
papaalam.
Bakokoy.--Ako'y hindi pipe n~g iyong matalos kung ikaw,i,
aalis ako
poy susunod pagkat ang puso ko'y marunong umirog maalam
tumampal sa mapag dios dios.
Pedro.--Ng inyong matanto akoy hindi komang matigas tigas pa ang
aking balakang n~g iyong matatap aking binatukan ang mapagmapuri
na apô-apôan.
Agong.--Sa loob. Pedro, Bakokoy.
Ang Dalawa.--Tinatawag kami n~g hunghang.
_aalis patakbo ang dalawa lalabas si Soledad malungkot si Vico naman
sa dakong kanan._
ESCENA X.
Soledad.--Irog kong asawa kabiyak nang dibdib mangyaring
dinguin
mo ang ipagsusulit kung ako ay tunay iyong ini-ibig sa araw na ito
huag kang umalis.
Vico.--Hindi mangyayari; asawa kong sinta ang lakad kong
ito'y
iyong maantala na sa pagbalik ko ay nakahanda na akong humiwalay sa
aking kasamá.
Sa gayon ay paalam.
Soledad.--Huag mo akong iwan.
Vico.--Magtiis asawa ko.
Soledad.--Tanto mo n~g dati
kung ikaw'y málayo
n~g dalawang oras,
nasikdo ang puso
kung
na sa tabi ka'y
biglang bumubugso
ang tanang ligaya.
Vico.--Aking natatanto
Kaya n~ga't sa tui nang
ikaw'y malálapit
sa aking panin~gin
ang
asa ko'y lan~git
kung na sa tabi ka'y
masaya ang dibdib
kahit
nalulunos
pilit nabibihis.
Soledad.--Alin pa ang lan~git
na di na sa akin
kung sa bawat oras
ikaw ay kapiling
kapiling ka
lamang
kahi ma't malibing
bangkay mang mistula'y
bilang sa
buhay rin.
Vico.--Anong sarap mong magmahal.
Soledad.--Ako'y iyong ipagsama lambing.
Vico.--Huag na asawa ko paalam aalis malungkot si Soledad.
Soledad.--Hindi ko napiguil ang asawang irog _Lalabas si
María_.
ESCENA XI.
Maria.--¡Solédad! ¿Bakit nalulungkot?
Soledad.--Si Ludovico'y umalis.
Maria.--Bayaan mo't babalik.
Soledad.--¡Oh María! Ako'y mayroong nais n~gayong ipagtatapat.
Maria.--Turan mo Soledad n~g aking matatap.
Soledad.--Ang lilong si Agong magdaraya't sukab ay sa gabing ito'y ga
ibig man~gahas. Ibig pan~gahasan ang pagka babai ilublub sa lusak sa
asawang puri mahigpit na bantâ mamayang alas once gagahisin ako.
Maria.--¿Ano ang sinabi? ¿Bakit di sinabi sa iyong asawa ang
masamang nasa n~g kanyang kasama.
Soledad.--¡Hindi ko maatim! maniwala Maria ang bigyang
damdamin
asawa kong sinta.
Maria.--Diwa'y ibig mo, eh?
Soledad.--¡Oh Maria! ako'y iyong turuan n~g makaligtas sa
kamay
n~g halimaw.
Maria.--Kung gayon tayo na sa loob at lihim nating pag-usapan _aalis
ang dalawa lalabas si Agong, Bakokoy at Pedro waring
nagbubulun~gan_.
ESCENA XII.
Agong.--Talastas na ninyo ang inyong gagawin ang magdadala
n~g
tampipe, ikaw; ang maleta, ikaw; ihahatid ninyo sa tren huag kayong
aalis sa estacion hangang hindi umaalis ang tren niyang sinasakian, at
walang sala mamiyang gabing mag aalas once, kayo din ang aking
katulong.
Pedro.--N~gunit.....
Agong.--Walang n~gunit, ang malalaking bagay na aking na isip ay
nasusunod, ¿ito ba lamang ang hindi? kapag kayo'y hindi sumunod sa
nais ko, susumpain kayo n~g Bayan? ¿Hindi ba ninyo alam pág hindi
ninyo tinupad ang bilin ko ipa boboycotage ko kayo at ako ang inyong
punô? kung ang sambayanang tawo sumusunod sa bawat maibig ko ay
kayo pa bang susuay, hindi mangyayari at saka natin tignan.
Bakokoy.--Naku parang kung ito'y magalit sa akin ay
natatakot ako.
Agong.--Gayon din sabihin sa ating kapanalig, na sa lahat n~g
botohang ating gagawin ako ang inyong iboto, gayon din na inyong
papilmahan sa lahat ang papel na ito sa pan~galan ko.
Pedro.--¿Ano ba iyan?
Agong.--Huag n~g ipabasa, ang nakatalata diyan ating
paa-alisin sa
tungkol si Doctor dahil sa siya'y bubulong.
Pedro.--¿Baka ikaw ay namamali?
Agong.--¡Tío Pedro! ¡Tio Pedro! huag ninyo akong
pagsusuman~gin
ako ang ilagay ninyo sa tungkol niyang taglay, sapagka't akó ang
inyong puno. Lalabas si Vico.
Vico.--M~ga kasama ako'y nahuli sa primer viahe kaya't sa
segundo
na ako sasakay.
Agong.--Sa bagay pala'y ikaw ay naparoon na.
Vico.--Oo katoto.
Agong.--Yayakapin ¡Oh! napakasíkap na aking kasama; kasama, kong
magandang puso, _sa bawat koma ay wun~gol si Pedro at si Bakokoy_
kasama kong mapagtapat.
Pedro.--N~g ipagbili ni Judas si Jesus ay niyakap muna.
Agong.--Kasama kong pinaglagakan n~g aking pagkakatiwala, at
kasamá kong ...
Pedro.--Kasamá.
Vico.--¿Baka tanghaliin ako kasamá.
Agong.--Bueno Bakokoy ang tampipe, Pedro, ang maleta samahan
ninyo ang aking kasamá.
Vico.--Bueno kasama adios _aalis ang tatlo urong n~g urong si Agong
hangang sa matihaya sa Palihan at puro adios ang sinasabi_.
Agong.--Adios, adios, adios, adios. _Pagkatihaya mutación
calle
Lalabas si Ludovico, Pedro at Bakokoy_.
Bakokoy.--Ludovico kung sa hanga po n~g akin ay hindi co po ibig ang
ikaw ay umalis sa gabing ito: dahil nabalitaan ko po sa isang kaibigan
na lolooban ang inyong oficina kapag kayo'y umalis.
Vico.--Nariyan naman ang aking kasama upang magtangol.
Pedro.--Inaakala mo bang inaaring tawo n~g lahat ang iyong
kasama?
kilala na n~g lahat ang pagka apô-apô niyan, ang sabihin mo'y dahil pa
sa tawong iyan kaya lolooban ang oficina; kaya't akong may sabing
huag kang magtuloy; manubok ka n~gayong alas once n~g gabí at
walang salang di may saka mangyayari; sa kali't wala kang makita
magpatuloy ka bukas n~g pag-alis.
Vico.--Bahala na at aking iisipin paalam m~ga kapatid
aalis.
Bakokoy.--Hindi rin tayo pinakingan.
Pedro.--Paanong ating gagawin kung gagahisin na si Soledad?
Bakokoy.--Babalugbugan ko. ¿Ikaw paano pong nasa sa loob mo?
Pedro.--Nasa sa loob ko kapag pinagpahamakan niya ang puri
n~g
ating kasamahan ay
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.