hapis mo, bakit di ibadyá? --ang kay Tetang
tugo'y--Walang bagay iná.
Naalala lamang na kungdi ihatid yaríng aking tahing panyong maliliit
ay wala na tayong sukat ipangtawid sa loob n~g araw n~g lingong
sasapit.
Kaya't kung ibig mo, ináng ginigiliw, ay maghinahon na't ikaw ay
kumain, n~g upáng matapos ang aking tahii't aking maihatíd sa
n~gayón n~gayón din.
--Ikáw na anák ko ang siyang humigop niyang nátitirang nakuha sa
palyók --ang wika n~g ináng halos nalulunod sa lakí n~g dusang sa
puso'y nagdoop.
Dito na nangyari ang pagpipilitán, n~g bugtóng na anák at sintáng
magulang; aayaw ang isá't ang isá ay ayaw, na wari'y kapuwa busóg na
n~gang tunay.
Kahit mapag-aba't matigás na dibdíb ang sa anyong iyo'y minsang
makásilip ay mahahabág di't pápasukang pilit niyong pagkaawa sa
mag-ináng ibig.
Pagka't ang kaniláng pagpapasunuran ay buko n~g isáng boong
pagmamahál, ang ibig ni Ata'y mabusóg si Tetay at si Tetay namá'y ang
kanyáng magulang.
¿Sino n~ga bang iná ang makababatá na hindi kumain ang anák na
sintá? n~guni't sinong anák ang makakakaya na makitang gutóm ang
giliw na iná?
Kaya't ang nangyari, silá'y nagkásundo na ang bawa't isá'y tig-iisang
subo doon sa nálabí na pagkaing luto na kaunting lugaw ina may
luhang halo!
III.
¡GUMIGILIW!
At n~g makatapos, iná'y pinagyama't saka iniupo sa sadyang luklukan
na kahit sira na'y mayroong hiligán na nakasasaló sa dakong likurán.
At siya'y lumuklók sa dakong ibaba upáng bigyang hanggá ang
náhintong gawa, n~guni't anóng lakí n~g tinamóng mangha nang ang
panahia'y kanyáng mausisa.
Sapagka't sa loob n~g kanyáng tahiin ay may nakatagong kaputol na
papel na hindi mabatíd kung saan nangaling, kaya't itinanóng sa inang
kapiling.
--¿Sino ang may dalá n~g sulat na itó? ¿naparito bagá kanina si
Pedro?-- --Oo--aní Ata--siyang nakita ko na tan~ging gumaláw n~g
panahian mo.
At saka umalís na tila may lumbáy sapagka't malungkót niyong
magpaalam at ang idinugtóng sa huling tinura'y ang bábalík siya sa
katanghalian.
Ang puso ni Tetay ay halos tumahíp sa sabi ni Ata na kanyáng
nadin~gíg, pagka't hindi niya lubós na maisip ang pinanggalin~gan n~g
gayóng ligalig.
¿Anó't ginawa pa ang siya'y sulatan? ¿anó ang sa papel ay
nápapalamán? yaó'y talinghaga, kaya n~ga't binuksán, upang
mapagtanto ang lamán n~g liham.
Dátapwa ... ¡Oh lan~git! Di pa natatapos sa kanyáng pagbasa, ang
luha'y umagos, at sabáy sa isáng matinding himutók, mukha'y
nápatun~gó't kamáy pinagduóp.
Si Ata'y nágulat sa gayong nákita at biglang tinanóng ang anák na sintá.
--Ay iná kong giliw! Anáng pagkapaklá nitóng kapalarang aking
dinadalá!
Akó, inang irog, ay lubhang mapalad sa gitna n~g ating madlang
paghihirap at yaring dibdíb ko'y lubós na panatag at walang ligalig
akóng mátatawag.
Datapwa't aywán ko, aywán ko kung bakit at di ko mapigil ang
paghihinagpís dahil sa paglayong sa sulat sinambít n~g kapuwa bata't
kalaro kong ibig.
Yaríng abáng puso'y nalulunod mandín sa bayóng malakas nitóng
paninimdim, na sakasakali na tayo'y lisanin ay baka hindi na muling
mákapiling.
Aywán ko kung bakit, n~guni't yaríng luha ay di ko mapigil sa kanyáng
pagbaha at kung gunitaín ang bawa't salita n~g sulat na itó, akó'y
nanglálata.
At diwang ang aking boong kaluluwa ay nababalutan n~g matinding
dusa ... ¿anó kaya itó?--Iyan ay pagsintá-- ang pan~giting sagót n~g
giliw na iná.
--¡Oh! pagsintá itó?--Ang tanóng ni Tetay na tutóp ang dibdíb n~g
dalawang kamáy, --Oo, aking anák; iyang pagmamahál na tinátagláy
mo ay pagsintáng tunay.
Iyan ang larawan n~g isáng paggiliw na anák n~g iyóng pagirog na
lihim; di mo natatanto pagka't nahihimbing, sa kapayapaan, ang iyong
panimdím.
N~guni't n~g magdamdám n~g munting gambala, gaya n~g paglayong
hindi inakala'y sumilakbóng agád ang pamamayapa, at nagpakilala sa
sabík na nasa.
Iyan ang nangyari sa bata mong puso na di nakabatíd n~g iba pang
suyo liban sa malambíng at tapát na samo nitóng iyong ináng matanda
na't hapo.
Malaon nang lubhang aking naramdamán ang inyóng matapát na
pagsusuyuan, n~guni't di pinigil, bagkús binayaan ang binhi n~g
inyóng sintáng tinatagláy.
Sapagka't alám kong totoong malinis ang pagsusuyuang inyóng
ginagamit ... --Kung gayón, iná ko--ang kay Tetang sulit-- ¿ang unang
silakbó n~g sintá'y pasakit?
Diyata't hindi na mangyaring mabatyág ang lasáp n~g sintá kungdi sa
pahirap? --Hindi namán gayón--ang sa ináng saad-- kung minsa'y
ganyán n~ga't kung minsa'y malunas:
Kung minsan, sa piling n~g kapayapaa'y núnukál ang binhi n~g
pagmamahalan at sa pagtatama n~g dalawáng simpán, ang muntíng
sandali, ay nagiging tuláy.
Upang ang pagsuyong sabik sa pahayag ay magpakilala sa irog at liyag
at ang puso namáng nagtimping maluwat ay magpahalata n~g kanyáng
paglin~gap.
Sapagka't ang sintá ay hawig sa puno na ang binhi niya'y ang n~galang
pagsuyo at pinakadilig, nang upáng lumago, ay ang katamisan n~g
m~ga pagsamo.
Kahit na maunlád ang kanyáng paglakí ay di mahalata nang may daláng
kasi, kungdi matatangki't mapagmunimuni na may ibáng nasa ang
pusong sakbibi.
Nasáng náhahawig sa isáng gunita, nasa na animo'y uhaw ang kamukha,
n~guni't kung
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.