Ang Tunay na Buhay ni P. Dr. Jose Burgos | Page 7

Honorio López
pauang nadamay?sina Padre Lara, Sevilla at Dandan,?Rosario, Guevarra, Hilario del Pilar,?Tuason, Desiderio tagalog na tanán.
Saca sina Sánchez, León at Carrillo,?Enriquez at Serra, Máximo Paterno?ay pauang natapon cusang dinestierro?sa iba't iba n~gang bahagui nang Mundo.
Natan~gi n~ga lamang sina Padre Burgos,?Gómez at Zamora at si Zalduang puspos?ang hindi natapon at cusang násunod?sa nan~ga destierrong balót nang himutóc.
Palibhasa disin sa salaping lacás?sa diligencia n~ga pilit na lumabas?ang apat na ito sa castillong cagyat?sila ay mapasoc na cusang maghirap.
Madali't salita ay hindi nagdaan?yaong isang buan apat na tinuran?sa sadyang Consejo de Guerra ang n~galan?sila'y ipinasoc nang pinunong tanán.
Lahat nang matouid ni na Padre Burgos,?Gómez at Zamora ay pauang naayop?nang lacás at bisa nang salaping handóg?niyong man~ga fraileng asal ay balaquiot.
Ang Consejong ito nang cusang minulán?icadalauang puo't anim yaong bilang?nang buang Febrero hapon yaong lagay?nang panahóng lubós na lubhang mapanglao.
Baquit ang nahalal Presidenteng tiquís?sa gayong Consejo ang sacdal nang lupít?Coronel nang hocbó, ang n~galan at sambit?Francisco Moscoso na ualang cauan~gis.
Fiscal instructor si Manuel Boscasa?Comandante naman catungculan niya?na isa sa man~ga caututan bagá?nang dila nang fraileng man~ga palamara.
A las cuatro n~gani nang ito'y minulán,?si Padre Burgos n~ga ang una sa tanán?sacá isinunod si Zamorang hirang?at sacá si Gómez na casamang tunay.
Anopa't ang lahat na man~ga defensor?ay ualang nagaua sa Consejong yaon?palibhasa disin caalam nang pusóng?na fraileng sucaban caya-napagayón.
Pagca't ang lumabás ó hatol na tunay?ang Pena de Muerte ang siyang cacamtán?nang apat na ito sa pagcacadamay?na parang namuno sa gulóng nagdaan.
Ang hatol na ito matanto ni Burgos?ay cusang tumugón sa Consejong bantóg?siya'y di papayag sa defensang lubós?nang caniyang defensor sa fraileng caumpóc.
Pagca't aniya siya'y hindi umaamin?na siyang namuno sa bintang na tambing?caya't ang tutol niya sa tanáng casalio?siya'y ualang malay niyaong pagtatacsil.
Ang bagay na itó di rin pinaquingán?nang tanáng doroon cay Burgos na saysay?palibhasa n~gani sila'y binayaran?niyong man~ga fraileng higuít sa halimao.
Uala ring nangyari cundi ang maghari?sa canilang dibdib ang masamáng budhi?na maipapatáy si Burgos na bunyi?at pati nang tatló na casamang tan~gi.
Caya n~ga't ang hatol n~g Consejong hirang?apat na may sala alisán nang búhay?dalhin sa Capilla doon ay ilagay?hangáng may panahón macapan~gumpisál.
Sumunód na arao nang pagca-umaga?ang plaza de armas pinatanuran na?isang regimiento hocbóng infantería?sacá ang escuadrón niyaong caballería.
Caramihang tauo ang siyang casunód?na pauang nagtaglay n~g muc-hang malungcot?sa pagcacaabá nang palad na capós?niyaong tatlóng paring bibitaying lubós.
Si padre Burgos n~ga siyang unang una?at si padre Gómez at padre Zamora?pauang ualang malay sa atáng na sala?saca ang dinayang Francisco Zaldua.
Ang apat na ito't pauang filipinos?sa bayang tinubua'y maalam umirog?lalong lalo na n~ga ang daquilang Burgos?na anác na tunay tubo sa Ilocos.
Si padre Zamora tagalog na tunay?at tubong Maynila sa dacong Pandacan?na naguing Rector n~ga't Cura sa Catedral?niyaong nacaraang panahón at arao.
Si P. Gómez naman ay tauong Sta. Crúz?sacop nang Maynila sa diquít ay puspós?sa lahing mabuti nagbuhat na lubós?ang amá at iná mabuti ang loob.
Sa gremiong Mestizo nang m~ga Sangleyes?siyang nasasacop cusang natititic?pagca't siya'y ancán nang man~ga japonés?sa unang daco pa dito'y nagsi-alís.
Nang ito'y mag-aral camusmusang edad?dahil sa naquita sa gayong capahát?man~ga catalasan nang isip na in~gat?at bait na tan~gi na ualang catulad.
Caya sa talino at dunong na taglay?siya ay nagpari at nagcurang tunay?saca nag Vicario Foráneo naman?sa bayang Bacoor na sacop n~g Tan~guay.
Cahulihulihan nacamtáng tibobos?pagca Examinador Sinodal na lubós?sa Arzobispado na ualang caayos?m~ga carunun~gan na caniyang inimpóc.
At siya rin naman naguing sugong tunay?nang m~ga castila sa cay Luis Parang?cusang naghimagsic niyaong dacong arao?caya siyang mula nang capayapaan.
Tumulong din naman sa m~ga pag-usig?nang m~ga tagalog sa córte nang Madrid?ang lahat nang fraile dito'y mapa-alis?siyang naguing dahil caniyang pagcapiit.
Ang naguing sundalong si Miguel Zaldua?taga Camarines Vicol na talagá?cusang naguing quintos na nahulog bagá?sa batallóng hayág niyaong Artilleria.
Ito'y nadestino sa lauigang Tan~guay?naguing asistente nang tenienteng hirang?na si Faustino Villabrilleng tunay?saca nag-asaua sa isang timtiman.
Ang timtimang ito na naguing asaua?ay isang babaye lubós caquilala?nang fraileng si Gómez Recoleto baga?na Prior sa Tan~guay sa simbahan nila.
Ito't hindi iba siyang humicayat?na masamáng fraile sa magcasing liyag?na paghimagsiquin jornalerong lahat?doon sa Arsenal cusang napahamac.
Ito'y siyang mula nang pagcacasama?at pagcacadamay nang cauauang Zaldua?na cusang nadaya pati nang asaua?nitong m~ga fraileng lilo't palamara.
Sa sabi at saad nang m~ga nagsulit?ang babayeng ito ay cusang napiit?sa cárcel nang dusa n~galan ay Bilibid?siya ay napasoc nagtiis nang sáquit.
Bayaang co ito ang ipagtuturing?ang oras nang gabi nang cusang dumating?may isang dalaga na lubhang mahinhing?nag-isip ang tatlo ay cusang agauin.
Ang n~gala'y Clarita na sacdál nang gandá?cusang nagmasaquit nagnasang iadyá?si na P. Burgos, Gómez at Zamora?nang gabí ring yaon doon sa Capilla.
Caya n~ga humanap nang macacatulong?at may anim na puo ang caniyang naipon?pauang sandatahan nang m~ga talibóng?ang iba'y revolver pistola't remington.
A las doce n~gani canilang tiapan?ang lahat nang cuartel cusang lolooban?n~guni't di nangyari pagca't piniguilan?nang iláng clérigo cusang nacaalám.
Caya pa n~ga ito nang maalamang lubós?nang m~ga clérigong nasabi cong puspós?suot lalaqui na sa bay-uang may sucsoc?nang isang magara't mainam na guloc.
Ang bagay na ito dapat n~gang pagmasdán?at tularan sana nang babayeng tanán?man~ga filipinang aquing cababayan?marunong umibig sa tinubuang bayan.
Ang bagay na itó
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 12
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.