Ang mga Anak Dalita | Page 7

Patricio Mariano
dan~ga't di mahilíng na iyong isulit.
Akó'y kasama mo sa iyong pan~garap ó kung nágigisíng akó ang kaharáp, akó namáng itó, sa lahát n~g oras, ay walang adhika kung di ang matatap kung may sayá ka ó kaya'y may hirap.
Sa gabíng pagtulog ay nágugulantáng pagka't, sa wari ko, kitá'y kaagapay; kung may ginágawa, ay gayón din namán, sa bawa't lagitlít akala ko'y ikáw ang siyang lalapit sa aking likurán.
Ibig kong mangyaring ang lahát mong lihim ay aking matanto, tuguná't damdamín; n~guni't kung sumagi sa aking panimdím na baka sakaling ikáw ay may giliw ... akó'y nagdurusa't puso'y nalalagím.
Ang lubhang madalás, kung akó'y magdasál at sa Poong Dios ay nanánawagan, aking nápupunáng hindi dumadatál ang dalan~ging handóg sa ating Maykapál pagka't ikáw'y siyang dinádalan~ginan.
Ang lahát n~g iyon ay hindi ko batíd na larawan palá n~g isáng pag-ibig, kung di ka sumulat at ipinagsulit sa akin, ni iná, ang lamán n~g dibdíb.... ?di akó'y nátirá sa gawang magtipíd?
?Di sa pagtan~gis ko sa iyong paglayo ay di mababatíd na iyó'y pagsuyo? ?di nangyari sanang ang aba kong puso ay pinagdusa mo't ipinasiphayo gayóng walang sala namáng natatanto?
--Patawad Tetay ko! Akin n~ga ang sala kaya't inaantáy ang iyong parusa.... --Kay buti-buti mo; ?parusahan kitá! ?di pinasakitan ang akin ding sintá, sákit mo't sákit ko'y hindi ba iisá--
Ang lan~git ma'y hindi magandáng pan~garap at yaó'y sadlakan n~g lahát n~g lunas ay hindi titimbáng sa tinamóng galák n~g puso ni Pedro, dahil sa pahayag n~g kaniyang sintáng pinakaliliyag.

X.
ANG LIHIM NI ATA.
Malaonlaón pa bago nahanganán ang gayóng kasaráp na pag-uusapan, hangáng sa natapos ang tahi ni Tetay at siya'y nagbihis nang upang madalá sa paghahatirán at kanyáng masin~gíl ang ipamimili n~g ikabubuhay.
Kanyáng pinagyaman ang gawang tahii't kay Pedro'y hinin~gi ang siya'y hintaín upang may magbantáy sa ináng náhimbíng sa pagkakatulog; at nang may lumin~gap at sukat tumin~gín (samantalang wala) sa kanyáng may sakít, sakaling mágisáng.
Si Pedro'y naiwa't (Si Tetay sumaglít, na, sa isáng kamáy, ang baluta'y kipkíp) n~guni't di naglao't si Ata'y nagtindíg sa kinahihigán, pagka't hindi tulóg, gaya n~g sinambít n~g anák na giliw, at inantáy lamang na itó'y umalís.
[Larawan: Binata't dalaga'y kapuwa naiwan na magkaagapay sa kinauupan; kapuwa tahimik, kapuwa alan~gán at kapuwa mandin nagkakahiyaan, gayóng magkalapít sa isáng luklukan.--(Pág. 35)]
Kaniyang tinikís na silá'y lisanin upáng mákausap ang binata natin, dahil sa mula pa nang kanyáng malining ang pagsisintahan n~g dalawáng pusong pinakagigiliw ay ibig na niyang ihayág ang isáng mahalagáng lihim.
Nagbalík sa dating kaniyang luklukan at ang bagongtao'y pinakiusapang dumin~gíg sandali sa madlang tuturan na ukol sa lihim niyong maralita't dukhang kabuhayan niláng mag-iiná; bagay na di taho n~g taong sino man.
--?Ang bálong si Ata, ang ulilang Teta, ang babaing hapo, ang magandáng bata, dalawáng mag-ináng mananahi kapwa; itó lang ang laging tan~ging kasagutang kakamtín sa bala mong mapagtanun~gáng kapit-bahay namin.--ang kay Atang wika.--
Datapwa't sino ma'y di nakababatíd kung saan nangaling nang dito'y sumapit, at kung anóng bagay ang siyang pumilít na dito'y tumahán, at kung anóng buhay na kasakitsakit ang aming dinaán kung kaya nangyaring sa dusa'y nagtiís.
Ikáw na kapwa ri't ulilang hinabág n~g palalong yamang sukál sa mahirap, ikáw na malapit mákaisáng palad ni Teta kong sintá'y dapat makabatíd kung saan nagbuhat ang ginigiliw mo; kung siya ay anó't kung kanino anák:
Akó'y isáng bukong kinandóng n~g san~gá sa gitna n~g madlang ulayaw at sintá; walang agam-agam, ang puso'y masayá, walang munting kilos na hindi kaulóng ang madlang ligaya, ang madlang paglin~gap n~g amáng masuyo't m~ga kakilala.
Datapwa'y sumapit sa giliw kong bayan ang isáng binatang anák n~g mayaman at doo'y tumirá upang magparaan n~g iláng panahón sa gawang man~gaso't m~ga paglilibáng, dalá palibhasa na di kailan~gan ang maghanap buhay.
Siya ay bihasá't ugaling Maynila, makiyas ang tindíg, mabikas magwika, walang isáng bangít n~g pananalita na malulusután nang isáng tukuyi't handugán n~g nasa sa n~galang pagsintáng animo'y larawan n~g boong adhika.
?Anó ang dadatnín n~g bata kong puso sa gayóng katamís na m~ga pagsamo?... akó'y nápalulong sa gawang sumuyo at sa bisig niya'y linagók ang tamís n~g madlang pan~gako na di maglililo.... at di babayaang akó'y masiphayo.
Hangáng sa sumapit ang isáng panahóng ang punlang pagsintá namí'y nagkausbóng at akó'y iniwang sakbibi at kalong n~g m~ga pan~gambá: lipós agam agam, kipkíp n~g lingatong, balót kahihiyán sa madlang kilalá't sa amáng may ampón.
Nápalaot akó sa maraming hirap, sa bawa't sandali puso'y alapaap, wari sa sarili'y batíd na n~g lahát ang kalagayan ko, at ang aking lihim ay bantóg at kalát sa boong bayanáng handa sa pagkutya't diladilang libák.
Ang pakikisama't pakikipanayám sa kasuyosuyong m~ga kaibigan ay napawing lahát, aking iniwasan sampung makiulóng sa m~ga kaanak at madlang pininsan, dahil sa takot ko, na baka matanto yaóng kalagayan.
Sa gayón n~g gayón, araw ay dumatíng na di na magawang itago ang lihim, at sa pagkatakot sa amá kong giliw, akó ay nagtanan; dinalá ang munting hiyas at dámitin upang mahanap ko ang pinagsanglaán n~g puri't panimdím.
Aking pinagsadya nang upáng isamo na kanyáng
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 16
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.