isang ugaling muy ordinario, baga man mauban,
ang laman n~g utak ay kamangman~gan, isang tawong mapag-ulol sa
kababayan, isang tawong madalas sangkalanin ang bayan, isang tawong
mapag apôapôan, isang tawong hantik pa sa limatik, isang tawong
mapagpasamba sa tanto niyang han~gal, isang tawong tumandâ sa
pagkabusabos, at isang tawong....
Soledad.--Hintay ka po muna.
Pedro.--Ah, hindi mona maa-awat, isang tawong kung hindi mo
alintanahin ang kanyang....
Soledad.--Tapusin mo na po.
Pedro.--Aba ay tapos na n~ga, ¿ano naman ang ipagtatapat mo sa akin?
Soledad.--Marahil po'y tanto mo, na kung hindi dahil kay
Ludovico,
ay hindi uusbong ang kaniyang kabuhayan.
Pedro.--Oo n~ga, tanto ko, kaya't ang pamarali ni tio Agong, si
Ludovico daw ay socio industrial sa pandayang ito.
Soledad.--Madalumat mo po bang ialay sa akin ang kanyang
pag-ibig,
madalumat mo po bang nasain n~g Agong na iyan, na ihapay ang puri
n~g kanyang pinakikinaban~gan.
Pedro.--Ito'y hindi ko n~ga madadalumat at dapat ko namang
dalumatin, na baka kaya naman ang ibig niyang mangyari, sapagka't si
Ludovico ay socio industrial niya sa pandayan, siya nama'y maging
socio industrial ni Ludovico sa iyo ha, ha, ha ... ito'y hindi natin
masusukat.
Soledad.--Kaya't yayamang sa aking asawa'y wala akong sukat
magagawang paraan upang ipamalay sa kanya ang m~ga bagay na ito
ikaw na po ang magsabi sa kanya.
Pedro.--No puede ser hija de Dios.
Soledad.--¿Hindi ka po ba nahahabag sa aking asawa?
Pedro.--No puede ser hija de Dios. takot na takot ako sa
basagulo,
kung iyan ay sabihin ko kay Ludovico at paputukin naman ni Ludovico
ang ulo niyan, di pati ako'y hila-hila sa Juzgado.
Soledad.--¿Ano po itong sulat na ibinigay mo sa akin?
Pedro.--Si tio Agong ang nagpapadala sa iyo niyan, huag ko
daw
pagpapahamakang buksan.
Soledad.--N~g iyo pong matanto babasahin ko sa iyo _bubuksan ang
sulat_.
Guiliw kong Soledad: Gaáno kayang pagtataká ang tatamuhin n~g
iyong mapayapang dibdib na kung sa kalatas kung ito'y matantô ang
laki n~g aking pag-ibig.
Pedro.--Samantalang binabasa mo, dadasalin ko naman ang
sampung
utos n~g Dios, Luluhod. Ang una ibigin ang Dios na lalô sa lahat.
Soledad.--Ini-ibig kita hangang huling tibok n~g aking
paghin~ga
kahi't dios man ang humadlang.
Pedro.--Ang ikalawa huag kang manumpa sa sa n~galan n~g Dios.
Soledad.--Ikaw ang pan~gin~gilinan ko't igagalang.
Pedro.--Ang ikatlo sa lahat lamang n~g lingo at pista ka
man~gin~gilin.
Soledad.--Soledad igagalang kita.
Pedro.--Ang ikaapat igalang mo lamang ang ina mo't ama gayon din
ang katwiran.
Soledad.--Mamahalin kita n~g higit sa buhay.
Pedro.--Ang ikalima huag pumatay n~g tawo.
Soledad.--¡Ay Soledad! ikaw ang buhay ko.
Pedro.--Ika anim huag kang makiapid sa di mo asáwa.
Soledad.--Ikaw Soledad ang tan~ging numakaw n~g aking puso.
Pedro.--Ang ikapito huag mong nanakawin ang ipinagkakatiwala sa
iyo.
Soledad.--Soledad n~g aking buhay ang ninasâ kong ito'y hindi
mahahadlan~gan kahit ang Dios.
Pedro.--Ikawalo, huag kang mapagbintang sa kapua mo, bago
bago
ikaw ang lilo.
Soledad.--Soledad ko, ikaw ang pinagnasaang pagkamatayan n~g aking
pag-ibig.
Pedro.--Ikasiam huag pagnasaan ang asawa n~g kapua mo.
Soledad.--Guiliw kong Soledad ikaw ang aariin kong kaisang
puso.
Pedro.--Ikasampu huag mong pagnasaan ang ari n~g iba, lalo na kung
iguinagalang ka.
Soledad.--Hahanganan kona ang takbo nang pluma sapagka't ikaw din
ang iibiguin ko kahit anong karatnan.
Pedro.--Ang sampung utos n~g Dios dalawa ang kinauuwian:
ibiguin
mong iyong kapua gayon din ang Dios, at bayaan mong mamili sila
kung alin ang kanilang ibig titindig. Pues iha ikaw ang makapamimili
n~g iyong ibig.
Soledad.--Kaya n~ga po tio Pedro, gawan mo po n~g paraan
walin sa
kanyang loob ang kanyang nina-nais sa kayo din po ang kaututang dila
niyan.
Pedro.--Bueno, pabayaan mo,t, akong bahala.
Soledad.--Siya diyan napo kayo aalis.
Pedro.--Saragating tawo itong si Agong Maria, Maria _lalabas si
Maria_.
ESCENA IV.
Maria.--Ano.
Pedro.--Natatanto mo itong si Tio Agong; ibig palang lumigaw dito kay
Soledad, Jesus mariosep bakit ko ba naipagtapat dito.
Maria.--¿Si Soledad na asawa n~g kanyang kasamá?
Pedro.--Oo.
Maria.--Maniwala kana sasinasabi kona sa iyo,t, ang sinalibad n~g
isang laksang iyan e.
Pedro.--Ako pang guinawang taga dala nang sulat.
Maria.--Sinasabi ko sa iyo,t, iyang pagka meketrepe mo á
¿Hindi
kaba na hihiâ sa tawo na iyang tandâ mong iyan ay pumasok kang ...ow
_aambaan n~g suntok_ pag hindi ko pinaaguasa ang ilong mo á ¿Bakit
ba sunod ka n~g sunod sa hayop na iyan?
Pedro.--Mangyari ako'y natatakot baka akoy maturang hindi
mabuting kababayan.
Maria.--Naku.....pag hindi ko binalibol ang bun~gan~ga mo á, ang
sukat mong akalain itong aking sasabihin: kung ang tawo bang iyan ay
mabuting cristiano, dapat bang pag nasaan ang asawa n~g kanyang
kasamá.
LALABAS SI BAKOKO'Y
ESCENA V.
Bokokoy.--Magandang araw po.
Pedro.--¿Sino?
Bokokoy.--¿Sino puba ang amo dito?
Pedro.--¿Bakit?
Bokokoy.--Ibig ko pu sanang manilbihan.
Maria.--¿Baka hindi ka makatatagal dito?
Bokokoy.--Tatagal po.
Pedro.--N~g akoy maligtas sa m~ga basagulo ipasok ko ito, hoy ¿ano
ang pan~galan mo?
Bokokoy.--Bokokoy po.
Pedro.--Dito'y talagang nan~gan~gailan~gan n~g alilà,
datapua't
isang alilang pipe, dahil sa ikaw ay hindi pipe tuturuan kitang maging
pipe, pagka't ang amo dito ay ayaw makikisama kung hindi sa pipe,
bulag, at kimaw na gaya ko; ako man ay hindi rin kimaw
nagkikimawkimawan lamang ako,
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.