anák at sintáng magulang; aayaw ang isá't ang isá ay ayaw, na wari'y kapuwa busóg na n~gang tunay.
Kahit mapag-aba't matigás na dibdíb ang sa anyong iyo'y minsang makásilip ay mahahabág di't pápasukang pilit niyong pagkaawa sa mag-ináng ibig.
Pagka't ang kaniláng pagpapasunuran ay buko n~g isáng boong pagmamahál, ang ibig ni Ata'y mabusóg si Tetay at si Tetay namá'y ang kanyáng magulang.
?Sino n~ga bang iná ang makababatá na hindi kumain ang anák na sintá? n~guni't sinong anák ang makakakaya na makitang gutóm ang giliw na iná?
Kaya't ang nangyari, silá'y nagkásundo na ang bawa't isá'y tig-iisang subo doon sa nálabí na pagkaing luto na kaunting lugaw ina may luhang halo!
III.
?GUMIGILIW!
At n~g makatapos, iná'y pinagyama't saka iniupo sa sadyang luklukan na kahit sira na'y mayroong hiligán na nakasasaló sa dakong likurán.
At siya'y lumuklók sa dakong ibaba upáng bigyang hanggá ang náhintong gawa, n~guni't anóng lakí n~g tinamóng mangha nang ang panahia'y kanyáng mausisa.
Sapagka't sa loob n~g kanyáng tahiin ay may nakatagong kaputol na papel na hindi mabatíd kung saan nangaling, kaya't itinanóng sa inang kapiling.
--?Sino ang may dalá n~g sulat na itó? ?naparito bagá kanina si Pedro?-- --Oo--aní Ata--siyang nakita ko na tan~ging gumaláw n~g panahian mo.
At saka umalís na tila may lumbáy sapagka't malungkót niyong magpaalam at ang idinugtóng sa huling tinura'y ang bábalík siya sa katanghalian.
Ang puso ni Tetay ay halos tumahíp sa sabi ni Ata na kanyáng nadin~gíg, pagka't hindi niya lubós na maisip ang pinanggalin~gan n~g gayóng ligalig.
?Anó't ginawa pa ang siya'y sulatan? ?anó ang sa papel ay nápapalamán? yaó'y talinghaga, kaya n~ga't binuksán, upang mapagtanto ang lamán n~g liham.
Dátapwa ... ?Oh lan~git! Di pa natatapos sa kanyáng pagbasa, ang luha'y umagos, at sabáy sa isáng matinding himutók, mukha'y nápatun~gó't kamáy pinagduóp.
Si Ata'y nágulat sa gayong nákita at biglang tinanóng ang anák na sintá. --Ay iná kong giliw! Anáng pagkapaklá nitóng kapalarang aking dinadalá!
Akó, inang irog, ay lubhang mapalad sa gitna n~g ating madlang paghihirap at yaring dibdíb ko'y lubós na panatag at walang ligalig akóng mátatawag.
Datapwa't aywán ko, aywán ko kung bakit at di ko mapigil ang paghihinagpís dahil sa paglayong sa sulat sinambít n~g kapuwa bata't kalaro kong ibig.
Yaríng abáng puso'y nalulunod mandín sa bayóng malakas nitóng paninimdim, na sakasakali na tayo'y lisanin ay baka hindi na muling mákapiling.
Aywán ko kung bakit, n~guni't yaríng luha ay di ko mapigil sa kanyáng pagbaha at kung gunitaín ang bawa't salita n~g sulat na itó, akó'y nanglálata.
At diwang ang aking boong kaluluwa ay nababalutan n~g matinding dusa ... ?anó kaya itó?--Iyan ay pagsintá-- ang pan~giting sagót n~g giliw na iná.
--?Oh! pagsintá itó?--Ang tanóng ni Tetay na tutóp ang dibdíb n~g dalawang kamáy, --Oo, aking anák; iyang pagmamahál na tinátagláy mo ay pagsintáng tunay.
Iyan ang larawan n~g isáng paggiliw na anák n~g iyóng pagirog na lihim; di mo natatanto pagka't nahihimbing, sa kapayapaan, ang iyong panimdím.
N~guni't n~g magdamdám n~g munting gambala, gaya n~g paglayong hindi inakala'y sumilakbóng agád ang pamamayapa, at nagpakilala sa sabík na nasa.
Iyan ang nangyari sa bata mong puso na di nakabatíd n~g iba pang suyo liban sa malambíng at tapát na samo nitóng iyong ináng matanda na't hapo.
Malaon nang lubhang aking naramdamán ang inyóng matapát na pagsusuyuan, n~guni't di pinigil, bagkús binayaan ang binhi n~g inyóng sintáng tinatagláy.
Sapagka't alám kong totoong malinis ang pagsusuyuang inyóng ginagamit ... --Kung gayón, iná ko--ang kay Tetang sulit-- ?ang unang silakbó n~g sintá'y pasakit?
Diyata't hindi na mangyaring mabatyág ang lasáp n~g sintá kungdi sa pahirap? --Hindi namán gayón--ang sa ináng saad-- kung minsa'y ganyán n~ga't kung minsa'y malunas:
Kung minsan, sa piling n~g kapayapaa'y núnukál ang binhi n~g pagmamahalan at sa pagtatama n~g dalawáng simpán, ang muntíng sandali, ay nagiging tuláy.
Upang ang pagsuyong sabik sa pahayag ay magpakilala sa irog at liyag at ang puso namáng nagtimping maluwat ay magpahalata n~g kanyáng paglin~gap.
Sapagka't ang sintá ay hawig sa puno na ang binhi niya'y ang n~galang pagsuyo at pinakadilig, nang upáng lumago, ay ang katamisan n~g m~ga pagsamo.
Kahit na maunlád ang kanyáng paglakí ay di mahalata nang may daláng kasi, kungdi matatangki't mapagmunimuni na may ibáng nasa ang pusong sakbibi.
Nasáng náhahawig sa isáng gunita, nasa na animo'y uhaw ang kamukha, n~guni't kung suriin ay mahahalata na ibá ang ayos, at iba n~gang sadya.
Sapagka't ang dating iyong pagmamahál sa ibáng kilalá't m~ga kaibigan ay hindi rin iyon ang suyong bubukál sa isáng pagsintá na bagong dinamdám.
Yaón ay taganás na pagmamasakit, pagpapaumanhí't pakikikapatíd, n~guni't itóng isá'y damdaming matamís na may panibugho't madlang pagtitiís.
Ang bawa't salita nitóng nan~gun~gusap, sa dibdib ni Teta ay nagpapahirap, pagka't unti unting kanyáng námamalas na pawa n~gang tunay ang sa ináng saad.
Kaya't, ang kaniyáng kamáy, pinagduop, sa haráp n~g iná'y biglang nápaluhód, at sabáy sa luhang sa matá'y nanagos, náwikang:--?Iná ko, akó'y umiirog!
Kung yaring hinagpís nitóng kaluluwa at pagkabagabag n~g damdaming dalá ay tanda n~g aking paggiliw sa kanyá.... ?patawad, iná ko!... akó'y sumisintá!...
--Patawad! ?at bakit?--ang kay Atang turing, na lubhang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.