Ang mga Anak Dalita | Page 5

Patricio Mariano
na kabaitan, daw, ang
hindi pag-imík.
Sa gayón n~g gayó'y nákaugalian n~g nan~gan~gasiwa ang
paglapastan~gan ... waláng bigong kilos na hindi may tampál, suntók,
sikad, batok, sa munting magkulang.
¡O, gayón na lamang ang pag-alipusta sa inuupahang m~ga maralita!
ibayo't ibayo ang dagdág sa gawa at sa upa namán ay baba n~g baba.
Datapwa't ang tao'y hindi makadaíng pagka't natatakot na silá'y alisín,
dahil sa maraming kahit na gayonín ay nakikiagáw, dahil sa kakanin.
Sa bawa't umalís na isáng pinasláng ay sampu ang palít na nag-uunahán,
kahit na mababa ang upang ibigáy ay tatangapín ding walang
agam-agam.

Nakikita itó n~g lilong mayama't ikinatutuwa ang pagayóng asal n~g
nagpapaupá, kaya't kadalasa'y malaon mang lingkód ay di tinitingnán.
Sa munting magkulang ang kahi't na sino, magíng matanda man ó kaya
ay bago, daglíng áalisin at tamád dikono kahit na ang sanhi'y may sakít
ang tao.
Ang ibig mangyari n~g namumuhunan ay ibaibayo ang tubong
mákamtán, dapwa't ang katulong na puhunang pagál ay huwag
magtamó n~g milmá man lamang.
¿Paanong di gayón, ay hindi kabalát? ¡ang puhunang dayo ay walang
paglin~gap..! ¿anó kung mamatáy tayo ritong lahát yumaman lang silá't
magbalón n~g pilak?
¿Sa kanilá'y anó kung tayo'y masawi, masasawi bagá ang kanilang lahi?
silá ay dayuha't dayo ang salapi, kahit makaapí'y walang
n~gimin~gimi.

VI.
HIRÁP ANG MAHIRAP.
Ang bagay na itó'y mapaglalabanan kung ang mangagawa'y
man~gagtútulun~gán, n~guni't hindi gayó't bagkús ang irin~ga'y siyang
naghahari sa m~ga upahán.
Madalás, na, silá ang nan~gaguudyók n~g upáng ang ibá'y magtamóng
pag-ayop; silá, sa kasama, ang nan~gaglúlubóg sa nasang maagaw ang
sa ibáng sahod.
Ang pusong masakím (n~g sahól sa kaya) ay walang dalahin kungdi
ang mamansá n~g madlang pagdusta sa galáw n~g ibá yamang di
mangyaring mapantayán niya.
Si Inggit, si Lihim, si Dimapagtapát ay siyang sambahing laging
náuunlák, samantala namáng sa luha'y násadlák si Damay, si Tulong, si

Ampó't si Lin~gap.
Walang bigong kilos na hindi kaaway niyong mangagawa ang kapwa
upahán, na mapagmapurí't dila ang tangulang ipinangtutulong sa
namumuhunan.
Sa madaling sabi: di lamang ang lupít n~g lilong salapi ang nakaiinís,
kung hindi sampu pa n~g ugaling ganid n~g kaisang uring taksíl sa
kapatíd.
Kaya't matatawag na silá ang uway na laging panggapos sa m~ga
kawayan; silá ang kapatíd, silá ang kakulay at siláng silá rin ang
nakamamatáy.
Mahalagá't tunay iyong sáwikaíng: "hiráp ang mahirap sa anomang
gawín; hiráp sa harapán n~g umaalipin at hiráp sa asal n~g kasamang
taksíl".
Ang bagay na itó'y siyang nangyayari sa pinapasuka't gawaan kong dati,
kaya't náisip kong makapagsarilí ó masok sa ibáng hindi mapang-apí.
Sapagka't sa aking m~ga kasamahán ay wala ang budhing marunong
dumamay, silá silá na rin ang nag-iinisan gayóng ang marapat ay ang
magtulun~gán.
Sa gayóng pahayag, si Ata'y sumagót n~g payong maraha't salitang
malambót, na anyá'y:--Anák ko, huwag panibulos sa bigláng sigabó
n~g bata mong loob.
Kahit anóng gandá sa bigla mong tin~gí'y huwag na mabulag ang iyong
damdamin, hindi pawang ginto ang nan~gagniningníng, maná pa'y
marami ang magíng kalaín.
«Maging anóng buti n~g hindi kilala'y mahirap timban~gán kay sa
kilala na» iyong pag-usiging huwag kang mapara sa isáng nangyari.
Ikaw'y manain~ga:

VII.
ISANG ALAMAT NI ATA.
«Sa isáng lupaíng lubhang maligaya na tapát n~g lan~git na laging
masayá'y may Mutyang sumibol na tan~gi sa gandá at nakawiwili sa
tumin~gíng matá.
Kaya't ang sino mang sa kanyá'y lumapit ay nabibighaning sumuyo't
umibig at walang matigás, ni bakal na dibdib, na hindi naakay n~g
tagláy na dikít.
Siya'y mapayapa at walang ligamgám, puso'y náhihimbíng at laging
tiwasáy, walang ninanasa kungdi ang mabuhay na lubhang malaya, sa
katahimikan.
Maná isáng araw, na di iniisip, siya'y linapitan n~g Dulóng na ganid, na
tagláy ang nasa at tangkang magahís ang yaman at gandá n~g Mutyang
marikít.
Datapwa't ang budhing hindi nan~gan~galay mag-iwi sa isáng boong
kalayaan ay hindi umayon, at sa kalakasan n~g Dulóng ay lakás ang
ipinatanáw.
Ang mahinhíng asal ay bigláng pinawi, sa n~gipin ay n~gipin ang
itinungalí, hanggáng sa mangyaring ang palalong budhi n~g
manggagahasa'y nagbago n~g uri.
Agad ikinanlóng ang n~giping matalas at n~giting magiliw ang
ipinamalas, dinaan sa himok ang hindi pumayag sa gahasang iwa't
pakikipaglamas.
Giliw, suyo, luhog at madlang paraya ang ipinatanáw sa mahinhíng
Mutya at itó namán ay agad namayapa, nanalig na lubós, nagboong
tiwala.
Tinangáp ang haing m~ga panunuyo at hindi nápuna ang handang
panghibo, agád nápalulong ang mahinhíng puso at di inakalang yaó'y

isáng silo.
Ipinaubaya sa madayang giliw ang lamáng malinis n~g boong
panimdím; sinunód na lahát ang bawa't máhilíng niyong may tagláy na
kataksilang lihim.
Sa gayó'y nagdaan ang isáng panahón na lubhang panatag at walang
lingatong, hanggáng sa nákitang ang hayop na Dulóng ay nagdating
asál; nanila na tulóy.
Dito na nangyari ang kasakitsakit, na ang dating laya ay siyang
tuman~gis at iyong nan~gako n~g boong pag-ibig ay siyang halimaw
na nagpakaganid.
Daya, lupig, dahás ang namaibabaw na siyang nápalít sa panuyong asal,
walang bigong-kilos na
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 17
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.