nang sino't alin man.
Sapagca't acala nitong nan~ga-aquit
nang fraileng si Rufian putóc na
narin~gig
dito sa Maynila ay paghihimagsic
man~ga taga rito cay
Burgos na cabig.
Ang man~ga marino sampuong infanteria
man~ga artillerong nasa sa
muralla
na pauang tagalog dito sumunod na
na naquigalao din sa
jornal sumama.
Dito si Lamadrid sargentong ilongo
hindi nagpabaya't agad
sumaclolo
pinatáy ang púno pauang castellano
ang gradong teniente
nilagay na rito.
Sina Montesino at Morquecho naman
lumagay sa lugar sumanib sa
caual
caya't pinaghati ang fuerzas na tanan
saca namiyapis nang
ualang cabagay.
Caya ang putucan nang cañón at baríl
sa boong magdamag hindi
nagtitiguil
natalacsáng bangcay di maipagturing
nang man~ga
castila't tagalog na tambing.
Gobernador Roxas mabuti na lamang
agad nacatacas at hindi napatáy
caya't nacuha pa sa acay na caual
ni coronel Sawa cusang
naquipisan.
Sila'y nagsihanay hangang umumaga
sa calle principal niyaong Porto
Vaga
na naquiquisagót sa putucan baga
nang naghihimagsic na
aquing binadya.
At caracaraca siya'y nagpa-atas
cay Izquierdong hayág n~g isang
calatas
ang bagay na ito'y ipinatalastas
upang sila doon abuluyang
cagyat.
Nang ito'y matanto nitong si Izquierdo
sumubó ang galit na di
mamagcano
caya capagdaca ang tanang sundalo
dito sa Maynila ay
pinasaclolo.
Ang segundo cabong general Espinar
ay siyang umacay sa dinalang
caual
pauang voluntario cubano n~gang tunay
ang iba'y castila't
tagalog din naman.
Silang calahatan nagsilulang cagyat
sa man~ga vapores na hindi
nagluat
at doon huminto na cusang sumadsad
sa Puerto nang
Tan~guay na ualang bagabag.
Nang sa Kabite n~ga sila'y magsidating
general Espinar nag-utos na
tambing
na aniya't panhiqui't agad salacayin
ang muog na yaong
ualang macahambing.
At ang baua't doo'y inyong maabutan
babaye ma't báta ay pataying
tanán
huag paligtasin ang sino't alin man
tungcól filipino naguing
cautusán.
Ang utos na ito ay biglang sinunod
nang lahat nang caual na pauang
cubanos
caya naman dito ang man~ga tagalog
cusang nagpaquita
nang tapang na impoc.
Ang pagpapatayan sabihin pa baga
dugó'y umaagos batis ang capara
bangcay natalacsán sa guitna nang plaza
niyaong Porto Vaga
gayong pagbabaca.
N~guni't sa dayucdóc at quinamtang puyat
nang man~ga tagalog sa
boong magdamag
quinulang nang palad caya't napahamac
sila ay
nagapi nang man~ga calamas.
Baquit quinulang pa nang polvora't bala
lalong cailan~gan sa
paquiquibaca
caya di mangyaring tumagal pa sila
sa paghihimagsic
nilang lahat baga.
Utos ni Espinar dito na sinunód
militar ma't hindi ay cusang tinapos
sargento Lamadrid at si Montesinos
siyang unang unang namatáy
na lubós.
Yaong si Morquecho ang quinana naman
nang caniyang maquita na
uala nang daan
nirevolver niya caniyang palipisan
sa nasang
matapos ang in~gat na búhay.
Dapoua't di nangyaring namatáy na tiquís
cung di nang icatlong arao
nang sumapit
siyang pagcatapos nang búhay na quipquip
nitong si
Morquecho na aquing sinambit.
Lahat nang naculong na di nacalabás
sa muog nang Tan~guay ay
pauang nautás
parang hinocoman ang nacacatulad
canilang sinapit
gayong paglalamas.
Ang iba'y sa tacot sa dagat nagtalón
nasang mailigtas ang búhay sa
lan~góy
n~guni't nahuli rin nang cañonero roon
cusang nagtatanod
na ualang caucol.
Ang ibang nagtago at hindi gumalao
sa sariling bahay tinacas na
tanan
at pinagbabaril yaong iba naman
dito sa Maynila ay dinalang
tunay.
Hindi n~ga nalao't binitay na cagyat
nang icadalauang puo't isa ang
saad
nang buang Enero't ualang nacaligtas
ni isa man lamang sa
canilang lahat.
Tanang man~ga presong cusang nagdudusa
doon sa Arcenal di
nacalabas baga
sa paghihimagsic ay biglang dinala
cusang
dinestierro doon sa Paragua.
Ang fraileng si Rufian na umaquit dito
sa nan~gapahamac doon sa
Castillo
nang magcagulo na'y nagtagong totoo
ang toua'y malaqui
na di mamagcano.
Pagca't inacala'y cusang masusunod
ang bumucong nais nang capua
balaquiot
fraileng solopicá caisa nang suot
na maipabitay ang ating
si Burgos.
Caya nang maquita at siya'y matuclás
nang capua castila inalpasang
agad
pagca't quinatuiran siya rao'y nalalabas
sa alsahang yaon nang
nan~gapahamac.
Dito sa Maynila ay hindi nagtagal
sa Reinong España'y omoui
pagcuan
sapagca't inisip maca pa macunan
niyaong _declaración_
gayong caguluhan.
Sa nangyaring ito ang lahat nang fraile
pauang nan~gagalac hindi
mapacali
at cusang nilacad lihim sa sarili
si P. Burgos n~ga'y
cusang ipaputi.
Ugali't salita caguluhang ito
ipagpatuloy co sa man~ga marino
na
nasa Arcenal nang matanto ito
dito nagsilaban nang di mamagcano.
Halos patay na n~ga nagsisilaban pa
sa man~ga castilang canilang
cabaca
at isinusumpa fraileng lahat baga
hangang ipiniquit yaong
man~ga matá.
Ang ibang nahuli doon sa Arcenal
babaye at bata matanda't hindi man
sa cañonero n~ga'y pauang isinacay
saca ipiniit na pinarusahan.
Hindi naluata't sa corte nang Madrid
ibinigay alam ang
paghihimagsic
nang taga Kabite ni Izquierdong tiquís
general na
hayag na sacdal nang lupít.
Sa bunying Ministro n~g Guerra't Marina
doon n~ga dumatal bigay
alam niya
caya capagdaca ay sinagót siya
maghalál nang Fiscal taga
usig baga.
Dito na inusig at cusang hinusay
nang naturang Fiscal ang tanang
nadamay
sa nan~gaghimagsic sa lauigang Tan~guay
at pinarusahan
ang may casalanan.
Binigyang indulto iba naman dito
ualang man~ga malay sa
nangyaring guló
n~guni't yaong ibang may salang totoo
lalong
nahigpitan sa pagcaca-preso.
Dito na hinuli si Miguel Zaldua
naguing artillero nang panahóng una,
na nan~gan~galacal nang talacsang baga
doon sa Kañacaw, sa
Udiong ang cuha.
Caya nang piniit siya'y cabubuhat
sa pan~gan~galacal na dati niyang
hanap
nasa lorcha pa n~ga nang dacping cagyat
pati nang asauang
pinacaliliyag.
Sila'y itinuloy nang caracaraca
doon sa Bilibid na piitang sadiya
na
di man quinunan declaración baga
at caagad-agad sila'y pinagdusa.
Yaong diligencia'y cusang itinuloy
nang nasabing Fiscal nahalál n~ga
noon,
upang mapag-usig nan~gulo sa gayong
man~ga caguluhan na
ualang caucol.
Nang maliuanagan dito lumabas na
sa declaraciones na guinaua nila
ang cusang nan~gulo sa caguluhan baga
na nangyari noon na
ualang capara.
Ang unang lumabas
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.