maapuhap at ang nálalabíng kaya niyong palad ay ang maghinagpís, tuman~gis, umiyak.
Gaya na n~ga nitóng sa ati'y sumapit, salát na salát na, akó pa'y may sakít, at ang kahinaan niyang iyong bisig na murang mura pa'y siyang kinakatig.
Ikáw, sa maghapo'y walang hintong gawa at di dumadaíng kahit ka na pata ?sinong pusong iná ang di maáawa sa isáng gaya mong labis mag-aruga?
--Aanhín mo iná, sa tayo'y mahirap, --ang maamong sabi n~g giliw na anák-- n~guni kahit tayo madalás magsalát ay wala sa atin namáng isusumbát.
Ang tan~gi ko lamang ikinalulumbáy ay ang di paggalíng n~g sakít mo ináng; kung sa ganáng akin salát ó mayaman pag nasa piling mo'y ligaya n~g tunay.
?Aanhín ang buhay na lubhang pasasa kundi mákikita ang iná kong mutya? ?aanhín ang laging walang ginagawa kung ikáw iná ko'y dí kinákalin~ga?
Mahan~ga'y ganitóng laging nasasalát at sa bawa't kilos kitá'y nayayakap; ang yaman, sa akin, ay hindi ang pilak kundi ang matamís na iyong pagliyag.
Mawika ang gayón, sa noo'y hinagkán at saka niyakap ang ináng magulang; --Itó ang yaman ko--ang muling tinuran-- at itó ang tan~ging aking kasayahan.
Matapos masunód ang nasang paghalík, isinakandun~gan ang ináng may sakít. ?Oh! gayón na lamang ang bukong pag-ibig at gayón na lamang ang likás na baít.
[Larawan: Dalawang babae]
II.
ANG MAG-INá.
?Giliw n~g pag-giliw! Kung ang pagmamahál ay ipagagawa n~g sadyang larawan, ang anyo at umpók at ayos na lagáy n~g ating mag-iná, ang dapat huwarán.
Mapalad ang dukha na sa kasalatá'y may kumakalin~ga't dibdíb na hiligán, sapagka't ang gayóng laging kalayawa'y hindi mábibilí n~g gano mang yaman.
?Ilán ang may pilak na sa karamdaman ay wala mang sukat tumin~gí't dumamay! sakaling mayroon, iyón ay upahán, ?upaháng pagsuyo'y walang kabuluhán!
Sandali'y lumipas sa pagayóng anyo't nang nasiyahan na ang sabík na puso, iná'y pinakain, n~g irog na bunso, sa tulong n~g iláng maliit na subo.
Datapwa't sa bagsík niyong kasawiá'y kumilos ang iná't tasa'y tinamaán at ang nálalabíng kaunting linugaw ay tumapong lahát sa silong n~g bahay:
Sa gayóng nangyari, kapuwa nagitlá ang dalagang hirang at salantang iná, itó'y sa dahiláng nababatid niya na sa kinásidlá'y walang nátitira.
At walang kakanin ang anák na mahál pagka't walang bigás ó kusíng man lamang na sukat ibilí n~g ikabubuhay na mailuluto hanggáng sa hapunan.
Si Tetay, gayon dín, pinasukang hapís, dahil sa nátapon ang lugaw sa sahíg, gayóng wala siyang ibibilí, kahit, n~g sapát man lamang sa ináng may sakít.
Datapwa't gayón ma'y di nagpahalata, sa kanyáng kandun~gan, iná'y ibinaba, dinampót ang mangkók, pinahid ang basa, at waring lálabas, tun~go'y sa kusina.
--Mag antáy ka muna at aking kukunin ang nátirang lugaw--ang wikang mahinhín-- --?At kukunin mo pa?--ang sa ináng turing-- ?Kung gayón ay anó ang iyong kakanin?
Alám kong kagabí'y di ka naghapunan at hangáng sa n~gayó'y di nag-aagahan, kundí pa kakain n~g pananghalian ?anó ang daratnín n~g iyong katawán?
Hapo sa paggawa, kulang sa pagtulog, ang sa sarili mo'y hindi inaayos, kung ikáw'y mapata, ilayó n~g Dios, ?sino ang sa akí'y titin~gín n~g lubós?
Ang sagót n~g anák--Ay giliw kong iná, kung sa ganang aki'y huwag mag-alala. sapagka't sa kalá'y lubhang marami pa na makakain ko kung matapos ka na.
--Anóng pagkagandáng kasinun~galin~gan!-- ang wika n~g iná sa anák na mahal-- oo't mayroon pa, sakaling balun~gan ang palyók na tuyó na nasa sa kalán.
Sa gayóng nádin~gíg, si Teta'y nán~giti pagka't batíd niyang ang iná'y di mali, n~guni't ang hinala ni Ata'y pinawi sa magandáng sabing nakabibighani.
--Maniwala iná't tunay na mayroón at di kailan~gan ang siya'y bumalong, kung sa ganáng aki'y di pa nagugutom kanya't kukunin ko ang nátira doón.
Upáng sa sakít mo'y hindi makadagdág iyang kakulan~gán sa kakaning sapát at kung may malabí, iyon na ay sukat na itatagál ko sa maghapong singkád.
Masabi ang gayón, kalán ay tinun~go't walang itinirá kahit isáng mumo, n~guni't n~g makitang kaunting totoó ang nakuha niya, ang puso'y nanglomó.
Pagka't magtipíd man ang kanyang maysakít, ang gayóng karami'y kulang at di labis; dito namighati ang masuyong dibdíb at luha'y tumulo sa lakí n~g sákit.
Papanong di siya lubhang magdáramdam sa wala n~g sukat dapat na asahang makapagbibigay ó mauutan~gan n~g ipamimilí sa kinabukasan.
Kaya't n~g pumasok na dalá ang tasa ay hindi napigil ang luha sa matá, datapwa'y sa nasang ilihim sa iná ay nagpakunwaring siya'y tumatawa.
Ang ina'y namangha sa nakitang anyo n~g bugtóng na anák at giliw na bunso: waring nakan~giti, luha'y tumutulo, bibig nakatawa't matá'y namumugto.
--?Anó ka mayroon?--ang tanóng ni Ata-- ?anó't namumugto iyang m~ga mata? ?anó ang hapis mo, bakit di ibadyá? --ang kay Tetang tugo'y--Walang bagay iná.
Naalala lamang na kungdi ihatid yaríng aking tahing panyong maliliit ay wala na tayong sukat ipangtawid sa loob n~g araw n~g lingong sasapit.
Kaya't kung ibig mo, ináng ginigiliw, ay maghinahon na't ikaw ay kumain, n~g upáng matapos ang aking tahii't aking maihatíd sa n~gayón n~gayón din.
--Ikáw na anák ko ang siyang humigop niyang nátitirang nakuha sa palyók --ang wika n~g ináng halos nalulunod sa lakí n~g dusang sa puso'y nagdoop.
Dito na nangyari ang pagpipilitán, n~g bugtóng na
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.