sa sandalíng idlíp, agád agád kitáng
mápapanaginip sa wari'y kausap: kung minsán ay galít at kung minsán
namá'y iyong iniibig ... at ang boong suyo'y aking kinákamit.
Pag ang una'y siyang sa aki'y sumagi, kung akó'y magisíng ... ¡kay
laking pighati! n~guni't kung ang hulí'y lalong dalamhati pagka't
mákikitang sa isáng sandali.... ang aking ligaya ay biglang napawi.
Kaya't kung nangyaring di ko námalayan ang tamís n~g iyong bukong
pagmamahál, dinalá sana hanggáng sa libin~gan ang lihim na sintáng
aking tinatagláy.... --Kay sama mong tao!
--Inulit na namán!... --Huwag kang magtangól! Kung iyong dinalá
han~gang sa libin~gan ang lihim mong sintá, ¿di pinagtagláy mo n~g
dálita't dusa itóng sumusuyó't abang kaluluwa na, kahit di tanto'y,
umiirog palá?...
Ikáw ay lalaki't iyong nababatíd ang maraming anyo n~g isáng pag-ibig,
n~guni't ang gaya kong pusong matahimik ¿anó ang malay kong ang
lamán n~g dibdíb ay isáng paggiliw na abót sa lang~it?
¿Anó ang malay kong iyong agam-agam sa maminsanminsáng hindi
mo pagdalaw ay kakulay palá niyong pagmamahál, at ang pagnanasang
mákita ko ikáw ay isáng pagsintá't pag-irog na tunay?...
Kung takíp-silim na't di ka dumádatíng ang matá ko'y litó at
pasulingsuling; itinátanóng ko sa sariling akin kung nasa saan ka,
datapwa'y malalim na buntónghinin~ga ang madalás kamtín.
Kung nápupuná kong ikáw ay may sákit dahil sa mukha mong may
larawang hapis, diwa, ay nasa kong sa iyo'y iibís ang gayóng pighati,
na lason sa dibdíb, dan~ga't di mahilíng na iyong isulit.
Akó'y kasama mo sa iyong pan~garap ó kung nágigisíng akó ang
kaharáp, akó namáng itó, sa lahát n~g oras, ay walang adhika kung di
ang matatap kung may sayá ka ó kaya'y may hirap.
Sa gabíng pagtulog ay nágugulantáng pagka't, sa wari ko, kitá'y
kaagapay; kung may ginágawa, ay gayón din namán, sa bawa't lagitlít
akala ko'y ikáw ang siyang lalapit sa aking likurán.
Ibig kong mangyaring ang lahát mong lihim ay aking matanto, tuguná't
damdamín; n~guni't kung sumagi sa aking panimdím na baka sakaling
ikáw ay may giliw ... akó'y nagdurusa't puso'y nalalagím.
Ang lubhang madalás, kung akó'y magdasál at sa Poong Dios ay
nanánawagan, aking nápupunáng hindi dumadatál ang dalan~ging
handóg sa ating Maykapál pagka't ikáw'y siyang dinádalan~ginan.
Ang lahát n~g iyon ay hindi ko batíd na larawan palá n~g isáng
pag-ibig, kung di ka sumulat at ipinagsulit sa akin, ni iná, ang lamán
n~g dibdíb.... ¿di akó'y nátirá sa gawang magtipíd?
¿Di sa pagtan~gis ko sa iyong paglayo ay di mababatíd na iyó'y
pagsuyo? ¿di nangyari sanang ang aba kong puso ay pinagdusa mo't
ipinasiphayo gayóng walang sala namáng natatanto?
--Patawad Tetay ko! Akin n~ga ang sala kaya't inaantáy ang iyong
parusa.... --Kay buti-buti mo; ¡parusahan kitá! ¿di pinasakitan ang akin
ding sintá, sákit mo't sákit ko'y hindi ba iisá--
Ang lan~git ma'y hindi magandáng pan~garap at yaó'y sadlakan n~g
lahát n~g lunas ay hindi titimbáng sa tinamóng galák n~g puso ni Pedro,
dahil sa pahayag n~g kaniyang sintáng pinakaliliyag.
X.
ANG LIHIM NI ATA.
Malaonlaón pa bago nahanganán ang gayóng kasaráp na pag-uusapan,
hangáng sa natapos ang tahi ni Tetay at siya'y nagbihis nang upang
madalá sa paghahatirán at kanyáng masin~gíl ang ipamimili n~g
ikabubuhay.
Kanyáng pinagyaman ang gawang tahii't kay Pedro'y hinin~gi ang
siya'y hintaín upang may magbantáy sa ináng náhimbíng sa
pagkakatulog; at nang may lumin~gap at sukat tumin~gín (samantalang
wala) sa kanyáng may sakít, sakaling mágisáng.
Si Pedro'y naiwa't (Si Tetay sumaglít, na, sa isáng kamáy, ang baluta'y
kipkíp) n~guni't di naglao't si Ata'y nagtindíg sa kinahihigán, pagka't
hindi tulóg, gaya n~g sinambít n~g anák na giliw, at inantáy lamang na
itó'y umalís.
[Larawan: Binata't dalaga'y kapuwa naiwan na magkaagapay sa
kinauupan; kapuwa tahimik, kapuwa alan~gán at kapuwa mandin
nagkakahiyaan, gayóng magkalapít sa isáng luklukan.--(Pág. 35)]
Kaniyang tinikís na silá'y lisanin upáng mákausap ang binata natin,
dahil sa mula pa nang kanyáng malining ang pagsisintahan n~g
dalawáng pusong pinakagigiliw ay ibig na niyang ihayág ang isáng
mahalagáng lihim.
Nagbalík sa dating kaniyang luklukan at ang bagongtao'y
pinakiusapang dumin~gíg sandali sa madlang tuturan na ukol sa lihim
niyong maralita't dukhang kabuhayan niláng mag-iiná; bagay na di taho
n~g taong sino man.
--«Ang bálong si Ata, ang ulilang Teta, ang babaing hapo, ang
magandáng bata, dalawáng mag-ináng mananahi kapwa; itó lang ang
laging tan~ging kasagutang kakamtín sa bala mong mapagtanun~gáng
kapit-bahay namin.--ang kay Atang wika.--
Datapwa't sino ma'y di nakababatíd kung saan nangaling nang dito'y
sumapit, at kung anóng bagay ang siyang pumilít na dito'y tumahán, at
kung anóng buhay na kasakitsakit ang aming dinaán kung kaya
nangyaring sa dusa'y nagtiís.
Ikáw na kapwa ri't ulilang hinabág n~g palalong yamang sukál sa
mahirap, ikáw na malapit mákaisáng palad ni Teta kong sintá'y dapat
makabatíd kung saan nagbuhat ang ginigiliw mo; kung siya ay anó't
kung kanino anák:
Akó'y isáng bukong kinandóng n~g san~gá sa gitna n~g madlang
ulayaw at sintá; walang agam-agam, ang puso'y masayá, walang
munting kilos
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.