di umano'y Imperio
ang nasang itayó tanang
filipino,
at ang Emperador na lumabas dito
si D. Joaquin Pardo de
Taverang totoo.
Ang man~ga ministros si Burgos at Basa
Antonio Regidor, Paraiso't
iba
dito ay nadamay ualang malay baga
caya nang dinaquip pauang
napataca.
Nang ito'y matanto man~ga fraileng lahat
pauang nan~gaguló ang
isip na in~gat
caya ang guinaua'y canilang nilacad
upang nang
mabago ang sa unang hagap.
Dito na n~ga sila gumaua nang pulong
anila'y mabuti
magcontribución
nang ang ating nasang nilalayon-layon
ay cusang
matupad sa habang panahón.
Sa pasiyang ito'y pauang nagsi-amin
ni isa'y uala mang tumutol na
tambing
caya't nan~gag-gugol nang lubhang malihim
sambuntong
salapi cay Izquierdong saquím.
Ipinagpilitan ang nan~gulo dito
ang bunying si Burgos sa nangyaring
guló
caya ang marapat baguhing totoo
ang sa diligenciang guinaua
nang daco.
Caya sa pagdin~gig at cusang pagtitig
niyong si Izquierdo sa salaping
tiquís
yaong diligencia ay binagong pilit
sinunod ang nasa nang
fraileng balauis.
Dito na lumabas nang ito'y mabago
caya nan~gag-alsá man~ga
filipino
sa lalauigang Tan~guay ang nasang totoo
maguing
República ang lupaing itó.
At cusang nahalál Presidenteng lubós
ang ating marunong na si Dr.
Burgos
at ang man~ga hayag na m~ga Ministros
ay ang natatalá
dito ay casunod.
Si Pardo Tavera siyang sa Estado
sa Hacienda naman ay si Paraiso
si A. Regidor siyang sa Gobierno
si María Basa nama'y siyang sa
Fomento.
At si Maurante siyang sa Marina
at si Mauricio siyang sa de Guerra
marami pang iba dito ay nasama
cusang idinamay binigyan nang sala.
Caya n~ga pagdaca ang lahat nang ito
sa lacás nang cuarta ay pauang
napreso
ang abang catuiran nalugmoc na rito
sa abáng candun~gan
nang dusang totoo.
Bucód pa sa rito ay pauang nadamay
sina Padre Lara, Sevilla at
Dandan,
Rosario, Guevarra, Hilario del Pilar,
Tuason, Desiderio
tagalog na tanán.
Saca sina Sánchez, León at Carrillo,
Enriquez at Serra, Máximo
Paterno
ay pauang natapon cusang dinestierro
sa iba't iba n~gang
bahagui nang Mundo.
Natan~gi n~ga lamang sina Padre Burgos,
Gómez at Zamora at si
Zalduang puspos
ang hindi natapon at cusang násunod
sa nan~ga
destierrong balót nang himutóc.
Palibhasa disin sa salaping lacás
sa diligencia n~ga pilit na lumabas
ang apat na ito sa castillong cagyat
sila ay mapasoc na cusang
maghirap.
Madali't salita ay hindi nagdaan
yaong isang buan apat na tinuran
sa
sadyang Consejo de Guerra ang n~galan
sila'y ipinasoc nang
pinunong tanán.
Lahat nang matouid ni na Padre Burgos,
Gómez at Zamora ay pauang
naayop
nang lacás at bisa nang salaping handóg
niyong man~ga
fraileng asal ay balaquiot.
Ang Consejong ito nang cusang minulán
icadalauang puo't anim
yaong bilang
nang buang Febrero hapon yaong lagay
nang
panahóng lubós na lubhang mapanglao.
Baquit ang nahalal Presidenteng tiquís
sa gayong Consejo ang sacdal
nang lupít
Coronel nang hocbó, ang n~galan at sambit
Francisco
Moscoso na ualang cauan~gis.
Fiscal instructor si Manuel Boscasa
Comandante naman catungculan
niya
na isa sa man~ga caututan bagá
nang dila nang fraileng
man~ga palamara.
A las cuatro n~gani nang ito'y minulán,
si Padre Burgos n~ga ang una
sa tanán
sacá isinunod si Zamorang hirang
at sacá si Gómez na
casamang tunay.
Anopa't ang lahat na man~ga defensor
ay ualang nagaua sa
Consejong yaon
palibhasa disin caalam nang pusóng
na fraileng
sucaban caya-napagayón.
Pagca't ang lumabás ó hatol na tunay
ang Pena de Muerte ang siyang
cacamtán
nang apat na ito sa pagcacadamay
na parang namuno sa
gulóng nagdaan.
Ang hatol na ito matanto ni Burgos
ay cusang tumugón sa Consejong
bantóg
siya'y di papayag sa defensang lubós
nang caniyang
defensor sa fraileng caumpóc.
Pagca't aniya siya'y hindi umaamin
na siyang namuno sa bintang na
tambing
caya't ang tutol niya sa tanáng casalio
siya'y ualang malay
niyaong pagtatacsil.
Ang bagay na itó di rin pinaquingán
nang tanáng doroon cay Burgos
na saysay
palibhasa n~gani sila'y binayaran
niyong man~ga fraileng
higuít sa halimao.
Uala ring nangyari cundi ang maghari
sa canilang dibdib ang
masamáng budhi
na maipapatáy si Burgos na bunyi
at pati nang
tatló na casamang tan~gi.
Caya n~ga't ang hatol n~g Consejong hirang
apat na may sala alisán
nang búhay
dalhin sa Capilla doon ay ilagay
hangáng may panahón
macapan~gumpisál.
Sumunód na arao nang pagca-umaga
ang plaza de armas pinatanuran
na
isang regimiento hocbóng infantería
sacá ang escuadrón niyaong
caballería.
Caramihang tauo ang siyang casunód
na pauang nagtaglay n~g
muc-hang malungcot
sa pagcacaabá nang palad na capós
niyaong
tatlóng paring bibitaying lubós.
Si padre Burgos n~ga siyang unang una
at si padre Gómez at padre
Zamora
pauang ualang malay sa atáng na sala
saca ang dinayang
Francisco Zaldua.
Ang apat na ito't pauang filipinos
sa bayang tinubua'y maalam umirog
lalong lalo na n~ga ang daquilang Burgos
na anác na tunay tubo sa
Ilocos.
Si padre Zamora tagalog na tunay
at tubong Maynila sa dacong
Pandacan
na naguing Rector n~ga't Cura sa Catedral
niyaong
nacaraang panahón at arao.
Si P. Gómez naman ay tauong Sta. Crúz
sacop nang Maynila sa
diquít ay puspós
sa lahing mabuti nagbuhat na lubós
ang amá at iná
mabuti ang loob.
Sa gremiong Mestizo nang m~ga Sangleyes
siyang nasasacop cusang
natititic
pagca't siya'y ancán nang man~ga japonés
sa unang daco pa
dito'y nagsi-alís.
Nang ito'y mag-aral camusmusang edad
dahil sa naquita sa gayong
capahát
man~ga catalasan nang isip na in~gat
at bait na tan~gi na
ualang catulad.
Caya sa talino at dunong na taglay
siya ay nagpari at nagcurang tunay
saca nag Vicario Foráneo naman
sa bayang Bacoor na sacop n~g
Tan~guay.
Cahulihulihan nacamtáng tibobos
pagca Examinador Sinodal na
lubós
sa Arzobispado na ualang caayos
m~ga carunun~gan na
caniyang inimpóc.
At siya rin
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.