umapí't humalay; aking hahanapin na mabigyáng dan~gál ang puhunang pawis n~g puhunang yaman.
Dahil sa di dapat na pamalagiin ang ugaling itó na walang halagá sa salaping sakím ang pagod na gugol n~g matitiising pusong manggagawa na inaalipin.
Salapi't Paggawa'y dapat na magtimbáng sa tamuhíng tubo ... --?At ikáw, anák ko,--ang tanóng ni Atang-- ang magpupumilit sa dakilang bagay ang hindi nagawa n~g lalong maalam?....
--Aking pipiliti't kung hindi mákamit-- anang bagongtao-- ay di magsisisi, sa gugol na pawis; ang panúnuntuná'y ang bugtóng na sulit na: "akó'y tumupád sa n~galang maghasík".
N~guní't kung mabatíd n~g kahanapbuhay ang sadyang halagá n~g m~ga katulong n~g isang puhuna'y di na mangyayari itóng kalagayan naming m~ga dukhang wari'y kasangkapan;
Na kukunin lamang kapag gagamitin at kung masira na'y itatapontapo't titisúdtisurin, kaya'y babayaan na iwan at datnín n~g madlang sakuna't akbáy na hilahil.
At ang m~ga pagod, isip, pawis, puyat na pawang ginugol sa ikalalago n~g puhunang pilak ay di magkaroon n~g timbáng na bayad liban sa pag-apí at m~ga pahirap.
Aking hahanapin ang ikahahan~go n~g bayang masipag, niyang manggagawang lagi nang siphayo n~g m~ga may yaman, upáng mapalago ang ugaling banál n~g di mapaglugso.
--Magandáng adhika!--ang putol ni Teta-- --Datapwa't pan~garap!-- ang saglít ni Atang walang paniwala-- iyá'y mangyayari kung dito'y mawala ang pag-aagawán, inggita't pagpula.
Matapos ang gayóng m~ga salitaan ang ating matanda'y lumapit sa dating baníg na hihigan, dalá palibhasa niyong kahinaan, sa gawang maupo'y hindi makatagál.
IX.
DALAWANG PUSO.
Binata't dalaga'y kapuwa naiwan na magkaagapay sa kináuupán; kapuwa tahimik, kapuwa alan~gán at kapuwa mandín nagkakahiyaan, gayóng magkalapit sa isáng luklukan.
Marahil, sa budhi'y kapuwa may tago na ibig sabihin, n~guni't di mátagpo kung saan simulán ang usapang wasto na ikatutun~go at ikabubunggo. sa ibig ihayag n~g kaniláng puso.
Ang isá at isá'y diwa nag-aantáy sa pagpapáuná niyong kaagapay; ang isá at isá'y ibig na magsaysay, datapwa'y pagsapit n~g nasang máturan sa kaniláng labi'y n~gin~giti na lamang.
Hangáng sa nangyaring ang n~giting palihím n~g ating binata'y kay Tetang nápansín ... --N~gumin~giti ka pa--ang wikang mahinhín na may magkahalong hinampó at giliw at diwang ang sintá'y ibig pang sisihin.
--?Bawal ba ang n~giti? --Oo, aking bawal sa masamang tao. --Kay dali ba namán n~g aking pagsama!! Kakahapon lamang ay mabuti akó ... at n~gayóng málaman na minámahál mo'y ... saka pa humalay?
--?Bakit ka naglihim? --Pagka't di ko batíd kung may maáantay ang aking pag-ibig, at hindi ko nasang abutin ang sákit na pagkamitín mo n~g tugóng mapaít na mayroon ka nang katipán sa dibdíb.
--Kung nagtapát ka ba'y di sana natanto kung anó ang lamán nitóng aking puso ... --?At kung ang tamuhín ay ang pagkataho na walang pag-asa ang aking pagsuyo ... ?hindi lalo ko pang ikasisiphayo?
Hindi mo lang alám ang lakí n~g sintá't ang iniaalay sa isáng kalulwá ... --?Hindi ko alám? Bah!... --N~guni't di kagaya n~g dináramdám ko, niyong di ko taya na títimban~gán mo ang giliw kong dalá.
Ang dibdíb ko niyó'y wari isáng dagat na laging maalo't lubhang mabagabag, nan~gan~gamba akóng sa iyo'y naagtapát at ang tinátamó'y libolibong hirap kung hindi mangyari ang pagpapahayag.
Sa tuwituwi nang akó'y paparito ay handang handa nang magtapát sa iyo, datapwa'y pagsapit, at mákausap mo, ay walang wala na ang madlang simpán ko't walang nalalabí kung di pagkalitó.
Kung nasa haráp mo ay piping mistula ang nákakabagay n~g labi ko't diwa, n~guní't kung wala ka'y sa lahát kong gawa'y ang iyong larawan ang kasalamuha, kasanggusangguni at laging gunita.
Kung gabíng malalim at di mákatulog, magbaban~gon akó't maglílibotlibót ... ang akala mo ba kitá'y nalilimot?... sa bawa't sulin~gang lan~git, daán, sulok, ang iyong larawan ang nápapanood.
Kung máhimbing namán, sa sandalíng idlíp, agád agád kitáng mápapanaginip sa wari'y kausap: kung minsán ay galít at kung minsán namá'y iyong iniibig ... at ang boong suyo'y aking kinákamit.
Pag ang una'y siyang sa aki'y sumagi, kung akó'y magisíng ... ?kay laking pighati! n~guni't kung ang hulí'y lalong dalamhati pagka't mákikitang sa isáng sandali.... ang aking ligaya ay biglang napawi.
Kaya't kung nangyaring di ko námalayan ang tamís n~g iyong bukong pagmamahál, dinalá sana hanggáng sa libin~gan ang lihim na sintáng aking tinatagláy.... --Kay sama mong tao!
--Inulit na namán!... --Huwag kang magtangól! Kung iyong dinalá han~gang sa libin~gan ang lihim mong sintá, ?di pinagtagláy mo n~g dálita't dusa itóng sumusuyó't abang kaluluwa na, kahit di tanto'y, umiirog palá?...
Ikáw ay lalaki't iyong nababatíd ang maraming anyo n~g isáng pag-ibig, n~guni't ang gaya kong pusong matahimik ?anó ang malay kong ang lamán n~g dibdíb ay isáng paggiliw na abót sa lang~it?
?Anó ang malay kong iyong agam-agam sa maminsanminsáng hindi mo pagdalaw ay kakulay palá niyong pagmamahál, at ang pagnanasang mákita ko ikáw ay isáng pagsintá't pag-irog na tunay?...
Kung takíp-silim na't di ka dumádatíng ang matá ko'y litó at pasulingsuling; itinátanóng ko sa sariling akin kung nasa saan ka, datapwa'y malalim na buntónghinin~ga ang madalás kamtín.
Kung nápupuná kong ikáw ay may sákit dahil sa mukha mong may larawang hapis, diwa, ay nasa kong sa iyo'y iibís ang gayóng pighati, na lason sa dibdíb,
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.