Ang Tunay na Buhay ni P. Dr. Jose Burgos | Page 8

Honorio López
ay iiuan co na?at ang sasabihin madaling umaga?nang arao nang sáquit binatbát nang dusa?ang apat n~gang itó bibitaing sadya.
Ito't hindi ibá di dapat limutin?mapanglao na arao na calaguim-laguim?dalauang puo't ualó ang bilang na tambing?nang Febrerong buan sa sabi at turing.
Nang mag á las seis ang lahat n~g caual?nang man~ga castila cusang pinatahán?sa Santa Lucía n~ga at sa Bagumbayan?na pauang barilán at may ca?óng tagláy.
Sacá sa muralla nang Fuerza Santiago?ang hocbóng castilang man~ga artillero?pauang naca-abáng sa maguiguing guló?na nababalita sa panahóng ito.
Nang cusang sumapit á las sieteng oras?yaong bibitayáng binacod na cagyat?nang man~ga sundalo na dalá't aquibat?nang Segundo Cabo Espinar na hayag.
Bitayáng nasabi itinayóng tunay?doon sa Espaldón pooc na malumbay?at may sampuong metro yaong cataasan?sa lupang tuntun~gan sa sabi at saysay.
Ang tugtóg nang tambor at m~ga corneta?dito na minulán na hinipan baga?casabáy ang ayos nang man~ga música?sa tinig nang marcha ang pagcacabadyá.
Dito na quinuha ang na sa Capilla?apat na taan na namamatáy bagá,?ang man~ga sundalo nagbihis de gala?saca n~ga barilán na may bayoneta.
Casama sa lacad ang m~ga Cofradía?nang Misericordia na caacbáy bagá?tanang Comunidad nang Religión Santa?nang Poong si Cristong sumacop sa sala.
Si Miguel Zaldua ang una sa lahat?cusang inalacad balót niyaong posas?isang Franciscano at Recoletong cagyat?siyang caagapay na cumacausap.
Sacá ang casunod yaong isang lupong?sari-saring órden nang fraileng pulutóng?dalauang Jesuita na capulong-pulong?ni Padre Zamora na nagcura Rector.
Isang Agustino at Recoleto naman?ang siyang casunód cusang umaacbay?sa cay Padre Gómez na nagcura naman?at Examinador Vicario sa Tan~guay.
Cahuli-hulihan ay si padre Burgos?na ina-acbayán nang dalauang puspós?na m~ga Jesuitang natauag sa Dios?na nananalan~gin nang lubhang tibobos.
Baua't isa n~gani sa apat na ito?ay binabantayán apat na sundalo?at isang oficial sacá isang cabo?at may m~ga hauac isang crucifijo.
Nang sila'y dumating sa laang bitayán?sila'y inahintó sacá binasahan?nang bunying sentenciang sila'y mamamatay?cusang bibitayin sa salang quinamtan.
Matapos mabasa ang sentenciang titic?ang nadayang Zaldua unang ipinanhic?doon sa bitayán at inaupong tiquís?sacá yaong liig ay cusang inipit.
Si Padre Zamora ang siyang sumunód?si Padre Gómez naman ang icatlong puspós?na cusang tumutol hangang sa matapos?ang hinin~gang ibig sa m~ga balaquiot.
Bilang na icapat at huling binitay?ay si Doctor Burgos na di nagulat man?nagturing sa haráp nang caniyang calaban?aniya; _?Miserables!_ cayong fraileng tanán.
Saca nang maupo sa uupang cagyat?tumin~gin sa lan~git sa Dios tumauag?_?Poon co, Iná co, caloloua co'y tangáp?nang camahalan mo't ito'y di co tatap!_
Nang masabi ito panaho'y nagdilím?at parang naglucsa ang lan~git na tabing?sucat isang sinag sa Arao na ningning?ang siyang tumitig sa apat na MARTIR.
Ang tanang nanood na m~ga tagalog?pauang lumuluha sa quinamtang lungcót?caya ang iba n~ga naglucsang tibobos?bilang na pagdamay sa m~ga natapos.
Nang ito'y mangyari ay nagsi-ouing lahat?yaong m~ga fraile masayá't magalác?baga ma't ang sindác sa dibdib namugad?hindi ini-inó niyaong man~ga sucáb.
Di naman nalaon ang apat na bangcay?nitong ualang palad ay quinuhang tunay?nang carro fúnebre nang bunying Hospital?ni San Juan de Dios cusang nalalaan.
Saca n~ga dinalá tunay inihatid?niyaong sa Hermandad Misericordiang tiquís?sa Pacong libin~gan cusang nalilibid?nang Caballería't sundalong maquisig.
Hangáng nilalacad nagsunod-sunoran?ang maraming tauo hangang sa libin~gan?at ualang usapan na bulong-bulon~gan?cundi ang sa fraile na man~ga casamán.
Sucat hangáng dito ititiguil co na?itong pag-aauit nang abá cong Musa?yamang natanto na guilio cong nanasa?ang abáng sinapit nitong apat baga.
Ang hiling co lamang huag lilimutin?sa cailan pa man ualang pagmamalio?n~g m~ga KAPATID abáng m~ga MARTIR?sa tinubuang lupa (PATRIANG) guiniguilio.
At cung mangyayari atin pang alayan?sa taón-taón n~ga isang capistahan?bilang pa ala-ala sa canilang tanán?touing 28 N~G FEBRERONG buan.
Para baga naman ating guinagaua?cung cusang nadating arao na mistula?n~g pagcacabaril sa MAPAGPALAYA?nitong FILIPINAS, RIZAL na daquila.
Cung magcacagayón cusang nalalaan?sa m~ga Capatid pag-utusang tunay?acong inyong lingcód, magpacailan man?at HONORIO LóPEZ ang aquing pan~galan.
Katapusán
Mga Talababa:
[1] Isang mayaman.
[2] Coronel.
[3] Naguing alcalde sa Kagayan.
[4] Periódicong castila na inihayag sa Madrid.
[5] Si P. Agustin Mendoza, nagcura sa Sta. Cruz sa Maynila.
[6] Si P. Miguel Lasa, Prbro.
[7] Si Dr. Mariano Sevilla, Prbro.
[8] Si P. Pedro-Dandan, Prbro.
[9] Si P. Vicente del Rosario, Capellan Militar.
[10] Si P. José Guevara, cura sa Kiapo.
[11] Si P. Jacinto Zamora, Prbro.
[12] Si P. Anacleto Desiderio, Prbro.
[13] Man~ga castilang obispo.
[14] Si D. José Bonifacio Roxas, Alcalde na icalauang halál sa Ayuntamiento.
[15] Si D. Antonio Regidor.
[16] Si D. Ramón Ramirez, Provisor.
[17] Si D. Ramón González Calderón, Concejero sa Administración.
[18] Si D. José Gabriel González Esquivel na Naguing-Alcalde na unang halal sa Ayuntamiento.
[19] Si D. Javier Tiscar, castila.
[20] Si D. José de la Rosa.
[21] Si D. Juan Antonio Aenlle, amain ni Burgos coronel retirado.
[22] D. Gimeno Agustin, Intendente de Hacienda.
[23] Hindi Francisco gaya nang hula ni Eulogio Julian Tandiama.
[24] Isla del Sur: ang man~ga pulong cabisayaan at camorohan.
[25] San Anton ay isang nayon nang bayang Sampaloc (Maynila).
[Patalastas: Imprenta at Librería ni J. Martinez]
End of the Project Gutenberg EBook of Ang Tunay na Buhay ni P. Dr. Jose Burgos, by Honorio Lopez
? END OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK ANG TUNAY NA BUHAY NI P. DR. ***
? This file should be named 13233-8.txt or 13233-8.zip ***** This and all associated files of various formats will be found in:
? http://www.gutenberg.net/1/3/2/3/13233/
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders.
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 12
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.