lamang?ang naguing catotong quinagagalitan.
Caya ang na-isip nitong si Fray Gómez?si Miguel Zaldua[23] at ang casing ibig?cusang hinicayat na sulsulang pilit?tanang sa Arcenal jornalerong tiquís.
Upang silang tanang tumutol na cagyat?sa upahang dati cung hindi itaas?at siyang bahala cusang magliligtas?cung ito'y umabot sa di hinahagap.
Sa paquiquinyig n~ga ni Miguel Zaldua?sa aral nang fraile'y cusang inaquit na?tanang jornalero sa Arcenal baga?na sila'y tumutol sa ugaling upa.
Cung sacasacaling ayao na itaas?sila'y man~gag-alsa huag na magulat?sapagca't tutulong ang caual na lahat?sa Maynila't Tan~guay at pauang casabuat.
Napahinuhod n~ga, ang lahat nang jornal?sa mabuting aquit ni Zalduang nasinsáy?caya ang guinaua nitong Fray Rufian?umisip naman siya nang ibang paraan.
Caya ang sumagui sa caniyang acala?sina Montesino't Morquechong daquila?pinaquiusapan na tulun~gang sadiya?ang lahat nang jornal sa pag-aalsa n~ga.
Ang dalauang ito ay castilang taal?na capua tenienteng napipiit lamang?sa Castillong sacdal sa bayan nang Tan~guay?n~gala'y San Felipe lipós cahirapan.
Sa sabing matamis sa dalauang ito?ay hindi tumangui sumagot nang oo?upang sila lamang macalabas dito?sa pagcacapiit doon sa Castillo.
Ang lihim na ito ay hindi nagdaan?arao nang sábado dumating na tunay?nang pagbabayaran sa lahat nang jornal?na nagsisigaua doon sa Arcenal.
Icadalauang puo buan nang Enero?siyang cabilan~gan nang arao na ito?caya nagsitutol, sinunod ang trato?nang sila'y bayaran sa di nila gusto.
Nang ito'y matanto nang coronel Buttler?bunying Gobernador nang caual na tambing?sa lalauigang Tan~guay ay hindi pinansin?reclamo nang jornal na ualang cahambing.
Ang caniyang guinaua umaga nang lingo?humin~gi nang "fuerza" sa General dito?hayág na Izquierdo pagca't natanto nito?ang lahat nang jornal ibig na mangulo.
Naisipang isa pahaliling tunay?nang oras ding ito sa isang capantay?nang coronel Roxas nang di niya camtan?yaong caguluhan naramdamang tunay.
Saca pinaglirip sa sariling isip?magcaroon man siya nang caual na cabig,?cung uala naman siyang escuadra sa tubig?ay uala rin anyang tunay masasapit.
Pagca't ang nangyari guinaua ni Mac-Rohon?contra-almirante sa escuadra noon?tanang ca?onero nang panahong yaon?ay pauang dinala sa Isla del Sur[24].
Sucat na natira dito ay iisa?caya't si Buttler nagpumilit baga?ang lupa nang Tan~guay iuan muna niya?nang huag nang datnin caguluhang sadya.
Capagdaca naman caniyang cahilin~gan?ay agad inamin biglang pinayagan?nang caniyang general Izquierdong maran~gal?nang umagang yaon na hindi lumiban.
N~guni't bago siya sa Tan~guay umalis?sina Montesino't Morquechong nasambit?ay caniyang hini~ging dito na mapiit?sa Maynilang Ciudad na sacdal nang diquit.
Cahilin~gang ito ay di na nahintay?sapagca't guló na ang lahat nang jornal?sa hindi pagpayag sa ibinibigay?dating caupahán, caya binayaan.
Ugali't salita madaling malutas?nang ito'y matanto ni Rufiang dulin~gás?lalong sinulsulan jornal na alin~gas?sila'y maghimagsic sa castilang lahat.
Sinabi pa nito huag mag-alaala?sila'y tutulun~gan tanang caual baga?dito sa Maynila Infantería't Guía?sampuong artillero na ualang pagsala.
At hindi dadaan dugtong na sinambit?ang mamayang gabi mag-aalsang pilit?ang taga Maynila cung inyong marin~gig?ang putucan doon sumabay na tiquís.
Aco ma'y castila muli pang uinica?nitong si Fray Rufian uldóg na cuhilá,?n~guni't sa aua co sa inyo n~gang paua?dugó co'y naculo sa tanang castila.
Caya sa hatol co cayo ay sumunod?nang cayo'y lumaya na man~ga tagalog?huag naman cayong magcaroong lubós?niyaong ?desconfianza? sa ipinatalós.
Sapagca n~ga't aco'y catotong mahigpit?ni Burgos n~ga ninyo at caisang isip?sa nilalayon niya na lubhang mapilit?ang pananarili ay macamtang tiquís.
Caya cun sacali cayo'y man~gagdiuang?ay inyong ihiyao si Burgos mabuhay?at ang Filipinas guilio ninyong bayan?Espa?a'y mamatay, mamatay na tunay.
Sa ?enga~nong? ito sa hina nang isip?niyaong man~ga jornal sila ay naquinyig?sa hicayat nitong lalaquing mabait?uala nang inimbot cundi gauang lihis.
Sa madaling tacbo nang panaho't oras?yaong cagabihan sumapit na cagyat?ano't nagcataon parang pinagtiyap?pista sa San Anton[25] guinauang magalac.
Nagcaroon nang putoc castillo at bomba?cuites saca luces na ualang capara?sa boong magdamag at iba pang sayá?na nacauiuili sa guinauang pista.
Caya n~ga't maraming tauong nagsidaló?taga ibang pooc na di mamagcano?sa canilang toua sa pistang ganito?na sa cailan man di naquiquita ito.
Baquit nasabay pa ang pistá n~g Calmén?na pinagsasayá na ualang cahambing,?fraileng recoleto pauang nahihimpil?sa San Sebastian n~ga pooc na maalio.
Sa sabing matulin itong casayahan?dito sa Maynila nang cusang malaman?jornales sa Tan~guay paua nang gumalao?hindi naapula nang sino't alin man.
Sapagca't acala nitong nan~ga-aquit?nang fraileng si Rufian putóc na narin~gig?dito sa Maynila ay paghihimagsic?man~ga taga rito cay Burgos na cabig.
Ang man~ga marino sampuong infanteria?man~ga artillerong nasa sa muralla?na pauang tagalog dito sumunod na?na naquigalao din sa jornal sumama.
Dito si Lamadrid sargentong ilongo?hindi nagpabaya't agad sumaclolo?pinatáy ang púno pauang castellano?ang gradong teniente nilagay na rito.
Sina Montesino at Morquecho naman?lumagay sa lugar sumanib sa caual?caya't pinaghati ang fuerzas na tanan?saca namiyapis nang ualang cabagay.
Caya ang putucan nang ca?ón at baríl?sa boong magdamag hindi nagtitiguil?natalacsáng bangcay di maipagturing?nang man~ga castila't tagalog na tambing.
Gobernador Roxas mabuti na lamang?agad nacatacas at hindi napatáy?caya't nacuha pa sa acay na caual?ni coronel Sawa cusang naquipisan.
Sila'y nagsihanay hangang umumaga?sa calle principal niyaong Porto Vaga?na naquiquisagót sa putucan baga?nang naghihimagsic na aquing binadya.
At caracaraca siya'y nagpa-atas?cay Izquierdong hayág n~g isang calatas?ang bagay na ito'y ipinatalastas?upang sila doon abuluyang cagyat.
Nang ito'y matanto nitong si Izquierdo?sumubó ang galit na di mamagcano?caya capagdaca ang tanang sundalo?dito sa Maynila ay pinasaclolo.
Ang segundo cabong general Espinar?ay siyang umacay sa dinalang caual?pauang voluntario cubano n~gang tunay?ang iba'y castila't tagalog din naman.
Silang calahatan nagsilulang cagyat?sa man~ga vapores na hindi nagluat?at doon huminto na cusang sumadsad?sa Puerto nang Tan~guay
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.