na hindi kaulóng ang madlang ligaya, ang madlang
paglin~gap n~g amáng masuyo't m~ga kakilala.
Datapwa'y sumapit sa giliw kong bayan ang isáng binatang anák n~g
mayaman at doo'y tumirá upang magparaan n~g iláng panahón sa
gawang man~gaso't m~ga paglilibáng, dalá palibhasa na di kailan~gan
ang maghanap buhay.
Siya ay bihasá't ugaling Maynila, makiyas ang tindíg, mabikas
magwika, walang isáng bangít n~g pananalita na malulusután nang
isáng tukuyi't handugán n~g nasa sa n~galang pagsintáng animo'y
larawan n~g boong adhika.
¿Anó ang dadatnín n~g bata kong puso sa gayóng katamís na m~ga
pagsamo?... akó'y nápalulong sa gawang sumuyo at sa bisig niya'y
linagók ang tamís n~g madlang pan~gako na di maglililo.... at di
babayaang akó'y masiphayo.
Hangáng sa sumapit ang isáng panahóng ang punlang pagsintá namí'y
nagkausbóng at akó'y iniwang sakbibi at kalong n~g m~ga pan~gambá:
lipós agam agam, kipkíp n~g lingatong, balót kahihiyán sa madlang
kilalá't sa amáng may ampón.
Nápalaot akó sa maraming hirap, sa bawa't sandali puso'y alapaap, wari
sa sarili'y batíd na n~g lahát ang kalagayan ko, at ang aking lihim ay
bantóg at kalát sa boong bayanáng handa sa pagkutya't diladilang libák.
Ang pakikisama't pakikipanayám sa kasuyosuyong m~ga kaibigan ay
napawing lahát, aking iniwasan sampung makiulóng sa m~ga kaanak at
madlang pininsan, dahil sa takot ko, na baka matanto yaóng kalagayan.
Sa gayón n~g gayón, araw ay dumatíng na di na magawang itago ang
lihim, at sa pagkatakot sa amá kong giliw, akó ay nagtanan; dinalá ang
munting hiyas at dámitin upang mahanap ko ang pinagsanglaán n~g
puri't panimdím.
Aking pinagsadya nang upáng isamo na kanyáng lin~gapin ang sariling
dugo, ang bun~gang malusog n~g aming pagsuyo, n~guni't ... ¡ay n~g
palad! nang mátagpuán ko ang giliw n~g puso ay walang tinamó kung
di ang pagdusta't madlang pagsiphayo:
Akó'y itinabóy sa kanyáng tahanan at pinagkamít pa n~g wikang
mahalay. na, umanó'y, iyong bun~gang tinátagláy, ay hindi kaniya, at
akó'y babaing walang karan~galan, pagka't sa bala na ay nakilaguyo't
nakipagsintahan.
Kahit isáng mundó ang biglang bumagsák ay di nakatulíg, sa akin, ang
lagpák nang kagaya niyong salitang masakláp sa karan~galan ko; akó'y
bumulagta't ang diwa'y tumakas; n~guni't nang magbalík yaong
pagkatao'y wala na ang sukáb.
Tinulun~gan akó sa gawang magtindíg n~g isáng utusáng may tagláy
na tubig, at saka nang akó ... ¡sa laki n~g hapis! ay namimighati, sinabi
sa aking dapat nang umalís at doon ay walang magpapahalagá sa
pinag-uusig.
At sabáy sa gayóng wikang walang tuós, pitong lilimahing pawang
gintóng pulós ang ibiníbigay at iniáabót sa akin ... Bathala!... yaón ang
halagáng sa akin ay limós niyong walang budhing nag-abóy sa palad na
kalunoslunos.
Matá ko'y nagdilím; hindi napaghaka na ang kaharáp ko ay isáng alila,
aking sinungabán ang salaping handa't saka inihagis sa harapan niyóng
taong alibugha, na sabáy ang sabing: akó'y di babaing walang puri't
hiya.
Magmula na noon, akó ay naghanap. upang ipaglaban ang buhay na
salát; akó ay nanahi hangáng sa nan~ganák at ang sintáng bunso, na
n~gayó'y tangulan sa madla kong hirap, ay nagíng tao na at siya'y
nagtanáw n~g unang liwanag.
Kaya't iyang bukong iyong linalan~git ay anák n~g isáng mayamang
malupít at itóng kaharáp ay isáng nagkamít n~g n~galang buhaghág,
pagka't di nagawang ang puri'y iligpít at naipaglaban sa gahasang
udyók n~g isáng pag-ibig.
N~gayóng talós mo na ang lihim n~g buhay nitóng pinara mong tunay
na magulang at n~gayóng talós din ang pinanggalin~gan ni Teta mong
sintá, ikáw ang magsabi, kung ang pagmamahál na tinátagláy mo'y
marapat ó hindi magbago n~g kulay.»
Sa gayóng tinuran, si Pedro'y nagwika, na tutóp ang dibdíb--Dan~ga't
magagawa na pagibayuhin ang sintáng alaga, dapat pong alamíng,
dinagdagán sana, pagka't naunawa ang inyóng tiniís sa laláng n~g isáng
lalaking kuhila.
¿Sino ang may sala: ang pusong naghandóg n~g isáng matapát at boong
pag-irog ó ang nagkuhila, dumaya't umayop sa nagkatiwala? Kung sa
ganáng akin, ang dapat mahulog sa lusak n~g kutya'y ang sa kanyáng
dugo'y natutong lumimot.
--Salamat, anák ko,--ang putol ni Atang-- at di ka kagaya n~g ibang
isipan; magíng awa, kahit, ang iyong tinuran ay nagpapahayag na sa
iyong piling ay di sisilayan ang giliw kong bunso n~g isáng pagdusta sa
pinanggalin~gan.
XI.
ANG YAMAN AT ANG PURI.
Isang bagong Creso kung sa kayamanan at isang Atila sa kaugalian,
isang Carlo-Magno sa nauutusan at Cingong alipin sa pinápasukan.
Walang karan~galang di nasa kaniya, ang lahát ay daíg, sa m~ga
pamansá, walang linilin~gap na katwirang ibá liban sa katwiran n~g
kanyáng bituka.
Wikang kababayan, ay isang salita na ang kahulugán, sa kanyá, ay bula;
¿kalahi, ay anó? ¿anó kung madusta may salapi lamang na sukat
mápala?
Sa loob n~g bahay na pinápasukang gawaang tabako'y walang
pakundan~gan sa m~ga mahirap na nan~gag-aaráw na kung
pagmurahín ay gayón na lamang.
N~guni't kung sa haráp n~g namumuhunan ay piping mistula at
mababang asal, sumagót pa'y waring binibining banál na hindi
marunong magtaás n~g tanáw.
Itó ang ginoong sa dukha ay
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.