Ang mga Anak Dalita | Page 4

Patricio Mariano
masuyo, sa anák na giliw. --Pagka't nagawa kong sa iyo'y maglihim n~g damdaming dalá n~g puso't panimdím.

IV.
SI PEDRO.
Isáng manggagawa, ginoo n~g sipag, mabikas ang tindíg, noo'y aliwalas, di mayamang suot ay nagpapahayag, na siya'y matalik na kawal ni "Hirap".
Ang magandáng tin~gi'y nagpapahalata n~g ugaling mahál, kahit marálita, at ang kanyáng labi'y hindi nagbabala n~g asal na ganid n~g m~ga kuhila.
Itó ang binatang bigláng nakiluhód, sa harap ni Atang nápagitlá halos, na sabáy ang sabing:--Salamat, sa loob na ipinatanaw sa aking pag-irog.
Ang ating dalaga'y nagulumihanan, pagka't nákilalang silá'y nápakingán ninyong kapwa-batang kanyáng minámahál at iniirog pa nang higít sa buhay.
Mukha'y itinun~go n~g ating dalaga at ayaw isilay ang magandáng matá; waring nahihiya nang ang lihim niya ay hindi na lihim sa tunay na sintá.
Ang ináng may sakít, na siyang matanda na nakatataho n~g damdaming bata, ay siyang sumagót n~g tugóng payapa sa pamamagitan n~g ganitóng wika:
--Oo, tunay Pedro; ang iyong pag-ibig ay malaon na n~gang may sadyang kapalít at kahit nangyaring malabis kong batíd ay hindi humadláng, bagkus nanahimik.
Sapagka't alám kong ang iyong paggiliw sa sintá kong Teta'y lubhang taimtím at walang gabahid na ikadudusing n~g tagláy na puring kanyáng inaangkín.
Batíd ko rin namáng sa isáng gaya mo ay lubhang malayo ang ugaling lilo, kaya't pinayagang ikáw ang magtamó sa pusong malinis n~g sintáng anák ko.
Datapwa't ang tan~ging aking dináramdám ay ang lagáy naming lipos kasalatán at wala na mandíng mábangít na yaman liban na sa dagsa nitóng kahirapan.
--Iná ko, sukat na ?yaman pa'y aanhín kung isáng biyaya ang magiging akin? at saka sa kulay n~g aking paggiliw ay di náhahalo ang sa yamang ningníng.
Akó'y inianák sa pagdadalita at kámpón ni Hirap sapol pagkabata. musmós pa man halos bísig ko'y pinata at nagíng kawal na n~g haring Paggawa.
Ang tan~gi ko lamang pinakahahanap ay ang isáng pusong mayaman sa lin~gap at ang pusong itó'y aking natatatap na si Tetay lamang ang siyáng may in~gat.
Datapwa'y gayón man, kahit aking batíd, na, sa sarili ko, siya'y iniibig ay hindi ginawang aking ipagsulit, sa tunay na irog, ang lamán n~g dibdíb.
At talagá sanang aking itatago nang lubhang malalim sa loob n~g puso, at baka sakaling ang kanyáng pagsuyo ay naidulot na sa ibáng sumamo.
At kungdi nangyaring akíng nápakingán ang m~ga salita n~g irog kong Tetay, salitang nagbukás niyong kalan~gitán sa palad kong aba, di sana nagsaysáy.
--Irog!... Sinun~galing!--ang wikang banayad n~g ating dalaga--kung akó ay liyag, ?bakit mo nagawa ang lálayo't sukat, gaya nang tinuran sa iyong sinulat?
--Iná naming irog; ikáw ang humilíng sa anák mong sintáng akó'y patawarin. --Pinatatawad ka, n~guni't sásabihin kung bakit náisip ang kamí'y lisanin.
Kayó'y man~gagtindíg--ang wika ni Ata sa ating binata't sa ating dalaga-- kayo'y magsiupo at saka ibadyá ni Pedro ang sanhi n~g pag-alís niya.

V.
PAGHABáG N~G PUHUNAN.
Matapos na silá'y makapag-upuan sa papag na siráng ang paá ay kulang, binuksán ni Pedro't agad sinimulán ang sanhing nag-udyók n~g kanyáng pagpanaw:
--Akó'y isáng bugtóng ni amá't ni iná at batíd na ninyóng malaong ulila, kaya n~ga't nangyaring kahit hindi kaya nitóng katawán ko, akó'y nagpaupá.
Gayón na n~ga lamang ang isáng mahirap, na walang mag-ampó't sukat na lumin~gap, dapat ugaliin, ang butó, sa batak kung ibig mabuhay at huwag masalát.
Bukód pa sa roon, ang taong may dan~gal ay dapat batakin ang butó't magpagal, at huwag mabuhay n~g hambáhambalang ó kaya'y umasa sa m~ga sugalan.
Kahit may salapi't nakaririwasa kung ang pamumuhay ay pagalagala at di ginagamit ang butó sa gawa, ay tinatawag din namáng: hampáslupa.
Akó ay naglingkód, na bilang nag-aráw, sa isáng gawaan n~g di kababayan, n~guni't sa pagpasok ay may kasunduang kung maraming gawa'y may upang katimbang.
Inihalál akóng magíng katiwala sa isáng pulutóng niyóng manggagawa. na kagaya ko ring pawang maralita n~guni't lalong salát sa kaya at haka.
?M~ga abang tao! ?anong sasapitin? súsunód na lamang sa bawa't sabihin, kung busabusaang animo alipin ay wala n~g kibó't mababa ang tin~gín.
Paano'y, ang mangmáng, kahi't may matuwid, ay umíd ang dila at pipi ang bibig; laging nananan~gan sa tuntuning lihís na kabaitan, daw, ang hindi pag-imík.
Sa gayón n~g gayó'y nákaugalian n~g nan~gan~gasiwa ang paglapastan~gan ... waláng bigong kilos na hindi may tampál, suntók, sikad, batok, sa munting magkulang.
?O, gayón na lamang ang pag-alipusta sa inuupahang m~ga maralita! ibayo't ibayo ang dagdág sa gawa at sa upa namán ay baba n~g baba.
Datapwa't ang tao'y hindi makadaíng pagka't natatakot na silá'y alisín, dahil sa maraming kahit na gayonín ay nakikiagáw, dahil sa kakanin.
Sa bawa't umalís na isáng pinasláng ay sampu ang palít na nag-uunahán, kahit na mababa ang upang ibigáy ay tatangapín ding walang agam-agam.
Nakikita itó n~g lilong mayama't ikinatutuwa ang pagayóng asal n~g nagpapaupá, kaya't kadalasa'y malaon mang lingkód ay di tinitingnán.
Sa munting magkulang ang kahi't na sino, magíng matanda man ó kaya ay bago, daglíng áalisin at tamád dikono kahit na ang sanhi'y may sakít ang tao.
Ang ibig mangyari n~g namumuhunan ay ibaibayo ang tubong mákamtán, dapwa't ang katulong na puhunang pagál ay huwag magtamó n~g milmá
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 16
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.