Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan) | Page 3

Pantaleón S. Lopez
o tignan mo.

Biglang hahampasin sa tiyan si Bakokoy.
Bokokoy.--Aray, ha ha ha.....
Pedro.--¿Bueno, ibig mo? iyan man hindi rin bulag.
Bokokoy.--Opo.
Pedro.--Pag sinabi sa iyong ganito _ikukumpas ang kumay sa

mukha_ babayi ang kailan~gan kukumpas uli pag ganito lalaki.
Bokokoy.--Opo.
Maria.--Mabuti, insayuhin mong mabuti iyan at papasok ako
dito sa
loob aalis.
ESCENA VI.
Pedro.--¿Magkanong sueldo ang ibig mo?
Bokokoy.--Kahi't na po magkano uubo sa loob si Agong.
Pedro.--Humanda ka at nandito na. Lalabas si Agong.
Agong.--Pedro, aha? sino iyan?
Pedro.--Ibig pumasok na alila pinapag-antay ko dahil sa pipe, baka
wika ko maibigan mo.
Agong.--Aha, oo kung pipe ay ibig ko n~ga magkano an~g sueldo
tanun~gin mo.
Pedro.--Bokokoy.
Agong.--Anong n~galan?
Pedro.--Bokokoy, ayon sa recomendación na aking tinangap.
Hoy,
kukumpasan kung magkano ang ibig sahurin magkano ang ibig mong
sueldo.

Bokokoy.--Ikukumpas na limang piso.
Pedro.--Límang piso daw.
Agong.--Comforme ako, hoy _tatampalin sa balikat kukumpasan n~g
kahit anong makita huag sasabihin_ huag mong sasabihin ¿ha?
Bokokoy.--Ong.... _tatan~gotan~go_.
Agong.--Tio Pedro, anong sagot ni Soledad?
Pedro.--Tio Agong, pillo ka pala naghain ka pala n~g pag-ibig kay
Soledad.
Agong.--He, he, he.... Saragate ka tio Pedro, marahil
binuksan mo
ang sulat.
Sa tuina't magtatawanan ang dalawa makikitawa si Bokokoy.
Pedro.--Hindi ko binubuksan kung di binasa sa akin ni
Soledad, dahil
sa kilala ni Soledad na marunong akong magkubli n~g lihim,
samantalang kanyang binabasa dinadasal ko naman ang sampung utos
n~g Dios, n~g marinig niyang ang ika anim na utos n~g Dios na huag
makiapid sa may asawa namun~gay ang mata, saka tumawa n~g lihim
kaya't tila tinatangap na ang iyong pag-ibig _magtatawanan

maquiquitawa si Bakokoy._
Agong.--Hoy, ¿bakit ka tumatawa?
Pedro.--Talagang ganyan iyan, pagnakakita n~g tumatawa
nakikitawa
din ha, ha, ha ... Tatawa si Pedro makikitawa si Bokokoy nakita mo na
di nakikitawa naman.
Agong.--Aba sien~ga a, dahil sa ang aking pagkaalam, ay
tungkol
pipe, siempre bin~gi.
Pedro.--Oo n~ga bin~gi n~ga iyan sa iyon ang kanyang ugali, pag
nakakita n~g tumatawa nakikitawa, anong magagawa natin: tawanan

mo; pag hindi ka tinawanan talo ako.
Agong.--Hoy, _n~gin~giti si Agong n~gin~giti din si Bokokoy,
hahalakhak si Agong hahalakhak din si Bokokoy._
Pedro.--Kaya wala tayong dapat katulun~gin sa pagligaw mo kay
Soledad kung hindi iyan.
Agong.--¿Saan naroroon si Soledad? _lilin~gon si Pedro

masusuliapan si Soledad na lumalabas._
ESCENA VII.
Pedro.--Naito siya't dumarating Patakbong aalis.
Agong.--Ay! Soledad!
Soledad.--Aba bastos na tawo ito, hindi na kayo nahihiya,
kahit may
tawo.
Agong.--Diyan ay huag kayong mag-alaala, pagka't tan~gi sa
iyan ay
pipe, bin~gi pa ¡Ay Soledad!
Soledad.--Di ka na nan~gimi sa aki'y maghain ¿n~g iyong
pagsinta?
¡may lahi kang taksil!
Agong.--¿Maging sala kaya ang gawang gumiliw?
Soledad.--Sukat na, sukat na,
may dilang matabil.
Dapat mong lin~gapin
ang aking asawa

marunong mag tapat
sa pakikisama,
maguing araw gabi,
tanghali't
umaga
trabaho ang ibig
upang guminhawa.
Bagá man sakali iyong namamálas
sa ibang babae ang ugaling judas

ako naman sana'y huag mong itulad
tatampalin kita....
Bakokoy.--Frefeta Jeremias.

Agong.--
Huag maguing tampal sukdang maging suntok
titiisin ko
rin taglay n~g pag-irog
kahit sa n~gayon din buhay ko'y matapos
iibiguin kita.
Bokokoy.--Santo Nicodemus.
Agong.--Ako'y kilanlin mo sa bayan ay tanyag bawa't nasain
ko'y
nasusunod agad.
Soledad.--Kung magkaganito matwid ay baligtad, n~guni't huag gawin
sa nan~gadidilat.
Agong.--Pag-ibig ko'y tuloy, hindi magagatol pagka't akong
apô....
Bokokoy.--Malapit lumindol.
Agong.--Ang kahit bumaha n~gayon din n~g apoy, ini-ibig kita
yayakapin.
Soledad.--Iilag Ah, lahing Faraon.
Dika na nahiya n~g asal mong iyan
isang may asawa iyong
pan~gahasan
bulok ang puso mo, may lahing halimaw
di ka na
natutong magbigay pitagan.
Agong.--Itong pagsinta kong nakintal sa dibdib hindi maaampat ano
mang masapit ang yakap kong ito, hulog na n~g lan~git hahagkan pa
kita....
Soledad.--Halimaw, balawis. Wala kang damdamin tawong walang
wasto: marun~gis ang dibdib maitim ang puso: darating ang araw
noong pagka pugto n~g gaya mong sakim mapag apô-apô. _Tatampalin
pagkatampal aalis patakbo._
Bokokoy.--Aray....
Agong.--¿Nakita mo ang guinawa sa akin? Pakumpas.

Bokokoy.--Ong ... pailing-iling.
Agong.--Huag kang magsasabi kanino man _pakumpas aalis si

Agong sapolsapol ang mukha biglang tatawa si Bokokoy pagkaalis._
Bokokoy.--Walang hiya pala itong apô-pô namin dito.
Darating si Lodovico lalabas sa fondo at si Soledad sa kaliwa.
ESCENA VIII.
Vico.--Oh Soledad kailan man ikaw ay na sa aking piling,
hindi ko
nakikilala ang kamatayan.
Soledad.--¡Ó Asaua ko! kailan mang oras di kita masilayan,
tanto
akong nalulumbay.
Vico.--Tunay kaya?
Soledad.--Tunay.
Vico.--Kung gayon ay dínguin.
MUSICA No. 3
Vico.--Kung totoong iyong tinuran
iabót ang iyong kamáy
Soledad.--Naito aking hirang
at huag ang kamay lamang
kung di pa sampúng katawán
Vico.--Oh laking kaligayahan
Tantoin mo aking guiliw
ikaw ang sasalaminin,
buhay ko man ay
mairing
dito magpahangang libing.
Soledad.--Sa oras na masanghayâ

nag bulaklak yaring tuâ
at naparam ang dalita
sa ligaya'y sumagana.
Sol. at Lvo.--Itong ating kaligayahan
waring araw na sumilang
ligaya'y ating kamtan
dito sa pag-iibigan

Anong sarap anong tamis,
ang linamnam n~g pag-ibig
di mandin
maiwawan~gis
sa ligaya n~g angeles
Lalo na n~ga't kung kaulayaw

ang sintang minamahal
wari man din tinanglawan
n~g m~ga
bitui't buan.
SALITAAN.
Vico.--Asawa ko, kahit ang pagod ko'y halos makaputol n~g

hinin~ga kapag ikaw ay nasa piling naiisbang walang liban.
Soledad.--Kaawa-awa kang tunay sa iyong kasamá, iyo ang
pag-luhâ,
iyo ang pagdaing, iyo ang pagtaghoy, at iyo pa ang damdamin.
Vico.--Hindi magkakagayon at sino ang tawong iyan hoy, ¿Sino ka?
Bakokoy.--Sino naman kaya ito. _Kukumpas
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 21
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.