na ualang bagabag.
Nang sa Kabite n~ga sila'y magsidating?general Espinar nag-utos na tambing?na aniya't panhiqui't agad salacayin?ang muog na yaong ualang macahambing.
At ang baua't doo'y inyong maabutan?babaye ma't báta ay pataying tanán?huag paligtasin ang sino't alin man?tungcól filipino naguing cautusán.
Ang utos na ito ay biglang sinunod?nang lahat nang caual na pauang cubanos?caya naman dito ang man~ga tagalog?cusang nagpaquita nang tapang na impoc.
Ang pagpapatayan sabihin pa baga?dugó'y umaagos batis ang capara?bangcay natalacsán sa guitna nang plaza?niyaong Porto Vaga gayong pagbabaca.
N~guni't sa dayucdóc at quinamtang puyat?nang man~ga tagalog sa boong magdamag?quinulang nang palad caya't napahamac?sila ay nagapi nang man~ga calamas.
Baquit quinulang pa nang polvora't bala?lalong cailan~gan sa paquiquibaca?caya di mangyaring tumagal pa sila?sa paghihimagsic nilang lahat baga.
Utos ni Espinar dito na sinunód?militar ma't hindi ay cusang tinapos?sargento Lamadrid at si Montesinos?siyang unang unang namatáy na lubós.
Yaong si Morquecho ang quinana naman?nang caniyang maquita na uala nang daan?nirevolver niya caniyang palipisan?sa nasang matapos ang in~gat na búhay.
Dapoua't di nangyaring namatáy na tiquís?cung di nang icatlong arao nang sumapit?siyang pagcatapos nang búhay na quipquip?nitong si Morquecho na aquing sinambit.
Lahat nang naculong na di nacalabás?sa muog nang Tan~guay ay pauang nautás?parang hinocoman ang nacacatulad?canilang sinapit gayong paglalamas.
Ang iba'y sa tacot sa dagat nagtalón?nasang mailigtas ang búhay sa lan~góy?n~guni't nahuli rin nang ca?onero roon?cusang nagtatanod na ualang caucol.
Ang ibang nagtago at hindi gumalao?sa sariling bahay tinacas na tanan?at pinagbabaril yaong iba naman?dito sa Maynila ay dinalang tunay.
Hindi n~ga nalao't binitay na cagyat?nang icadalauang puo't isa ang saad?nang buang Enero't ualang nacaligtas?ni isa man lamang sa canilang lahat.
Tanang man~ga presong cusang nagdudusa?doon sa Arcenal di nacalabas baga?sa paghihimagsic ay biglang dinala?cusang dinestierro doon sa Paragua.
Ang fraileng si Rufian na umaquit dito?sa nan~gapahamac doon sa Castillo?nang magcagulo na'y nagtagong totoo?ang toua'y malaqui na di mamagcano.
Pagca't inacala'y cusang masusunod?ang bumucong nais nang capua balaquiot?fraileng solopicá caisa nang suot?na maipabitay ang ating si Burgos.
Caya nang maquita at siya'y matuclás?nang capua castila inalpasang agad?pagca't quinatuiran siya rao'y nalalabas?sa alsahang yaon nang nan~gapahamac.
Dito sa Maynila ay hindi nagtagal?sa Reinong Espa?a'y omoui pagcuan?sapagca't inisip maca pa macunan?niyaong _declaración_ gayong caguluhan.
Sa nangyaring ito ang lahat nang fraile?pauang nan~gagalac hindi mapacali?at cusang nilacad lihim sa sarili?si P. Burgos n~ga'y cusang ipaputi.
Ugali't salita caguluhang ito?ipagpatuloy co sa man~ga marino?na nasa Arcenal nang matanto ito?dito nagsilaban nang di mamagcano.
Halos patay na n~ga nagsisilaban pa?sa man~ga castilang canilang cabaca?at isinusumpa fraileng lahat baga?hangang ipiniquit yaong man~ga matá.
Ang ibang nahuli doon sa Arcenal?babaye at bata matanda't hindi man?sa ca?onero n~ga'y pauang isinacay?saca ipiniit na pinarusahan.
Hindi naluata't sa corte nang Madrid?ibinigay alam ang paghihimagsic?nang taga Kabite ni Izquierdong tiquís?general na hayag na sacdal nang lupít.
Sa bunying Ministro n~g Guerra't Marina?doon n~ga dumatal bigay alam niya?caya capagdaca ay sinagót siya?maghalál nang Fiscal taga usig baga.
Dito na inusig at cusang hinusay?nang naturang Fiscal ang tanang nadamay?sa nan~gaghimagsic sa lauigang Tan~guay?at pinarusahan ang may casalanan.
Binigyang indulto iba naman dito?ualang man~ga malay sa nangyaring guló?n~guni't yaong ibang may salang totoo?lalong nahigpitan sa pagcaca-preso.
Dito na hinuli si Miguel Zaldua?naguing artillero nang panahóng una,?na nan~gan~galacal nang talacsang baga?doon sa Ka?acaw, sa Udiong ang cuha.
Caya nang piniit siya'y cabubuhat?sa pan~gan~galacal na dati niyang hanap?nasa lorcha pa n~ga nang dacping cagyat?pati nang asauang pinacaliliyag.
Sila'y itinuloy nang caracaraca?doon sa Bilibid na piitang sadiya?na di man quinunan declaración baga?at caagad-agad sila'y pinagdusa.
Yaong diligencia'y cusang itinuloy?nang nasabing Fiscal nahalál n~ga noon,?upang mapag-usig nan~gulo sa gayong?man~ga caguluhan na ualang caucol.
Nang maliuanagan dito lumabas na?sa declaraciones na guinaua nila?ang cusang nan~gulo sa caguluhan baga?na nangyari noon na ualang capara.
Ang unang lumabas di umano'y Imperio?ang nasang itayó tanang filipino,?at ang Emperador na lumabas dito?si D. Joaquin Pardo de Taverang totoo.
Ang man~ga ministros si Burgos at Basa?Antonio Regidor, Paraiso't iba?dito ay nadamay ualang malay baga?caya nang dinaquip pauang napataca.
Nang ito'y matanto man~ga fraileng lahat?pauang nan~gaguló ang isip na in~gat?caya ang guinaua'y canilang nilacad?upang nang mabago ang sa unang hagap.
Dito na n~ga sila gumaua nang pulong?anila'y mabuti magcontribución?nang ang ating nasang nilalayon-layon?ay cusang matupad sa habang panahón.
Sa pasiyang ito'y pauang nagsi-amin?ni isa'y uala mang tumutol na tambing?caya't nan~gag-gugol nang lubhang malihim?sambuntong salapi cay Izquierdong saquím.
Ipinagpilitan ang nan~gulo dito?ang bunying si Burgos sa nangyaring guló?caya ang marapat baguhing totoo?ang sa diligenciang guinaua nang daco.
Caya sa pagdin~gig at cusang pagtitig?niyong si Izquierdo sa salaping tiquís?yaong diligencia ay binagong pilit?sinunod ang nasa nang fraileng balauis.
Dito na lumabas nang ito'y mabago?caya nan~gag-alsá man~ga filipino?sa lalauigang Tan~guay ang nasang totoo?maguing República ang lupaing itó.
At cusang nahalál Presidenteng lubós?ang ating marunong na si Dr. Burgos?at ang man~ga hayag na m~ga Ministros?ay ang natatalá dito ay casunod.
Si Pardo Tavera siyang sa Estado?sa Hacienda naman ay si Paraiso?si A. Regidor siyang sa Gobierno?si María Basa nama'y siyang sa Fomento.
At si Maurante siyang sa Marina?at si Mauricio siyang sa de Guerra?marami pang iba dito ay nasama?cusang idinamay binigyan nang sala.
Caya n~ga pagdaca ang lahat nang ito?sa lacás nang cuarta ay pauang napreso?ang abang catuiran nalugmoc na rito?sa abáng candun~gan nang dusang totoo.
Bucód pa sa rito ay
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.