man lamang.
?Paanong di gayón, ay hindi kabalát? ?ang puhunang dayo ay walang paglin~gap..! ?anó kung mamatáy tayo ritong lahát yumaman lang silá't magbalón n~g pilak?
?Sa kanilá'y anó kung tayo'y masawi, masasawi bagá ang kanilang lahi? silá ay dayuha't dayo ang salapi, kahit makaapí'y walang n~gimin~gimi.
VI.
HIRáP ANG MAHIRAP.
Ang bagay na itó'y mapaglalabanan kung ang mangagawa'y man~gagtútulun~gán, n~guni't hindi gayó't bagkús ang irin~ga'y siyang naghahari sa m~ga upahán.
Madalás, na, silá ang nan~gaguudyók n~g upáng ang ibá'y magtamóng pag-ayop; silá, sa kasama, ang nan~gaglúlubóg sa nasang maagaw ang sa ibáng sahod.
Ang pusong masakím (n~g sahól sa kaya) ay walang dalahin kungdi ang mamansá n~g madlang pagdusta sa galáw n~g ibá yamang di mangyaring mapantayán niya.
Si Inggit, si Lihim, si Dimapagtapát ay siyang sambahing laging náuunlák, samantala namáng sa luha'y násadlák si Damay, si Tulong, si Ampó't si Lin~gap.
Walang bigong kilos na hindi kaaway niyong mangagawa ang kapwa upahán, na mapagmapurí't dila ang tangulang ipinangtutulong sa namumuhunan.
Sa madaling sabi: di lamang ang lupít n~g lilong salapi ang nakaiinís, kung hindi sampu pa n~g ugaling ganid n~g kaisang uring taksíl sa kapatíd.
Kaya't matatawag na silá ang uway na laging panggapos sa m~ga kawayan; silá ang kapatíd, silá ang kakulay at siláng silá rin ang nakamamatáy.
Mahalagá't tunay iyong sáwikaíng: "hiráp ang mahirap sa anomang gawín; hiráp sa harapán n~g umaalipin at hiráp sa asal n~g kasamang taksíl".
Ang bagay na itó'y siyang nangyayari sa pinapasuka't gawaan kong dati, kaya't náisip kong makapagsarilí ó masok sa ibáng hindi mapang-apí.
Sapagka't sa aking m~ga kasamahán ay wala ang budhing marunong dumamay, silá silá na rin ang nag-iinisan gayóng ang marapat ay ang magtulun~gán.
Sa gayóng pahayag, si Ata'y sumagót n~g payong maraha't salitang malambót, na anyá'y:--Anák ko, huwag panibulos sa bigláng sigabó n~g bata mong loob.
Kahit anóng gandá sa bigla mong tin~gí'y huwag na mabulag ang iyong damdamin, hindi pawang ginto ang nan~gagniningníng, maná pa'y marami ang magíng kalaín.
?Maging anóng buti n~g hindi kilala'y mahirap timban~gán kay sa kilala na? iyong pag-usiging huwag kang mapara sa isáng nangyari. Ikaw'y manain~ga:
VII.
ISANG ALAMAT NI ATA.
?Sa isáng lupaíng lubhang maligaya na tapát n~g lan~git na laging masayá'y may Mutyang sumibol na tan~gi sa gandá at nakawiwili sa tumin~gíng matá.
Kaya't ang sino mang sa kanyá'y lumapit ay nabibighaning sumuyo't umibig at walang matigás, ni bakal na dibdib, na hindi naakay n~g tagláy na dikít.
Siya'y mapayapa at walang ligamgám, puso'y náhihimbíng at laging tiwasáy, walang ninanasa kungdi ang mabuhay na lubhang malaya, sa katahimikan.
Maná isáng araw, na di iniisip, siya'y linapitan n~g Dulóng na ganid, na tagláy ang nasa at tangkang magahís ang yaman at gandá n~g Mutyang marikít.
Datapwa't ang budhing hindi nan~gan~galay mag-iwi sa isáng boong kalayaan ay hindi umayon, at sa kalakasan n~g Dulóng ay lakás ang ipinatanáw.
Ang mahinhíng asal ay bigláng pinawi, sa n~gipin ay n~gipin ang itinungalí, hanggáng sa mangyaring ang palalong budhi n~g manggagahasa'y nagbago n~g uri.
Agad ikinanlóng ang n~giping matalas at n~giting magiliw ang ipinamalas, dinaan sa himok ang hindi pumayag sa gahasang iwa't pakikipaglamas.
Giliw, suyo, luhog at madlang paraya ang ipinatanáw sa mahinhíng Mutya at itó namán ay agad namayapa, nanalig na lubós, nagboong tiwala.
Tinangáp ang haing m~ga panunuyo at hindi nápuna ang handang panghibo, agád nápalulong ang mahinhíng puso at di inakalang yaó'y isáng silo.
Ipinaubaya sa madayang giliw ang lamáng malinis n~g boong panimdím; sinunód na lahát ang bawa't máhilíng niyong may tagláy na kataksilang lihim.
Sa gayó'y nagdaan ang isáng panahón na lubhang panatag at walang lingatong, hanggáng sa nákitang ang hayop na Dulóng ay nagdating asál; nanila na tulóy.
Dito na nangyari ang kasakitsakit, na ang dating laya ay siyang tuman~gis at iyong nan~gako n~g boong pag-ibig ay siyang halimaw na nagpakaganid.
Daya, lupig, dahás ang namaibabaw na siyang nápalít sa panuyong asal, walang bigong-kilos na hindi paghalay, kutya at pahirap na karumaldumal.
Hanggáng sa nagban~gon ang magandáng Mutya at nagpan~garap na n~g ikalalaya, iniwan ang laging pagwawalangdiwa at ang puting kamáy, sa dugo'y pinigta.
N~gunit nagkátaóng noó'y nagkagalít ang masibang Dulóng at yaóng Limatik at ang ating Mutya'y sa hulí humilig dahil sa pag-asang hindi manglulupig.
Nakitulong siya, sa Limatik, noon, dahil sa pan~gako nitóng pag-aampón, dapwa'y nang magahís ang palalong Dulóng ay lalo pang sákit ang kanyáng kinandong.
Sa madlang pag-asa'y pawang pag-hihirap ang siyang nápalit: nagipít, nasalát, ang impók na yama'y nasipsíp na lahát niyong magdarayáng may taksíl na han~gád.
Hanggáng dito yaóng buhay na malungkót n~g Mutyang magandáng di naghunos loob; humanap n~g ibá at ang nákadulóg ay lalo pang ganid, lalo pang balakyót.?
VIII.
??PAN~GARAP!!
Masabi ang gayón n~g nagsasalaysay, naghintong sandali, at saka nagwikang lubhang malumanay: --Huwag ding mangyaring iyong máparahan ang buhay n~g Mutya na aking tinuran.
--Hindi po marahil;--sagót n~g binatá-- pagka't hahanapin ang ikatatagpo n~g m~ga kapuwa na hindi marunong mag-asal kuhila at sa kasamahá'y magpapan~ganyaya.
Aking aakiting alisín ang asal niláng mapagbukód, at upang sa gayón ay aming makamtáng m~ga mangagawa iyong katubusang sa dating ugali'y hindi mahihintáy.
At hahanapin din ang mámumuhunán na sa taong dukha ay hindi marunong
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.