suriin ay mahahalata na ibá ang ayos, at iba n~gang
sadya.
Sapagka't ang dating iyong pagmamahál sa ibáng kilalá't m~ga
kaibigan ay hindi rin iyon ang suyong bubukál sa isáng pagsintá na
bagong dinamdám.
Yaón ay taganás na pagmamasakit, pagpapaumanhí't pakikikapatíd,
n~guni't itóng isá'y damdaming matamís na may panibugho't madlang
pagtitiís.
Ang bawa't salita nitóng nan~gun~gusap, sa dibdib ni Teta ay
nagpapahirap, pagka't unti unting kanyáng námamalas na pawa n~gang
tunay ang sa ináng saad.
Kaya't, ang kaniyáng kamáy, pinagduop, sa haráp n~g iná'y biglang
nápaluhód, at sabáy sa luhang sa matá'y nanagos, náwikang:--¡Iná ko,
akó'y umiirog!
Kung yaring hinagpís nitóng kaluluwa at pagkabagabag n~g
damdaming dalá ay tanda n~g aking paggiliw sa kanyá.... ¡patawad, iná
ko!... akó'y sumisintá!...
--Patawad! ¿at bakit?--ang kay Atang turing, na lubhang masuyo, sa
anák na giliw. --Pagka't nagawa kong sa iyo'y maglihim n~g
damdaming dalá n~g puso't panimdím.
IV.
SI PEDRO.
Isáng manggagawa, ginoo n~g sipag, mabikas ang tindíg, noo'y
aliwalas, di mayamang suot ay nagpapahayag, na siya'y matalik na
kawal ni "Hirap".
Ang magandáng tin~gi'y nagpapahalata n~g ugaling mahál, kahit
marálita, at ang kanyáng labi'y hindi nagbabala n~g asal na ganid n~g
m~ga kuhila.
Itó ang binatang bigláng nakiluhód, sa harap ni Atang nápagitlá halos,
na sabáy ang sabing:--Salamat, sa loob na ipinatanaw sa aking
pag-irog.
Ang ating dalaga'y nagulumihanan, pagka't nákilalang silá'y
nápakingán ninyong kapwa-batang kanyáng minámahál at iniirog pa
nang higít sa buhay.
Mukha'y itinun~go n~g ating dalaga at ayaw isilay ang magandáng
matá; waring nahihiya nang ang lihim niya ay hindi na lihim sa tunay
na sintá.
Ang ináng may sakít, na siyang matanda na nakatataho n~g damdaming
bata, ay siyang sumagót n~g tugóng payapa sa pamamagitan n~g
ganitóng wika:
--Oo, tunay Pedro; ang iyong pag-ibig ay malaon na n~gang may
sadyang kapalít at kahit nangyaring malabis kong batíd ay hindi
humadláng, bagkus nanahimik.
Sapagka't alám kong ang iyong paggiliw sa sintá kong Teta'y lubhang
taimtím at walang gabahid na ikadudusing n~g tagláy na puring
kanyáng inaangkín.
Batíd ko rin namáng sa isáng gaya mo ay lubhang malayo ang ugaling
lilo, kaya't pinayagang ikáw ang magtamó sa pusong malinis n~g
sintáng anák ko.
Datapwa't ang tan~ging aking dináramdám ay ang lagáy naming lipos
kasalatán at wala na mandíng mábangít na yaman liban na sa dagsa
nitóng kahirapan.
--Iná ko, sukat na ¿yaman pa'y aanhín kung isáng biyaya ang magiging
akin? at saka sa kulay n~g aking paggiliw ay di náhahalo ang sa
yamang ningníng.
Akó'y inianák sa pagdadalita at kámpón ni Hirap sapol pagkabata.
musmós pa man halos bísig ko'y pinata at nagíng kawal na n~g haring
Paggawa.
Ang tan~gi ko lamang pinakahahanap ay ang isáng pusong mayaman
sa lin~gap at ang pusong itó'y aking natatatap na si Tetay lamang ang
siyáng may in~gat.
Datapwa'y gayón man, kahit aking batíd, na, sa sarili ko, siya'y iniibig
ay hindi ginawang aking ipagsulit, sa tunay na irog, ang lamán n~g
dibdíb.
At talagá sanang aking itatago nang lubhang malalim sa loob n~g puso,
at baka sakaling ang kanyáng pagsuyo ay naidulot na sa ibáng sumamo.
At kungdi nangyaring akíng nápakingán ang m~ga salita n~g irog kong
Tetay, salitang nagbukás niyong kalan~gitán sa palad kong aba, di sana
nagsaysáy.
--Irog!... Sinun~galing!--ang wikang banayad n~g ating dalaga--kung
akó ay liyag, ¿bakit mo nagawa ang lálayo't sukat, gaya nang tinuran sa
iyong sinulat?
--Iná naming irog; ikáw ang humilíng sa anák mong sintáng akó'y
patawarin. --Pinatatawad ka, n~guni't sásabihin kung bakit náisip ang
kamí'y lisanin.
Kayó'y man~gagtindíg--ang wika ni Ata sa ating binata't sa ating
dalaga-- kayo'y magsiupo at saka ibadyá ni Pedro ang sanhi n~g
pag-alís niya.
V.
PAGHABÁG N~G PUHUNAN.
Matapos na silá'y makapag-upuan sa papag na siráng ang paá ay kulang,
binuksán ni Pedro't agad sinimulán ang sanhing nag-udyók n~g
kanyáng pagpanaw:
--Akó'y isáng bugtóng ni amá't ni iná at batíd na ninyóng malaong ulila,
kaya n~ga't nangyaring kahit hindi kaya nitóng katawán ko, akó'y
nagpaupá.
Gayón na n~ga lamang ang isáng mahirap, na walang mag-ampó't sukat
na lumin~gap, dapat ugaliin, ang butó, sa batak kung ibig mabuhay at
huwag masalát.
Bukód pa sa roon, ang taong may dan~gal ay dapat batakin ang butó't
magpagal, at huwag mabuhay n~g hambáhambalang ó kaya'y umasa sa
m~ga sugalan.
Kahit may salapi't nakaririwasa kung ang pamumuhay ay pagalagala at
di ginagamit ang butó sa gawa, ay tinatawag din namáng: hampáslupa.
Akó ay naglingkód, na bilang nag-aráw, sa isáng gawaan n~g di
kababayan, n~guni't sa pagpasok ay may kasunduang kung maraming
gawa'y may upang katimbang.
Inihalál akóng magíng katiwala sa isáng pulutóng niyóng manggagawa.
na kagaya ko ring pawang maralita n~guni't lalong salát sa kaya at
haka.
¡M~ga abang tao! ¿anong sasapitin? súsunód na lamang sa bawa't
sabihin, kung busabusaang animo alipin ay wala n~g kibó't mababa ang
tin~gín.
Paano'y, ang mangmáng, kahi't may matuwid, ay umíd ang dila at pipi
ang bibig; laging nananan~gan sa tuntuning lihís
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.