naman naguing sugong tunay
nang m~ga castila sa cay
Luis Parang
cusang naghimagsic niyaong dacong arao
caya siyang
mula nang capayapaan.
Tumulong din naman sa m~ga pag-usig
nang m~ga tagalog sa córte
nang Madrid
ang lahat nang fraile dito'y mapa-alis
siyang naguing
dahil caniyang pagcapiit.
Ang naguing sundalong si Miguel Zaldua
taga Camarines Vicol na
talagá
cusang naguing quintos na nahulog bagá
sa batallóng hayág
niyaong Artilleria.
Ito'y nadestino sa lauigang Tan~guay
naguing asistente nang
tenienteng hirang
na si Faustino Villabrilleng tunay
saca nag-asaua
sa isang timtiman.
Ang timtimang ito na naguing asaua
ay isang babaye lubós caquilala
nang fraileng si Gómez Recoleto baga
na Prior sa Tan~guay sa
simbahan nila.
Ito't hindi iba siyang humicayat
na masamáng fraile sa magcasing
liyag
na paghimagsiquin jornalerong lahat
doon sa Arsenal cusang
napahamac.
Ito'y siyang mula nang pagcacasama
at pagcacadamay nang cauauang
Zaldua
na cusang nadaya pati nang asaua
nitong m~ga fraileng lilo't
palamara.
Sa sabi at saad nang m~ga nagsulit
ang babayeng ito ay cusang napiit
sa cárcel nang dusa n~galan ay Bilibid
siya ay napasoc nagtiis
nang sáquit.
Bayaang co ito ang ipagtuturing
ang oras nang gabi nang cusang
dumating
may isang dalaga na lubhang mahinhing
nag-isip ang
tatlo ay cusang agauin.
Ang n~gala'y Clarita na sacdál nang gandá
cusang nagmasaquit
nagnasang iadyá
si na P. Burgos, Gómez at Zamora
nang gabí ring
yaon doon sa Capilla.
Caya n~ga humanap nang macacatulong
at may anim na puo ang
caniyang naipon
pauang sandatahan nang m~ga talibóng
ang iba'y
revolver pistola't remington.
A las doce n~gani canilang tiapan
ang lahat nang cuartel cusang
lolooban
n~guni't di nangyari pagca't piniguilan
nang iláng clérigo
cusang nacaalám.
Caya pa n~ga ito nang maalamang lubós
nang m~ga clérigong nasabi
cong puspós
suot lalaqui na sa bay-uang may sucsoc
nang isang
magara't mainam na guloc.
Ang bagay na ito dapat n~gang pagmasdán
at tularan sana nang
babayeng tanán
man~ga filipinang aquing cababayan
marunong
umibig sa tinubuang bayan.
Ang bagay na itó ay iiuan co na
at ang sasabihin madaling umaga
nang arao nang sáquit binatbát nang dusa
ang apat n~gang itó
bibitaing sadya.
Ito't hindi ibá di dapat limutin
mapanglao na arao na calaguim-laguim
dalauang puo't ualó ang bilang na tambing
nang Febrerong buan sa
sabi at turing.
Nang mag á las seis ang lahat n~g caual
nang man~ga castila cusang
pinatahán
sa Santa Lucía n~ga at sa Bagumbayan
na pauang barilán
at may cañóng tagláy.
Sacá sa muralla nang Fuerza Santiago
ang hocbóng castilang man~ga
artillero
pauang naca-abáng sa maguiguing guló
na nababalita sa
panahóng ito.
Nang cusang sumapit á las sieteng oras
yaong bibitayáng binacod na
cagyat
nang man~ga sundalo na dalá't aquibat
nang Segundo Cabo
Espinar na hayag.
Bitayáng nasabi itinayóng tunay
doon sa Espaldón pooc na
malumbay
at may sampuong metro yaong cataasan
sa lupang
tuntun~gan sa sabi at saysay.
Ang tugtóg nang tambor at m~ga corneta
dito na minulán na hinipan
baga
casabáy ang ayos nang man~ga música
sa tinig nang marcha
ang pagcacabadyá.
Dito na quinuha ang na sa Capilla
apat na taan na namamatáy bagá,
ang man~ga sundalo nagbihis de gala
saca n~ga barilán na may
bayoneta.
Casama sa lacad ang m~ga Cofradía
nang Misericordia na caacbáy
bagá
tanang Comunidad nang Religión Santa
nang Poong si
Cristong sumacop sa sala.
Si Miguel Zaldua ang una sa lahat
cusang inalacad balót niyaong
posas
isang Franciscano at Recoletong cagyat
siyang caagapay na
cumacausap.
Sacá ang casunod yaong isang lupong
sari-saring órden nang fraileng
pulutóng
dalauang Jesuita na capulong-pulong
ni Padre Zamora na
nagcura Rector.
Isang Agustino at Recoleto naman
ang siyang casunód cusang
umaacbay
sa cay Padre Gómez na nagcura naman
at Examinador
Vicario sa Tan~guay.
Cahuli-hulihan ay si padre Burgos
na ina-acbayán nang dalauang
puspós
na m~ga Jesuitang natauag sa Dios
na nananalan~gin nang
lubhang tibobos.
Baua't isa n~gani sa apat na ito
ay binabantayán apat na sundalo
at
isang oficial sacá isang cabo
at may m~ga hauac isang crucifijo.
Nang sila'y dumating sa laang bitayán
sila'y inahintó sacá binasahan
nang bunying sentenciang sila'y mamamatay
cusang bibitayin sa
salang quinamtan.
Matapos mabasa ang sentenciang titic
ang nadayang Zaldua unang
ipinanhic
doon sa bitayán at inaupong tiquís
sacá yaong liig ay
cusang inipit.
Si Padre Zamora ang siyang sumunód
si Padre Gómez naman ang
icatlong puspós
na cusang tumutol hangang sa matapos
ang
hinin~gang ibig sa m~ga balaquiot.
Bilang na icapat at huling binitay
ay si Doctor Burgos na di nagulat
man
nagturing sa haráp nang caniyang calaban
aniya;
_¡Miserables!_ cayong fraileng tanán.
Saca nang maupo sa uupang cagyat
tumin~gin sa lan~git sa Dios
tumauag
_¡Poon co, Iná co, caloloua co'y tangáp
nang camahalan
mo't ito'y di co tatap!_
Nang masabi ito panaho'y nagdilím
at parang naglucsa ang lan~git na
tabing
sucat isang sinag sa Arao na ningning
ang siyang tumitig sa
apat na MARTIR.
Ang tanang nanood na m~ga tagalog
pauang lumuluha sa quinamtang
lungcót
caya ang iba n~ga naglucsang tibobos
bilang na pagdamay
sa m~ga natapos.
Nang ito'y mangyari ay nagsi-ouing lahat
yaong m~ga fraile masayá't
magalác
baga ma't ang sindác sa dibdib namugad
hindi ini-inó
niyaong man~ga sucáb.
Di naman nalaon ang apat na bangcay
nitong ualang palad ay
quinuhang tunay
nang carro fúnebre nang bunying Hospital
ni San
Juan de Dios cusang nalalaan.
Saca n~ga dinalá tunay inihatid
niyaong sa Hermandad
Misericordiang tiquís
sa Pacong libin~gan cusang nalilibid
nang
Caballería't sundalong maquisig.
Hangáng nilalacad nagsunod-sunoran
ang maraming tauo hangang sa
libin~gan
at ualang usapan na bulong-bulon~gan
cundi ang sa fraile
na man~ga casamán.
Sucat hangáng dito ititiguil co na
itong pag-aauit nang abá cong Musa
yamang natanto na guilio cong nanasa
ang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.